Chapter 13

51.7K 2.2K 504
                                    

Chapter 13

Roof Deck

"What are you doing? Bitawan mo nga ako!" sigaw ko habang hinihila ako ni Beau.

"You said you want peace of mind..." aniya, patuloy pa rin ang paghila hanggang makasakay kami ng elevator.

"And so?" Nakakainis talaga itong lalaking ito!

If I'm stronger enough, I would've push him!

Nahinto kami sa pinakamataas na parte ng Flamma Building. Never pa akong nakapunta rito.

Tumigil siya sa paglalakad tapos ay binuksan iyong glass door. Hindi lang kita ang nasa loob dahil may kurtina.

"Tadah!" aniya paghawi no'ng kulay berdeng kurtina.

I never knew we have this here in Flamma Building. It's a roof deck and you can see almost everything... The greenery of the academy, the other casa buildings, and the stars up above. Phenomenal.

Binitawan na ako ni Beau kaya naman nagkaroon ako ng pagkakataon na lumapit sa railings.

Malakas ang hangin at tinatangay nito ang mahaba kong buhok. Hinayaan ko lamang iyon.

Malalim akong huminga at tinignan ang langit. The stars are so bright tonight. I'm craving for nights like this. 'Yong tahimik lang at magandang view ang nakikita mo.

It's so peaceful that you want to stay here forever.

"I wish that life is as peaceful as this." sabi ko.

I heard Beau's footsteps. He also went near the railings.

"I wish that I'll be your peace." he said.

Mabilis naman akong bumaling sa kanya at ganoon din kabilis ang pagtatagpo ng aming mga mata.

His eyes are so beautiful. Like there's a story that is yet to be told. I shrugged the idea when something popped in mind. Baka puro pambabae lang ang istorya sa magagandang mata ng lalaking 'yan!

Kinunotan ko siya ng noo. "Ikaw nga 'yung rason kung bakit gusto ko ng peace of mind."

Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa mga bituin sa langit.

"You really don't like me, do you?" he asked. His voice sounded so serious than ever before.

Saglit akong natigil dahil doon. Ang mga mata'y nanatili sa taas.

"It's so scary to like you." I said with all my heart.

That's the truth. It's easy to like him... Like how other girls are so into him. But what's stopping me is this fear to fall for guys like him.

I'm not scared to fall in love. I'm scared to fall for the wrong person.

"Why?" tanong niya.

Yumuko ako. I'm not looking at him, but with my peripheral vision, I know he's looking at me.

"I might get hurt in the end." I said, completely honest.

Ngayon ay muli ko siyang tinignan.

"Who says that we'll end?" aniya at tinaasan ako ng kilay.

"Well, baka sa umpisa pa lang, saktan mo na ako." saad ko.

"Hindi ko gagawin 'yan!" mabilis niyang sabi. Tila siguradong-sigurado na hindi niya talaga iyon gagawin.

"Narinig ko na 'yan." sabi ko naman.

Playboys like him surely knows how to fool a girl.

"Why are you so scared of getting hurt? People are born to get hurt. Paglabas mo pa lang sa mundong 'to, sasaktan ka na. Probably why the doctors hit the babies on their asses... They will get hurt and cry so hard, but that's the time we'll know their alive." saad niya.

"I just don't like the idea of welcoming you in my life and then you will thank me by hurting me. You're a playboy, Santiago." giit ko pa.

Halos magdikit ang kanyang mga kilay. "And who says that?"

"A lot! Sabi pa nila baka may STD ka na..."

"Hoy! 'Yong mga nagsasabi no'n gusto lang matikman ako!" giit niya at nagpamewang pa.

Pinigilan ko ang tawa ko. Umiling-iling na lang ako at muling ibinaling ang tingin sa iba.

Lumapit siya sa akin. Naramdaman ko ang pagdidikit ng dalawang braso namin na nakapatong sa railings.

"But seriously, why don't you give it a try?" he said softly.

Napalunok ako roon. Nalito ako at hindi alam ang isasagot ko.

I took a long deep breath.

As much as I want to say that I like him and I am just in denial about it because he's a playboy so I don't want to do anything with him anymore, I can't... Parang may pumipigil sa akin.

My mind wants to run away, but my heart wants to take the risk.

Who's the boss of me?

"Promise me that you won't hurt me." I told him.

Now, we all know who's the boss of me. My damn heart.

Mariin ko siyang tinignan at ganoon din siya. Like we're in our own little world under the stars.

"I will do my best not to." he said.

Bumagsak ang tingin ko sa lupa.

"You didn't promise..." I said, sad at his remarks.

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang isang kamay ko. "Promises are meant to be broken, but hearts aren't. So, I will do my best not to break your heart."

Nalulunod ako sa mga mata niya.

"Promises are overrated. Doing your best is better." dugtong niya pa.

Napayuko na lang ako sa kanya at napailing. Ang galing talaga ng lalaking 'to kumuha ng loob gamit ang mga mabubulaklak na salita.

Kuhang-kuha niya ako. How dare him?!

"Then fine." I said.

His thick brows furrowed. "Fine what?"

"Tayo na ulit." sabi ko at bigla na lang siyang napabitaw sa akin.

"For real?" aniya na parang hindi makapaniwala. Parang mind blown, gano'n. "Weh?"

Nakaawang ang bibig niya habang nag-aantay ng sagot ko.

"Oo nga." sabi ko at tumango pa.

"Wait, kurutin mo nga ako. I wanna check if this is legit!" aniya.

Inutusan pa ako ng baliw na ito!

Sinampal ko siya.

"Aray! Teka, ang layo ng kurot sa sampal." reklamo niya habang nakahawak sa kanyang pisngi.

Natawa ako roon.

"So, legit na ba?" I asked him and crossed my arms.

"Y-yeah..." he said, stuttering. "Dream come true."

Tinaasan ko siya ng kilay. "'Yan din ba ang sinasabi mo sa mga babaeng sumagot sa'yo?" I asked.

"No. I never said that, ngayon lang." aniya at nagulat ako nang biglang pumalupot ang mga kamay niya sa bewang ko.

He. Is. Freaking. Hugging. Me. Now.

Natigil ako. Sobrang dikit ng mga katawan namin at parang hindi ako makahinga. Ni hindi ako makapagreact! Damn!

"W-wait! Ang bilis naman ata!" giit ko at bigla siyang napabitaw sa gulat.

"I'm sorry. I'm sorry. Nadala lang..." aniya. "Sobrang masaya lang ako."

Nakatingin ako sa kanya ngayon. Nagugulat dahil tila ba totoong totoo ang mga sinasabi niya. Walang pagpapanggap.

"I hope you are the risk that is worth taking for, Beau Patrick." seryosong sabi ko sa kanya.

Kung sasaktan niya ako, my other self will say that 'I told you so'. But it doesn't matter...

Kung masasaktan man ako sa huli, tanga na kung tanga, pero ang mahalaga, naging masaya.

"And I will do my best to be the risk worth taking for, Theandra Sorell." he said. And I've never seen the stars as bright as tonight.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon