Chapter 24

44.4K 1.8K 741
                                    


#ChasingAfterYouWP

Chapter 24
Hospital

"I hope it's okay to you... She doesn't have any friends here." dagdag pa ni Beau.

She doesn't have friends here dahil sa attitude niya! Just kidding...

It should be okay, right? Of course!

"Oo naman..." sagot ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bumigat ang paghinga ko.

"Are you sure it's okay?" Beau asked again no'ng malapit na kami sa kwarto ko.

Napatingin ako sa mga mata niya. I'm half hearted about this okay? But I don't want to be the bad person here. I don't want to be selfish.

"Yeah... Don't worry about it." I told him.

Ballroom Dancing ang lesson namin ngayon sa PE. Sayang at wala si Beau. Siya sana ang partner ko...

Pero dahil wala siya, no one wants to be partnered with me. I guess takot sila kay Beau.

Sino ba naman ang gugustuhing bumangga sa Presidenteng may topak?

Teka... Paano ba ang mag ballroom mag-isa? Putik!

Nagliwanag ang mga mata ko nang makita ko si Mac sa gilid, nakaupo, at nagbabasa na naman!

"Mac, wala ka pang partner? Partner tayo!"

Tinignan niya ako tapos ay bumaling lang ulit siya sa libro niya. "I'm sitting out." aniya.

Tumaas ang kilay ko. "Sit out ka? Pwede 'yun?!"

Eh, 'di kung pwede pala ang hindi sumali sa lesson na ito, ako rin ay hindi na lang! Mag-sit out na lang din ako!

Bago pa ako makapagsalita ulit ay itinaas ni Mac iyong slacks niya sa kanang paa. Nakabenda iyong ankle niya.

"Ano 'yan?" I asked curiously.

"I'm injured. I can't dance." aniya.

Muling tumaas ang kilay ko. "Paano ka na-injured? Nag-drive ka pa ng cart kahapon, ah?"

This guy! He's lying!

He laughed a little. "Ingay mo. Kung gusto mo, gawin mo rin." aniya at ibinato sa akin 'yong isang rolyo ng benda galing sa bag niya.

Natawa naman ako roon.  Manang-mana kay Beau! Dios mio!

See? He's just faking it!

"Saang libro mo nabasa 'to? You're crazy!" sabi ko pero naghubad na rin ako ng sapatos para makapaglagay din.

Kung gusto ko ring ma-sit out, I need to do this!

"Tey!" I heard Ethan's voice from behind.

Agad akong napalingon sabay tago ng benda.

"Y-yeah? Andyan ka pala?"

"Yep. May partner ka na?" he asked.

"Wala pa nga, eh..."

"Partner tayo?"

"O-okay, sige. Tara." sabi ko at ibinato na kay Mac ang benda niya.

I'm not sitting out! I'm dancing! Yehey!

Ethan and I... We are never awkward. Pero ngayon, ni hindi ko alam kung papaano humawak sa mga balikat niya at ni hindi siya makahawak sa bewang ko.

I guess this is what you call an ex effect? But we are good friends...

He laughed a little. "May I?"

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon