Chapter 8

55.8K 2.2K 819
                                    

Chapter 8

REELationship

"Besh, aalis ka na?" nagpapanic na sinundan ako ni Andy.

"Oo. Pupuksain ko ang bungang araw!" sigaw ko at mabilis nang umalis sa party na iyon.

Umaakyat na ang alak sa ulo ko. Hilong-hilo na ako at ang tanging gusto ko lang ay awayin ang Beau na 'yun. He's such an ass! He makes everything worst! Ang lala niya!

Marahas akong kumatok sa kwarto ni Beau. He opened it in no time. Wearing a plain black t-shirt, lumabas siya ng kwarto at kinindatan ako.

I immediately pushed him. Pero parang wala naman dahil hindi manlang napaatras ang abnormal na 'yon.

"What is your problem? Hindi ka ba masaya sa party n'yo at ako ang hinahanap-hanap mo?" aniya habang may hawak na phone.

Wow! Taas talaga ng confidence, eh, 'no? Bakit hindi ka mag-audition sa Star Hunt?!

"Ikaw! What the hell is wrong with you? Bakit mo ginamit ang Student Council Phone para lang pagtripan ako ha?!" angil ko.

I hate him!

Tinignan niya lang ako. "Hindi kita pinagtitripan. Seryoso ako sa'yo." he said and smirked.

Sasampalin ko na sana siya dahil sa sobrang inis ko pero nasalag niya agad ang kamay ko.

"Nu-uh! No, you can't slap me." aniya at binitawan na ako. "Pwede sana, kaso hindi pa tayo. Kung tayo, kahit sampal-sampalin mo ako magdamag hindi ako papalag, Miss."

Hilong-hilo na talaga ako at ang tanging gusto ko lang ay masampal siya. Bwisit 'tong bungang araw na 'to! Bakit may mga taong nabubuhay na gaya niya?!

"You know what? Fine! Tayo na!" sabi ko.

Napahinto siya at mukhang gulat na gulat pero wala na akong paki pa roon.

"So, ano? Pwede na ba kita sampalin?" tanong ko sa kanya.

"Y-yeah, anytime you want, baby babe." he said and it annoyed me more.

Sinampal ko siya, kaliwa't kanan. Pero parang hindi naman siya nasasaktan. Hindi ba malakas ang sampal ko?

"Happy?" he asked me.

Tumango lang ako at nagthumbs up.

"You made me a lot happier." aniya. Hindi ko alam kung bakit ganyan ang pinagsasabi niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay at pumunta na sa kwarto ko.

My head hurts so much. This is crazy.

Tumalon na ako sa aking kama. I hope tomorrow it will all be gone.

-

Pagdilat ko ay nakaramdam agad ako ng sakit ng ulo. What the hell? Ano ba ang nangyari kagabi?

Bigla na lang nagflashback iyong party sa Terra Building. 'Yong pag-inom ko sa sulok dahil walang kumakausap sa akin... At... Argh! Si Beau! 'Yong Beau na 'yon!

Napayuko ako. Ang huli kong natatandaan, umalis na ako sa party para sugurin siya at awayin. Everything after that is not so clear anymore. I kinda remember how I went to him and slapped him. Pero 'yun na lang talaga. Whatever conversation happened last night is such a blur to me.

"Aking pag-ibig, magandang umaga naman sa'yo." Bumungad si Beau sa aking harapan.

Agad nasira ang araw ko.

"Anong ginagawa mo rito? And stop it with being such a hopeless romantic!" sabi ko at malakas na sinara ang sariling pintuan.

Mabilis akong naglakad.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon