Chapter 21

46.1K 1.9K 886
                                    



#ChasingAfterYouWP

Chapter 21
Calculus

Ang mga kaibigan ko naman sa harapan ay tila nanunuod ng kdrama. Dios mio!

"B-bumili rin ako, pero thank you!" sabi ko na lang at kinuha pareho ang inumin.

"Wow! Sana all binibilan ng dutch mill." hirit ni Andy.

Buti nga at hindi ko siya nabato ng kutsara, eh!

"It's her fave ever since. Minsan hindi namamansin 'yan pag hindi nakainom ng dutch mill." kwento ni Ethan.

I awkwardly laughed tapos ay siniko ko siya. "Hindi kaya!"

"Ay jusko, Beau!" tili ni Ands.

Agad akong bumaling kay Beau at napanganga nang makita ang nayuping coke in can ni Beau. Yuping-yupi iyon sa kamay niya.

"Sorry, reflexes. Pasok na 'ko." aniya at tumayo na.

Why is he acting up? Is he jealous or something?

Agad akong nagpaalam sa mga kaibigan at sumunod na kay Beau.

"Beau!" I called him down the hallway.

Ang bilis din maglakad ng bungang araw na sa ito!

Tatakbo na sana ako nang biglang lumitaw si Xyla sa kung nasaan at mabilis na umangkla sa braso ni Beau.

Umawang ang bibig ko.

Beau stayed still tapos ay nagpatiyanod na lang kay Xyla. What the hell just happened?

Bumalik na lang ako sa canteen dahil sa inis ko.

"Nasaan na si Beau?" Kol asked.

Umiling lang ako at naupo sa tabi ni Ethan.

"Is everything okay?" he asked me.

He's really innocent, you know?

"Yeah..." I answered and smiled.

Sabay-sabay na kaming pumasok lahat. It turned out that Ethan is in the exact same class as ours.

I saw Beau sitting at the back. Si Xyla naman ay wala rito. Ano ba ang ginawa nila kanina?

I shrugged and sat on one of the vacant chairs.

Nagulat ako nang tumabi si Ethan sa bakanteng upuan na nasa tabi ko. "Do you mind? Wala pa 'kong kakilala, eh." aniya.

Umiling lang ako. It's not a big deal anyway.

At saka sigurado akong magkakaroon din ng maraming kaibigan si Ethan dito. Aside from him, being a nice guy, he's a Flamma. No explanation needed.

Ang mga kaklase namin sa ibang Casa ay halos dumukdok na kay Ethan masulyapan lang ito. Natatawa na lang kami nila Andy.

I don't hate Math. Actually, it's so fun when you understands it.

May pinapagawa sa amin na seatwork. Our Professor asked us to team up with our seatmates.

I have no choice but to team up with Ethan.

Sumulyap muna ako kay Beau at nakita siyang walang gana at pinapaikot-ikot lang ang ballpen sa mga daliri niya. I hope he's not mad at me.

Natatawa ako kay Ethan dahil kahit kailan talaga ay ayaw niya sa Math.

"I just can't find the right formula." bulong niya at paulit-ulit ang paglukot sa scratch paper.

I tried to explain it to him at mukha namang nakukuha niya na kahit papaano.

Chasing After YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon