Chapter 18

49.1K 2.2K 1K
                                        


Hi, Readers! I just want to say that a lot has happened and it's only JANUARY. Please stay safe and pray always. Hugs to all!

Chapter 18

Andrade

I-it can't be Ethan Elliot Andrade. He can't be here! Nasa States siya... But that guy right there is him! Hindi ako maaaring magkamali. I know him too well.

Bakit siya nandito? Paano? Kailan?

He's wearing a blue jersey. Iba ang pangalan sa likuran pero sigurado akong si Ethan 'yun! I can't be wrong!

"Substitution for the blue team!" anang referee.

"Anong nangyayari sa'yo? Natulala ka na riyan." kalabit sa akin ni Rose.

"Matutulala ka talaga! Ang gwapo no'ng sub! Bago ba siya? Ngayon ko lang nakita ang lalaking 'yan!" tili ni Andy.

"Bago rin siya sa paningin ko. Baka siya 'yung sinasabi ng Head Mistress na transferee at bago nating makakasama sa council?" saad naman ni Kol.

What is happening? Nag-transfer si Ethan dito sa Garnet Academy? Ganoon kabilis? Bakit hindi ko ito alam?

My mind is clouded with so much thought.

Kailan pa siya nandito? I don't understand.

Halos matapos na ang game pero tulala pa rin ako. I'm trying to smile whenever Beau looks at me.

Because of the substitution, medyo lumapit ang puntos ng blue team sa red team. But Beau's team still won.

Ang mga mata ko ay tumungo kay Ethan. Sa bawat hakbang palapit ay nasisigurado kong siya ito.

"Tey, saan ka pupunta? Wait na lang natin si Beau rito!" sigaw ni Andy.

Too late for that though, gamit ang saklay ko ay bumaba na ako sa bleachers.

I can feel my eyes are getting watery every step that I take. Why are you here, Ethan? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon lang?

"Tey, we won!" Beau said happily and his arms are widely open for a hug. Nilagpasan ko siya at pumunta kay Ethan.

"Ethan..." I called.

Nang humarap siya sa akin ay siguradong-sigurado na ako. Siya ito.

"Andy!" Ethan called and my heart jumped.

"Ay shuta? Kilala ako ni pogi?!" tili ni Andy sa likod ko.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Sa ilang saglit lang ay nahatak na ako ni Ethan sa dibdib niya at saka yinakap ako ng mahigpit.

I can't move. I can't say anything. I don't know what to do. I don't know what I'm feeling right now...

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Biglang tumumba na si Ethan sa lupa tapos ay nagtitilian na ang mga estudyanteng nandoon sa gym.

Umawang ang bibig ko nang makita si Beau na nakayukom ang kamao.

"What the fuck are you doing to my girlfriend?!" sigaw niya.

Susugod pa ulit siya kay Ethan nang humarang na ako. "Beau, I know him... I'll tell you everything later. Let the two of us talk first, please."

Hindi sumagot si Beau pero tinalikuran ko na siya.

Nakatayo na si Ethan nang makita ko.

"Let's go, E." sabi ko at nagsimula nang lumakad.

Tumango lamang si Ethan at sumunod sa akin.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon