Chapter 40Halloween
Pagkagising ay sobrang bigat ng ulo ko. Napasabunot ako sa sarili dahil wala na akong maalala. Ano ba ang nangyari kagabi?
Parang sasabog ang ulo ko, eh! Ang tanda ko lang, nagkakantahan at nag-iinuman kami nila Andy. Hindi ko na alam kung paano ako nakauwi rito. Siguro naman hinatid nila ako, eh ano?
Papasok na sana ako nang may envelope na naman sa ilalim ng pintuan ko. Nagpasya akong 'wag nang basahin iyong sulat dahil baka ayain ko na naman 'yong dalawa sa k-hub.
My head feels so heavy. Pagdating ng breaktime ay tinawagan ko agad si Andy at Stephanie para puntahan ako sa canteen.
"Inom pa!" si Andy sabay abot sa akin ng isang boteng tubig at isang paracetamol. "Pang pawala ng hangover."
"Sabi ko kasi kantahan lang, bakit may mga alak!" giit ko pa.
"'Eh kasi naman kulang na lang doon ka na sa tower lumaklak!" si Stephanie naman. Ako pa ang may kasalanan ngayon?
"Saka okay na rin na uminom ka kesa kumanta. Baka basag na eardrums namin pag nagkataon!" dagdag pa ni Ands. Grabe. Ganoon ako kasintunado kagabi?
Napahawak ako sa noo ko. "Ano ba ang nangyari pa kagabi?" I asked them. Bigla silang nagtinginan na dalawa at nagpalitan ng mga makahulugang tingin. Lah?!
"Wala naman. Hehe." ani Ands.
"Basta masaya ka kagabi." Stephanie said and stood out. "Una na ako, guys. May ipapasa pa akong report. Ciao!"
Nang makaalis na si Stephanie ay tumabi sa akin si Andy. "Hindi pa ba tayo bibili ng makakain?" he asked.
"Tara." sabi ko at pumila na kami ni Andy.
Habang nakapila ay namataan naman ni Ands si Royce. "Uy, Royce! Sabay ka na sa'min."
Tumango-tango muna ako kay Royce bago bumaling sa nag-seserve. "1 piece chicken with spaghetti... 1 bottled water and 1 strawberry dutch mill po." sabi ko.
Inantay naman namin ni Andy si Royce na maka-order. "1 Double patty cheeseburger po. 1 bottled water and 1 nutri boost strawberry."
Natawa ako. Maglalaban na naman ba kami sa kung ano ang mas masarap?
"Wala na pong nutri boost strawberry." anang tindera.
"Marami pa po 'yun kahapon, ah..." apila naman ni Royce.
"Pinakyaw lahat kaninang umaga, eh..." sagot sa kanya no'ng tindera.
"Pinakyaw po?" nanlaki ang mga mata ni Royce.
"At sino namang baliw ang gagawa no'n?" tanong sa akin ni Andy at nakataas pa ang kilay.
Natawa 'yong tindera. "Binili lahat no'ng lalaki, eh. Kasing tangkad mo siguro, gwapo rin... Ano nga ba pangalan no'n? Nagsisimula sa letter B 'yun..."
Nang i-describe iyon ay alam ko na agad kung sino. Naningkit ang mga mata ko at napailing. Ang childish mo talaga, Beau Patrick!
"Gano'n kasarap at pinakyaw?" ani Royce at ang lungkot niya. He's so clueless!
Pasensya na, Royce. May baliw lang na nantitrip sa'yo!
Bumili pa ulit ako ng isang dutch mill at inabot 'yon kay Royce. "Ayan na muna." sabi ko para naman hindi siya malungkot masyado?
Busy na ang buong Student Council dahil sa nalalapit na Halloween Party.
Nag-aayos kaming lahat ng venue ngayon at wish ko lang ay hindi magkaroon ng kahit anong interaksyon kay bungang araw.

BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.