Chapter 14
Together
"Dahil tayo na, hindi naman na siguro masama kung magtatanong ako?" My voice is pretty confident.
"Yeah, of course." ani Beau.
I took a deep breath. "May I know why Xyla is in your room earlier?"
That really bothered me. Anong ginagawa nilang dalawa sa kwarto? Hindi mawala sa utak ko ang mag-isip ng madumi. Lalo na at nababalitang maduming lalaki si Beau dahil sa dami ng babae na dine-date.
"Ni hindi mo manlang ako nilabas-"
Naputol ang sasabihin ko nang magreact na si Beau. "W-wait... what?! She's in my room?"
Naningkit ang kanyang mga mata at tila malalim na nag-iisip.
"Yes... She opened the door for me and asked me kung ano ang kailangan ko. Gusto ko lang naman isauli 'yung planner at handbook mo."
"I actually don't know that she's there and I'm not even in my room... Pinatawag kasi ako ng Head Mistress. Nakalabas lang ako sakto nang mag-status ka kaya naman kinatok agad kita pagbalik ko sa Flamma Building." Beau explained.
Nakahinga ako nang maluwag doon.
Beau maybe a playboy, but trust me. He's freaking honest.
"Maybe I left my room open... Bukas nga tatanungin ko siya kung paano siya nakapasok sa-"
"'Wag na." pagputol ko sa kanya. "Kakausapin mo pa! Ang girlfriend mo na lang ang kausapin mo..." my eyes rolled.
Natawa si Beau at ginulo ang buhok ko. "That's the Theandra I know... You don't have to be jealous, Tey. Ikaw lang naman, eh."
Inirapan ko lang ulit siya.
He have months or even years to prove that to me.
"See you tomorrow." Beau said when we reached my room.
"Yeah. Sunduin mo ako bukas." sabi ko naman sa kanya.
Natawa siya. "Kahit naman hindi mo sabihin, lagi naman kitang sinusundo, eh."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagsasabi lang! Ang dami kayang mga lalaki na sa una lang magaling! Sa una ka lang susunduin at ihahatid. Pag matagal-tagal na, wala na, hindi na!"
Hindi ko alam kung bakit mas natawa siya. "Tey, ayon lang ang kwarto ko." aniya at tinuro ang kwarto niya. "At ito ang iyo. Magkatabi lang tayo ng kwarto. Pareho tayo ng building. Chill ka lang, okay."
Natatawa pa rin siya kaya mahina kong hinampas ang braso niya. "Kahit na, Beau Santiago!"
"Oo na po, Ma'am." aniya at hindi ko alam kung bakit napangiti ako roon.
"Goodnight." sabi ko at sinara na ang pintuan.
Nagpaalam na ako agad dahil feeling ko ay namumula na ang mga pisngi ko. Baka makita pa ni bungang araw at asarin ako!
Napaupo ako sa couch. I still feel so giddy about tonight. What the hell just happened? Real quick, kami na ulit! And this time, totoo na!
Pag sandal ko ay parang may napipi sa aking likod. Bumaling ako at nakita ko iyong paperbag na ibinigay ni Beau sa akin. Hindi ko pa iyon binuksan simula no'ng kinuha ko 'yon sa basurahan dahil tinapon ko nang binigay ni Beau iyon sa akin.
I opened the paperbag. It's quite huge and was surprise when I saw tons of my favorite chocolates inside. May nakabalot pa sa isang pouch at nakita ko na mga gamot iyon sa allergy ko.
What the hell, Beau Patrick? Bakit ako parang kinikilig?!
Mabilis kong kinuha ang phone ko at nagtipa ng mensahe para sa kanya.
To: Bungs
Thank you sa paperbag.
Iyon ang sinend ko. Pumunta pa ako sa contacts para baguhin ang name niya sa phone ko.
Ilang saglit lang ay may reply na rin siya.
From: Boyfie Bungs
What paperbag? Yung tinapon mo, Ma'am?
Natawa ako sa reply niya.
To: Boyfie Bungs
Yeah. Binalikan ko, Sir. Ngayon ko lang binuksan at nakita ang laman. Thanks.
Nagtipa pa ako ng isang mensahe bago patayin ang phone ko.
Goodnight!
Maganda ang gising ko kinabukasan. Parang ang gaan gaan lang ng lahat. Hindi ko alam bakit ang saya ko at nag-ayos ng bongga.
Well, first day ko ito na maging official girlfriend ni Beau. I need to show them that I'm made for him. Gwapo si Beau. Mayaman at presidente ng school. Maraming may gusto sa kanya pero ako ang girlfriend niya. Dapat lang na bagay kami at walang magrereklamo. Kahit si Xyla man! Hmp!
Naglagay ako ng kaunting make-up. This is not usual for me. Minsan kasi powder lang talaga at lip tint. Pero ngayon ay naglagay ako ng foundation, blush on, eyeliner, mascara, at lipstick. Dapat plakado!
Tila isang hindi makabasag pinggan na dalaga ang awrahan ko paglabas ng kwarto.
Paglabas ko ay nandoon na si Beau. He's looking at me intently. Ang ngiti sa labi niya ay unti-unting umabot sa tenga hanggang sa maging tawa na
What the?!
"A-anong nakakatawa?" I glared at him.
Nakakainis 'tong lalaking 'to, ah!
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa mukha ko at mariin akong tinitigan.
"Ano ba?!" halos pasigaw iyon sabay hampas sa braso niya.
Sa kabila ng pagkairita ko, wala siyang pakialam! Aba at ang saya-saya pa ni loko!
"Wow! Nag make-up! Ano ba naman 'yan? Hindi mo na kailangan magpaganda para sa'kin dahil ikaw lang ang baby cakes ko!" hirit niya at halos masuka ako.
"Baby cakes?! Ew! Ewan ko sa'yo!" sabi ko at naglakad na.
Kainis! Pasalamat nga siya at nag-ayos ako! Tse!
"Huy... huy." bumuntot siya sa akin. "Joke lang, ito naman!"
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang isinilid ang kamay niya sa pagitan ng mga daliri ko.
"I'm sorry, okay..." aniya at hinigpitan pa ang hawak sa akin. "It's our first day together and I just can't believe how beautiful you are."
Imbis na ma-touch doon ay inirapan ko siya. "At pang ilan ako sa mga babaeng nasabihan mo niyan?"
"Una! Nag-iisa ka, ano!" giit pa niya.
Magsasalita pa sana ako nang makasalubong namin si Xyla na pababa rin. Her eyes automatically went to our hands.
I smiled a little and held Beau's hand even tighter.
"Beau, are you really doing this?" she asked Beau like I'm not even there. "Seryoso? Pagpapalit mo ko riyan?"
Unti-unting umaangat ang isang kilay ko. Is this Xyla girl belittling me?
Before I'd snap, Beau fronted her. "Xyla, please stop this. Tapos na ang kung ano man 'yung atin. Sana naiintindihan mo? Hindi kita pinagpalit. Wala naman kasi talagang tayo, eh. Inimagine mo lang."

BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Thea will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.