Chapter 6

58.7K 2.4K 997
                                    

Chapter 6

Party

Gusto ko na lang magpakuha sa lupa dahil sa mga makabuluhang tingin ng mga kasama namin.

"Egg sandwich. Egg sandwich!" diin ko. "No. I did not like it. Maliit! Hindi nakakabusog!"

Beau caught off-guard sa sinabi ko. Ganoon din ang mga kasama namin.

Totoo naman, ah. Hindi ako nabusog kaya.

"Anong sinasabi mo? Malaki!" giit niya pa.

"Ikaw ba ang kumain? Ako, 'di ba?"

"Woah!" sigaw naman no'ng mga kasama namin.

"Hindi maliit ang egg ko! Malaki 'to!" pagpupumilit ni bungang araw.

"OMG! I wanna see..." biro naman ni Andy.

Nagwalk-out na lang bigla si Xyla pero parang ako lang ata ang nakapansin noon.

"Hmm, baby babe... Nabitin ka lang, eh. Do you want more? Chill ka lang. Itong egg ko sa'yong-sa'yo lang." bulong niya sa akin at naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko.

Hinampas ko siya sa braso. "Yuck!"

Buong araw, hindi ako tinigilan nila Andy, Kol, at Rose sa mga pang-aasar nila. Napapafacepalm na lang din ako.

"Well, kung ako si Thea, I'll probably eat the egg too!" Andy said out loud.

"Egg sandwich nga kasi!" naiiling kong sabi.

"Ang gross mo naman, Andy!" saway naman ni Rose.

"Tahimik si Kolfinna. Confuse siguro kung ano ang bet niya... Egg o mani?" baling naman ni Andy sa nananahimik na si Kol.

"Guys, manahimik muna kayo, okay. May iniisip lang ako." si Kol naman, medyo seryoso.

"Ano 'yun?" tanong ko naman kay Kol. "Okay ka lang?"

"Yeah... May gulo lang sa bahay." sagot naman ni Kol.

Ayaw niya pa ikwento no'ng una kung ano iyon. Ngunit kalaunan ay inilahad niya rin sa amin. Nalaman daw na abusive ang kanyang Tito sa napangasawa nito hanggang sa point na nadadamay na 'yong pinsan niya. Now her cousin is having some kind of trauma. Gusto raw tulungan ng parents niya 'yong pinsan niya na si Stephanie pero ayaw daw tumanggap ng tulong. Siguro raw kasi dahil sa side sila ng ama niya. Kol is so sad about it. They are kind of close naman daw.

We comforted Kolfinna. Dinala namin sa kung saan-saang sulok dito sa Academy. Ngayon ko nga lang nalaman na may Garden pala? It's so pretty there.

-

Sinigurado kong maaga akong magigising ngayong umaga dahil gusto kong makakain ng breakfast ng maayos.

Malaki ang ngiti kong lumabas ng pinto at napawi iyon lahat nang bumungad si Beau sa harapan ko.

Ang gusto kong makita ay sunlight. Hindi bungang araw! Dios mio!

"Sunny side-up egg, scramble egg, or eggplant?" aniya at iwinagayway sa mukha ko iyong paperbag na dala niya.

Puro itlog! Nang-aasar ba siya?!

Nginitian ko siya ng malaki at pilit pa sa pilit. Lumapit ako sa kanya. He lowered his head and he even smiled like he's winning at something! No, Beau! No!

Mabilis ang pangyayari. Inumpog ko ang ulo ko sa ulo niya. "Ouch!" we both screamed.

Napahawak ako sa ulo ko. Nagkabukol ata ako. Damn it!

"Aray! Ang tigas ng ulo mo!" sigaw ko sa kanya.

"Matigas talaga 'to! Teka, okay ka lang?"

Hindi ko talaga malaman sa lalaking ito. He's a perfect example of maginoong bastos!

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon