1

840 5 1
                                    

Nung bata palang ako ewan ko ba masyado ko na-aatract sa mga bagay na hindi normal, well akala ko dati normal pero nung nag-kaisip nako mga besh ee hindi pala. So eto na ulit dumating sa punto na marami akong nararamdaman tapos feeling empty ang lola nio yung feeling na may work ka, may pamilya ka pero ang ending may kulang sa pagka tao mo. Di ko magets mga besh ee may parte ng buhay ko na kulang yung parang sya nalang bubuo sa kulang yun (ang drama cyst). Likas na sakin yung nakakakita pero hindi yung mga duguan na multo ha!. Basta eto saka ko na ke-kwento yung iba, eto muna. Nakahanap ako ng isang group kung saan pwede ma enhanced yung ability na meron ako. Marami ako naging beshy dun yung iba mangku, yung iba wiccan (diko alam kung prehas lang yung mangku sa wiccan! i correct nio nalang ako tutal perfect kayo) basta may kanya kanya sila ability tapos ang astig mga besh!. So ayun na nga mas lalu ko nalaman ang mga bagay bagay na mahihiwaga. Pero yung practice ko na gusto ko sa lahat is yung pag aastral projection. Honestly eto ginagwa ko pag nagkukulong ako sa kwarto. Why? amazing kase yung mapupunta ka sa ibat ibang dimension. Pinaka bet ko sa lahat yung napunta ako sa silid aklatan kung saan dun nakalagay lahat ng nhyayari sa buhay mo sa reality. MMMMM prang yung history mo tas kung ilang beses kana nabuhay sa mundong ito. I know may nakakaalam nung silid aklatan na yan at alam ko nagbabasa sya ngayon so comment down below hahahha!!. Well mga besh sa pag aastral may level yan kumabaga di ka makakapunta sa akalatan na yun kung di ka authorized person besh at di sapat ang aral mo. Im not saying na magaling ako mmmmm lets say yung mentor ko is magaling. Hindi tao mentor ko ee! (o baka may react ha!). Basta ganun, well marami nako napuntahan sa astral plane. Angels ba kamo ano itsura? well depende sa kung ano rango nila at depende sa wings na meron sila. Pero mga besh hang lalaki nila parang building ganern!. Yung itsura ko sa astral malayong malayo sa pisikal ko mga besh! Ee basta sexy yun tas ako eto saktong kaen at 5 milk tea sa isang linggo hahaha! (Happy?). Bawat planeta may kanya kanyang gods!. Pero isa lang dko mapuntahan yung araw besh! Why? Kase besh pag pumunta ko dun astral poreber na peg ko nun. Tegi boom na katawang lupa ko pag lumapit ako dun. Eto pa malupet may nakilala akong mandirigma sa astral plane hang laki-laki nia, 6 wings sya, gold armor nya at pinaka da best nun nahanap ko sya sa plane natin. How? Naamoy ko lang sya tas nahanap ko vessel nia. Kahit ako nagtataka pano ko nagagawa yun!. Basta nahanap ko sya. Tas ayun lage kame nagkikita sa astral plane! Ahead sya sakin ng 7 years sa lupa. Gets nio?. Actually nag aastral ako para magaral dun. Parang ganito lang yan need mag aral ng soul ko para di nako mag reincarnate (sad). Nakakapagod din maging tao besh!.

So may nagtanong kung napuntahan ko naba yung malaking puno na yan. Ang sagot ko yes! Kaballah ba?.
So going back! Alam ko wala nagtatanong pero mag s-share ulit ako. Wag na kayo pumalag!

One time napunta ko sa lugar na puro puno na malalaki tas may mga baging sya na kulay green. Yung kulay ng mga puno sobrang fresh nia, sobrang ganda. So ginawa ko inakyat ko ng inakyat, tas ewan ko bigla ko nadulas tas sumabit yung isa kong paa sa baging. Dama ko yung sakit sa paa ko. Pag balik ko sa katawan ko sobrang sakit ng kanang paa ko, di ako makalakad, alam mo yung dama mo na sumabit paa mo kahit sa astral plane ngyari at hindi mismo sa mundo natin. Nung mga time na to newbie palang ako. So hindi ko alam kung bakit pati pisikal ko naramadaman yun. Naisip ko totoo lahat ng ngyayari. Nung time neto katulad nio din ako nag da-doubt sa sarili kung totoo ba mga nagagawa ko. Kaya dito nagsimulang sumali ako sa mga group dahil sobra ko naging curious sa nagawa ko nuon eto kase yung pinaka una kong nagawa tas nasaktan mismo ako. Yung sakit ng paa ko hindi yung tipong sakit na pwede mo inuman ng pain reliever. Yung sakit nia from astral body to my physical body. Hirap paliwanag basta ganun!.

Nung nakasali nako sa isang grupo ng mga nag eesprtwal dun ko nalaman na may kanya kanya ng forte. May magagaling mag AP, may healer, may medium, may vamp, may wiccan, etc.
Dun ko mas napag aralan yung ability na meron ako.

Hindi madaling pag aralan ang mga ganitong bagay, dahil maraming manunubok. Yung tipong susubukan ka kung magaling ka, yung iba lakas mang trip, yung iba hahabulin ka tas itatali soul mo. Tas ang mangyayari sa pisikal mo ee unti unting magkakasakit gang wala na. Maliban nalang kung magaling kang dumigma at makakawala ka.

So ayun na nga matagal na panahon din ang ginugol ko para mag sanay. Sinanay ako ng mentor ko para kung dumating ang oras na need ko dumigma ee maipaglalaban ko sa sarili ko sa kabilang dimension. One time napunta ko sa lugar na ang daming naglalaban, nagbabatuhan ng mga apoy. Basta ang natatandaan ko nakipaglaban ako may mga kasama ako, nung time neto di ko alam kung ano ba talaga ko. Naka suot ako ng armor tas may pana ako na hawak. Paulit ulit to sa luob ng isang taon. Dumating ang time na pagod na pagod nako makipaglaban. Sa tuwing gigising ako pagod na pagod katawang lupa ko. Napaisip ako eto lang ba gagawin ko ang makipag laban? Dumating ako sa point na parang ayoko na matulog dahil alam ko kung saan ako mapupunta ulit! Pero naisip ko kung titigil ako makipaglaban hindi magiging balance ang earth. Yes need namin makipaglaban para hindi lahat ng masasamang creatures mapunta sa earth, hindi pwede na mas lamang ang masasama sa kabutihan. Siguro yung iba sainyo alam yung lagusan sa mundo ng tao tas papunta sa ibang dimension. Yun yung binabantayan namin.

Hanggang dito muna kwento ko. Ayan seryoso na ko, hindi nako feeling close sainyo. Medyo nakakalungkot lang yung iba sainyo napaka judgemental, hindi naman kayo pinipilit maniwala. Tulad ng sabe ko ni sshare ko lang karanasan ko. Hindi rin baliw ang tulad naming may mga ability, FYI sadyang may kakayahan lang kame na hindi saklaw ng inyong pagiisip. Hindi kame delusyunal.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon