Chapter 16

44.4K 1.9K 652
                                    

Chapter 16

Injury

Napanganga ako sa sinabi ni Beau. What the hell? Anong trip ng bungang araw na 'to?!

"Ha. Ha. Funny." sarkastikong sabi ni Xyla. At nagmartsa na palayo.

Humarap sa akin si Beau. "Tara na, practice na tayo. Ako na ang magbubuhat sa'yo."

Malaki ang ngiti ni Bungs. For all I know, gusto niya lang mahawakan ang legs ko! May pagkamanyak talaga! Maginoo pero bastos!

Hinampas ko ang braso niya. "Perv!"

"Hey, I'm not a pervert! I'm a protector! I just want to protect you..." aniya at muling ngumuso.

He is so cute. Parang bata talaga.

Mahina kong kinurot ang maganda at matangos niyang ilong.

"But you can't join us... You're a part of the basketball team, right? One sport lang ang pwede." saad ko.

I heard he's a good player. Wala naman siyang mapapala pag sumali rito sa amin, eh. Mahahawakan niya ang legs ko, pero hindi siya magiging MVP.

Malungkot siyang yumuko. "Yeah... You're right. J-just take care."

Bigong lumabas si Beau sa gymnasium.

Me and my friends went to the GA Mall para mag-relax. It's a very tiring day for everyone, kanya-kanyang practice para sa Sports Fest.

Talagang nakakapagod pala iyon!

"I truly hate that Xyla girl." ani Ands tapos ay humigop sa kanyang caramel frappe. "Ginawang kargador ang beauty ko!"

Tawang-tawa kami lahat kay Andy dahil hindi niya tanggap na base siya.

"Get over na! Hayaan mo, babawian natin 'yun!" ani Rose habang kumakain ng pakwan seeds na siyang pinaghahatian nila ni Kol.

Totoo rin talaga iyong kasabihan na ang kaaway ng kaibigan mo ay kaaway mo na rin.

I can't believe that we all don't like Xyla Ocampo now!

I sipped on my strawberry and cream frappe. Bukas ko na proproblemahin si Xyla.

She's truly a problem, you know? Pinanganak ata ang babaeng ito para bwisitin ako!

Ngayon ang ikatlong araw ng practice. Uminom muna ako ng dutch mill bago mag-stretching.

Pinagawa sa amin ni Xyla iyong Elevator Stunt. Si Andy ang kasama ko at isang bagong base dahil hindi pa dumarating si Rio.

Nasaan na kaya iyon?

Halos manginig ang buong pagkatao ko, tagos hanggang kaluluwa nang maiangat ako ng dalawang main bases sa ere. Tanging paa ko lang ang hawak nila.

Ni hindi pa nga namin perfect iyon dahil nahihirapan akong tumayo tapos ngayon, gusto ni Xyla ay magpractice na kami ng basket tosses?

At ako pa ang flyer na gusto niyang unahing pagpraktisan! Baliw na siya!

"Xyla, I'm not an expert. Baguhan lang ako. Hirap na hirap na nga ako sa mga basic stunts, tapos ngayon tosses na tayo?" I confronted her.

I'm just being honest! Hindi naman ito Bring It On movie!

"So, nagrereklamo ka?" she taunted.

"Hindi naman sa ganoon... But I really do think that you're just doing this out of foolishness and jealousy."

Hindi ko na napigilan pa ang rumaragasa sa bibig ko. Gusto ko na magsabi ng mga masasamang words!

Bigla akong nilapitan ni Xyla. Ano ito face to face? Pwede naman, tapos si Ands ang gaganap na Tiyang Amy!

Tumaas ang kilay nito.

"And why would I be jealous to a trash like you?" bulong niya sa mukha ko.

I took a deep breath and look straight to her eyes.

"Because you know yourself that I'm the most valuable trash there is." I said and winked at her.

Kitang-kita ko ang lubos niyang pagkairita. "Start practicing the tosses or start walking out of the gym!"

Pinili kong kumalma dahil ayaw kong matanggal sa team. Mababawasan ako ng grades at hindi pwede mangyari 'yun.

"Uy, Rio! Nandiyan ka na pala. Tara, try natin 'yung basket tosses kasama si Andy." sabi ko nang makita si Rio.

He smiled awkwardly at agad kong napansin iyong suot niyang gloves.

Kumunot ang noo ko. "Bakit ka naka gloves?"

"At ang kapal pa? Isusuot mo talaga 'yan dito sa practice?" nagtataka naman si Andy.

"O-opo." iyon lang ang sagot ni Rio.

He's being weird!

We're going to try the Straight Ride Toss dahil iyon daw ang pinaka madali. Bago pa magsimula ay lumapit si Xyla sa amin.

"Rio, why are you wearing a gloves? It'll ruin the stunt!" sita nito.

"U-utos lang po." ani Rio.

My forehead creases. Utos? At bakit siya uutusang magsuot ng gloves? Si Elsa ba siya?

"Si President Beau po. He commanded me to wear it po during practice." Rio explained.

Halos napanganga ako roon. What the hell is with this man? Pinagsuot talaga niya ng gwantes 'yung tao?!

"Remove the gloves or I'll remove you to the team!" malakas na sabi ni Xyla tapos ay umalis na.

Kabado akong tinignan ni Rio.

Nginitian ko naman siya. "Sige na, tanggalin mo na. Ako na ang bahala kay Beau."

Bago kami magpractice ulit ay nagpadala muna ako ng text kay Beau Patrick.

To: Boyfie Bungs

Bakit mo naman ginawang Elsa si Rio?!

Ilang saglit lang ay nakatanggap na ako mg reply.

Fr: Boyfie Bungs

Conceal, don't feel.... My Theandra's legs!

Halos mabuga ko ang iniinom na tubig nang mabasa ang reply niya!

Napailing-iling na lang ako roon. Baliw talaga!

"Thea, show me the single twist toss after 30 minutes." sabi ni Xyla.

"W-wait... Akala ko ba 'yung straight ride toss?" I asked her.

"That is so easy. We are not going to win pag nagpa-easy easy lang tayo! We should be taking risks here!" hasik ni Xyla.

"Pero si Thea naman ang iririsk natin sa toss na 'yan! We're newbies for God's sake!" sagot ni Andy, nakapamewang.

"I'm not asking for your opinion, Terra." ani Xyla. "Do what I've tasked you to do!"

Napabuntong hininga na lang kami ni Ands, pati na rin si Rio at iyong isa pang Aeries. Tatlo kasi ang kailangang bases para sa stunt na ito. Ang hirap ng pinapagawa sa amin tapos iyong iba, sumayaw lang doon sa gilid? Inis!

Matapos lang 'tong competition na 'to, papatulan ko na talaga 'yan!

Nanginginig pa rin ang buong binti ko habang inaangat ako ni Andy at Rio.

"Remember, pagkahagis namin sa'yo, kailangan mong umikot ha." paalala ni Andy.

"Okay... I will." Hindi maawat ang puso ko sa pagtibok ng malakas. I am so nervous!

"Game!" sigaw ni Andy.

Halos humiwalay ang katawan ko. I tried my best to do a twist but I failed. My ankle immediately hit the floor!

"Ouch!" sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng pagkakalaglag.

"Oh my God! Thea!" sigaw ni Ands.

Hindi ko na alam ang mga nangyari. Nagkagulo na hanggang sa dinala na ako sa GA Hospital.

Ang huling narinig ko ay ang boses ni Beau Patrick Santiago na punong-puno ng galit.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon