Chapter 23

45K 1.7K 901
                                    


Chapter 23

Conflicts

Beau went to GA Hospital. Naiwan kaming dalawa ni Mac.

"I hope she's okay..." I told Mac.

"Yeah." maikling sabi nito.

I took a deep breath. I understand Beau. I mean, if it's Ethan, I'll do just the same. Nasa GAH na rin ako ngayon.

Even though Beau told me a lot of times that Xyla and him ain't really into a relationship, I know that Xyla do loves him. Alam ko dahil ilang beses niya akong inaway. And Beau on the other hand, I know he cares kahit kaunti. Hindi siya pupunta kung hindi. At okay lang iyon.

"How 'bout you? You alright?" Mac asked.

I nodded.

"Pwede mo ba ako samahan sa GA Hospital after class?" I asked him.

Gusto ko rin sanang bumisita. Ang awkward nga lang kung ako lang mag-isa ang pupunta roon.

I need someone to talk to. Isa pa, Beau and Mac are friends after all.

"What for?" tanong niya pabalik.

"Kailangan ko lang ng kasama... Ng makakausap." sagot ko sa kanya.

Naningkit ang mga mata ni Mac. "Do I look like a talkative type?"

Natawa ako roon. Ang ironic dahil isasama ko siya para may makausap ako pero oo nga pala, isa siyang hangin! Malamang ay magbabasa lang siya roon!

"Basta, samahan mo ako mamaya." sabi ko. "No books allowed!"

Beau missed the afternoon classes. Sayang at magaganda pa naman ang topic ngayon.

"Mac, let's go?" Lumapit ako sa upuan niya.

Buti na lang at same kami ng last subject ni Mac, Life and works of Jose Rizal.

Pinunasan niya ang glasses niya tapos ay tumayo na. "I was supposed to read Consti today..."

Tumawa ako. "Sorry na! Basahin mo na lang bukas... At teka, bakit ka magbabasa ng Constitution of the Republic of the Philippines?"

Ibang klase talaga ang taong ito.

"After ba nitong business course natin, you'll enter law?" I asked.

"Nakalimutan mo ata na kayong dalawa lang ni Beau ang Business Management. Economics ako." saad niya.

I almost forgot about his course! I mean, halos pareho kasi ang mga subjects namin ngayon. Iilang klase lang na hindi namin siya kasama.

"So, magla-law ka nga?" I asked again.

"Maybe." aniya. "Atty. De Guzman sounds good."

I smiled at him. "Pwede!"

Mac and I went to the GA Hospital. Tinanong namin kung saang room dinala si Xyla Ocampo.

We waited outside. Nasa loob na raw kasi si Beau kasama ang parents ni Xyla. I wonder how close they were... I mean, if Xy's parents trust Beau? That's something.

Hindi ko alam kung bakit bigla na namang may bumagabag sa akin.

Napabaling ako kay Mac na nakapikit lang sa gilid ko. Is this guy serious or what?

"Uy!" kinalabit ko siya. "Don't tell me natutulog ka?"

"You did not let me bring any books. What am I supposed to do? Magbilang ng tiles?" aniya habang nakapikit pa rin.

Sumakit ang tiyan ko dahil sa pagpipigil ng tawa.

My gosh! Hindi ko siya kaya!

"Magkwentuhan na lang tayo!" suhestiyon ko.

Ayaw ko rin namang daldalin siya. Kaso baka mamaya ay pareho na kaming naghihilik dito. Nakakahiya naman 'yun!

"Ayaw." aniya.

I rolled my eyes. Arte!

I'm getting sleepy, malamang ay siya rin!

"Wala kang girlfriend? 'di ba?" I asked out of the blue.

"Is it a big deal?" he shot back.

"Hindi naman... Nakakapagtaka lang na single ka pa rin. Nasa tamang edad ka naman na."

"Wala namang tama o maling edad sa pag-ibig." aniya at nanlaki ang mga mata ko.

He's okay to talk about love! Yes, Sir!

"Nagtataka lang ako, De Guzman! I mean, look at you! Gwapo ka, matangkad, matalino, medyo nerd nga lang... Pero boys like you? Nakikipaghalikan ka na dapat!"

"Language!" sita ni Mac sa akin sabay iling.

Nagulat din ako sa sinabi ko. God! "Sorry, too intense. Hehe."

Saglit siyang natawa.

"Sabi ni Beau, NGSB ka raw."

Kumunot ang noo niya. "NGSB?"

"No Girlfriend Since Birth!" sagot ko. "Wala ka bang nagugustuhan na babae? O baka naman torpe ka? O baka-"

Napahinto ako nang may maisip na iba.

OMG! Hindi kaya? Baka mala Andy si Mac?!

"I'm not gay, you crazy." aniya habang natatawa. "I just don't want to rush it."

Kumalma ako roon.

"A girlfriend is a potential wife." Mac said. "Ayoko ng short term. Gusto ko 'yung una, 'yun na rin sana ang huli."

"You can't always tell." sabi ko.

Kasi 'yun naman talaga ang gusto ng lahat, 'di ba? We want the first one to be our last one... But only time will tell. Only fate decides.

Like what happen to Ethan and I.

Kasinungalingan kung sasabihin kong hindi ko inisip na si Ethan ang end game ko.

"Hindi mo naman masasabi kung siya na 'yung tamang tao para sa'yo, 'di ba?" I asked him.

Mac crossed his arms. Chill lang siya.

"Love isn't about finding the right person, it's about creating a right relationship." aniya. "It's a matter of choice."

"Choice?" singit ko.

"To make or break the relationship is a matter of choice. It's your choice to stay or leave. To doubt or believe... It's not a math equation."

Napatingin ako sa kanya at halos umawang ang bibig ko. Sigurado bang NGSB siya?

Parang marami na siyang experience, eh!

True to his words, reading is power!

"I just don't want to waste my time, you know?" dagdag pa niya. "Relationship is an investment, not a hobby."

Tumango-tango ako roon. He's right.

Relationships are an investment of your time, effort, energy, and trust.

Isang malaking kasayangan kung mapupunta lamang ang lahat ng iyon sa wala.

Napatayo ako nang lumabas si Beau sa kwarto ni Xyla. Ganoon din si Mac.

Nagulat siya nang makita kaming dalawa.

"You're here?" he asked and held my hand.

"Oo. Bibisita sana..." sabi ko.

Beau smiled at me. He looks a little bit exhausted. "She's sleeping already. Nagbabantay din ang parents niya sa loob. You can visit her again tomorrow."

Tumango-tango naman ako. "Okay."

Habang nasa cart kaming tatlo pabalik sa Flamma Building ay nakatingin lang ako kay Beau. Tabi kaming dalawa sa likod at si Mac naman ang nagpapaandar sa harap.

"How is she?" I asked.

"She's emotional about it. She hurt her right leg so bad. It needs a bone operation." ani Beau.

I'm in shocked about how terrible the accident was.

"Pupunta ka pa bukas?" I asked.

"Yeah... Nakiusap ang parents niya sa'kin. I need to look out for her." Beau said and I wonder why my heart felt so heavy after.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon