#ChasingAfterYouWPChapter 20
DutchWe have a School Council meeting today. Nauna na ako kay Beau dahil pinatawag pa siya ng Head Mistress.
Pagpasok sa SCO, nandoon si Xyla, Mac... Tapos si Andy, Kol, at Rose naman ay naka kumpol kay Ethan! Wait what?!
"Guys, anong ginagawa n'yo?" takang tanong ko.
Ethan, on the other hand, just smiled. "Nah, they're just asking some questions."
Pinandilatan ko iyong tatlo tapos ay hinatak si Ethan sa labas.
"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, ah." sabi ko kay Ethan.
He laughed a little. "Wala 'yun."
Nasabihan na kami ng Head Mistress na si Ethan ay makakasama na sa Student Council at siya ang magiging Vice President.
Nalaman din namin na ang posisyon na iyon ay talagang nakareserba na sa kanya. Garnet Academy sent him an invitation before but he refused and go to the States.
"Ikaw na pala ang VP." sabi ko sa kanya. "Galingan mo, ah."
Kumamot siya ng ulo. "Luh, kailangan ba galingan? Tss. Kala ko uupo-upo lang."
Hinampas ko siya sa braso. "Ayusin mo, naku!"
Muli siyang tumawa tapos ay mahinang kinurot ang magkabilang pisngi ko. Magsasalita pa sana ako nang biglang may tumikhim.
"Ehem."
Agad akong binitawan ni Ethan tapos ay humarap ako sa kung sino man iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang si Beau pala iyon!
"Beau!" I called.
Tahimik lang siya at hindi manlang ngumiti. Is he mad?
"It would be nice if you formally meet each other." sabi ko. "Beau, si Ethan. Ethan, si Beau."
I tried my best para ipakilala sila sa isa't-isa.
Beau's jaw tighten. "Sorry kahapon. Sana ayos lang 'yang mukha mo."
Ethan nodded. "No worries, I'm fine."
"Eh 'di fine." sabi ni Beau tapos ay dahan-dahan akong hinatak papasok sa loob.
Attitude talaga itong isang ito!
Habang may dini-discuss si Andy ay kinuha ko ang phone ko at saka nagtipa ng mensahe para kay Beau.
To: Boyfie Bungs
Are you mad?
Hindi ko pa na ibabalik sa bag ang phone ay tumunog na iyon.
From: Boyfie Bungs
I'm not mad. I'm Beau.
Kumunot ang noo ko at saka napangiti. Bwisit talaga itong lalaking ito!
To: Boyfie Bungs
Pilosopo!
Sinulyapan ko pa si Beau habang siya ay nakatuon lang sa phone niya. An evil smile is flashing on his face!
From: Boyfie Bungs
Pilosopo pero mahal ka.
Agad kong kinuha ang yellow pad na nasa harapan ko at tinakpan ang aking mukha. Pakiramdam ko ay namumula ako ngayon! My God!
Saglit lang ang naging meeting namin. Tungkol iyon sa patapos nang Sports Fest. Sayang at hindi ako nakasali sa Cheer Dance! Talo ang team namin, pero okay lang daw sabi ni Andy. Mananalo raw sana kami kung siya ang flyer, kaso ay hindi raw kaya ayun.
Awarding na ang next event.
Sa meeting ay tahimik lang si Ethan. Ganoon talaga siya lalo na at kinakapa pa niya ang mga ganap sa SCO.
He's always been careful and sensitive.
Nang mag breaktime na ay nauna na kami nila Andy, Kol, at Rose. We are so hungry!
"Nakakaloka ka, Thea! Ikaw na ang pinagpala sa babaeng lahat! Ang pogi na ng jowa, ang pogi pa ng ex!" tili ni Andy.
Natawa si Andy at Kol. Ako naman ay pabirong inirapan si Ands.
"Mukhang ang bait bait no'n ni Ethan. Sure ka hindi mo na 'yun babalikan?" malakas na sabi ni Kol.
Halos mabuga ko iyong iniinom na dutch mill.
"Kol, hinaan mo naman ang boses mo." sabi ko. "Ethan and I are good friends. Okay na kami roon."
"Weh?!" sabay-sabay pa iyong tatlo.
I took a deep breath and flashed my serious face on.
"Hindi lahat ng iniiwan, pwede pang balikan." sabi ko.
"Eh, hindi ka naman iniwan ni Ethan, 'di ba?" si Andy.
Mukhang sa saglit na pag interrogate nila kay Ethan kanina ay nalaman na nila ang lahat sa relasyon namin!
Nakakaloka!
"Hindi." I answered as a matter of fact. "Pero iniwan namin pareho iyong relationship namin. Kaya hindi na namin iyon mababalikan pa."
"Bakit naman?" Rose asked seriously.
"Its just not meant to be, you know?" sabi ko.
You can always be part of someone's growth, but not be part of their future.
At isa pa...
Hindi tama ang iwanan ang ngayon para balikan ang kahapon. Kaya nga past is past.
Some relationships are best left in the past, along with your mistakes and regrets.
Gaya ng sabi no'ng Mentor namin dati... Letting go isn't about forgetting. It's about learning from your past and accepting your future.
"Akin na lang si baby boy Ethan!" sabi pa ni Andy.
"Oooops. Speaking of the baby." ani Kol.
Nanlaki ang mga mata naming lahat nang lumapit si Ethan sa aming table.
"Mind if I join?" he asked.
"Oo naman." sabi ko at itinapik iyong bakanteng upuan sa tabi ko.
I don't want us to be awkward.
Si Kol at Rose ang nasa harapan namin. Ang katabi ko naman ay si Andy at Ethan.
"Tey, pwede rin ba akong sumabay?" nagulat ako nang marinig ang baritonong boses sa aking likuran.
Mabilis akong napalingon. "Beau? Umm... Sige, tara."
I'm a bit surprised that he want to have lunch with me today. Napag-usapan na kasi namin ito noon na hindi magandang iwanan namin ang mga kaibigan namin.
Meron kasing mga tao na nagkaroon lang ng girlfriend o boyfriend, nakalimot na ng kaibigan. Hindi iyon maganda!
So, we decided to eat breakfast and dinner together. And then eat lunch with our friends.
Agad na umalis si Andy sa tabi ko at sumiksik kina Rosean at Kolfinna.
Si Beau naman ay tahimik na umupo sa aking tabi.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Mac. Sila lang dalawa ang sabay ni Beau tuwing lunch time. Kung nandito si Beau, ibigsabihin ay mag-isa si Mackenzee.
When I saw him... Tahimik siyang nagbabasa ng libro at ineenjoy ang isang box ng moshi manju. What the heck? Parang mas masaya pa siyang mag-isa?!
Kumakain na ulit ako nang biglang may dalawang dutch mill ang bumungad sa aking pagmumukha.
"Dutch mill?" sabay na sabay pa si Beau at Ethan! I immediately felt the tension between the two. God!
BINABASA MO ANG
Chasing After You
Romance(Garnet Boys Series #1) Theandra will never stop until the notorious playboy, Beau Santiago, fall for her again like before. Gaano man siya masaktan, hinding-hindi siya titigil. She will always go chasing after him.