Chapter 4

66K 2.6K 690
                                    

Chapter 4

Treasurer

"Yellow Panty?" sabay-sabay na sabi nina Andy, Kol, at Rose.

Halos tumirik ang mga mata ko sa inis dahil kay bungang araw.

"Ah, umm, kasi favorite color ko ay yellow!" malakas na sabi ko.

Tawa naman ng tawa si Bungs habang papalapit sa amin. Nakita ko rin si Mac na nasa likod lang din.

"Yeah, right..." sabi pa ni Bungs.

"Eh, bakit panty-" bago pa matapos ni Kol ay pinandilatan ko na siya ng mata.

"Wala 'yun, Kol. Sira-ulo lang ang isang 'yan." sabi ko at kumagat na sa pizza ko. Panira talaga itong Beau na 'to!

"Close ba kayo ni Pres?" mahinang sabi ni Andy.

Agad naman akong umiling dahil makahulugan ang mga titig nila.

"Hindi mo manlang ako ininvite kumain, Yeye." bulong sa akin ni Beau. Halos maluwa ko iyong pizza.

"Yeye?!" takang tanong ko sa kanya.

"Yellow Pan-" bago niya pa matapos ay sinalpakan ko siya ng pizza sa bunganga niya.

"Kumain ka na riyan, Bungs!" bawi ko.

Mabilis niyang nginuya iyong pizza. "Bungs?!"

"Bungang araw!" sabi ko.

Imbis na mainis siya ay nginisian pa niya ako. "Hmmm, I like it. We now have an endearment."

Magrerebat pa sana ako pero tinawag na siya ni Mac. "Beau, kain." maikling sabi ni boy tahimik.

Umalis na si bungang araw at iyong mga kasama ko ay halos patayin ako sa titig.

"Hindi talaga kayo close?" si Kol naman ang nagtanong ngayon.

"Hindi nga. Kakakilala ko lang diyan kanina!" giit ko.

"Fuckboy lang talaga 'yan." sabi naman ni Rose na nasa gilid ko. Napatingin ako sa kanya.

"Uy, grabe! Baka naman hindi!" si Andy naman.

"Duh, Ands! Schoolmate ko 'yan dati at kaklase naman niya ang Kuya ko. Iba-iba ang babaeng kasama niyan every week! Baka nga may STD na 'yan!" saad ni Rose at halos maubo ako.

Ew! I'm so right about him! Manyak!

"Baka naman friendly lang!" banat pa ni Andy. Crush niya ata iyong si Beau, eh.

"I doubt!" si Kol naman.

"Nagulat nga ako nang pinatulan 'yan ni Xyla. I mean, kilala siyang model." sabi pa ni Rose.

"Wait... Sila?" I asked curiously.

How can she fathom that malanding guy?

"As far as I know, mag-ex na..." sagot ni Rose.

"At ngayon ikaw naman ang dinidiskartehan, Thea!" naiiling na sabi ni Kol.

"Ewan ko sa inyo! At saka hindi ko naman type iyang Beau na 'yan. Masyadong makulit at maingay. In short, kalat." sabi ko.

Hindi naman sa judgemental ako ha. Pero iba talaga siya, eh. He's getting into my nerves! At first day pa lang ha?

Ibang-iba kay Ethan. Ibang-iba.

Pagkatapos ay nagpaalamanan na kami. Hindi pa rin kasi kami tapos na mag-ayos ng gamit sa mga kwarto namin dahil sa meeting kanina.

Iba ang way ni Andy at Kol dahil sa Terra Building sila. Nauna na ang dalawa at naiwan kami ni Rosean.

"Tara?" she asked. Tumango naman ako at tumayo na rin.

Bago pa ako makalabas ay may bungang araw nang humarang sa pinto.

"Sabay na tayo." Bungs said.

Tinaasan ko siya ng kilay. "At bakit? Close ba tayo?"

"Eh, 'di maging close tayo." aniya at dumikit sa akin.

Oh God. Spare me to this man.

Lumayo ako at umangkla sa braso ni Rose. "May kasabay na ko, okay?"

"Let's go, They." ani Rose at hinatak na ako palabas ng resto.

Halos magpantig ang tainga ko nang marinig ang boses ni Bungs sa likuran. Nasa Flamma Building na ko't lahat, nakasunod pa rin siya at ang kulit-kulit!

"Magkatabi tayo ng kwarto, Yeye. Hehe. Akalain mo 'yun." pambibwisit niya.

Inirapan ko lang siya at binaksakan ng pinto. This is too much for a first day! Bakit ba ako ang kinukulit niya? Am I an easy target? Nandiyan naman si Rosean, si Kolfinna, at 'yung ex niyang si Xyla! Argh!

Ngayong ikalawang araw ng meeting namin, nakapagplano na kami ng maigi para sa darating na pasukan.

Magiging busy ang araw na iyon. It will be a challenge for everyone.

"Alright, dismissed." ani President Bungs.

Tumayo na ako agad dahil nagkayayaan din kami maglunch nila Rosean kanina.

"Everyone may go except Thea. I need a treasurer." ani Beau.

Umawang ang labi ko. "E-excuse me?!"

"Sorry, Madam Treasurer. We have to do something." dagdag pa niya at napakamot na lang ako sa ulo ko.

"You better be serious or I'll swear I'm gonna punch your face." sabi ko at nagreact naman ang iba pang nandito.

"Brutal... I like it." Bungs said. "Well, lagi kaya akong seryoso! Tss. Smiling face lang talaga ako."

Napabuntong hininga na lang ako at humarap kela Andy. "Una na kayo, guys. You heard the devil."

Kaming dalawa na lang ni Beau Patrick ang naiwan sa Student Council Office or SCO. I can't believe that I am alone in one room with him! Damn it!

"Ano na namang trip mo ha?" tanong ko tapos ay naupo ako sa harapan niya. "If you like to play around, well I don't! Maghanap ka na lang ng ibang makikipaglaro sa'yo."

May ibinagsak siyang folder sa harapan ko. "That folder holds all the upcoming events that need funds. You better compute how much we need so we would know how much to collect... Alright? We clear?"

Tumayo na siya at mistulang iiwan na ako kaya mabilis kong hinila ang braso niya. "W-wait. Seryoso ka? I mean, ang dami ng events na 'to! Hindi ba pwedeng isa-isa lang. Per event saka magkakaroon ng computation for the funds?"

"As a President, I want everything to be ready." he said. "Sabihin mo lang kung hindi mo kayang gawin ang trabaho mo..."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"...Kasi tutulungan naman kita, baby babe. Tara tabi tayo. Gawin na natin 'yan." aniya at masyadong malaki ang ngiti. What the freaking hell?!

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon