7

150 1 0
                                        

Ang boyfriend ko ay may scar sa kanyang kaliwang kilay, yung scar na yun parang alupihan ang hitsura na nakadugtong sa kilay niya mismo. Kwento niya sakin nakuha niya yung bata pa siya. Nabaldog sya sa tiles tapos ayun dinala siya sa hospital. Paggising niya kinausap niya yung matanda na nakatayo sa tabi niya kaso hindi daw nagsasalita tapos biglang may dumating na nurse at tinanong siya kung sino yung kinakausap niya. Sinabi niya na may matanda dun, biglang natakot yung nurse kasi sa tabi ng kama kung san ang boyfriend ko may matandang kakamatay lang daw nun. Dun na nagumpisa na nakakakita na siya ng mga multo at kahit demonyo.

Noong kinwento yan ng boyfriend ko hindi talaga ako naniniwala kasi para sa akin "to see is to believe " yun ang paniniwala ko. Pero may nangyari na nagpabago ng pananaw ko.

Nasa kanila ako nung naguusap kaming dalawa, noon pa man nakwento niya na din sa akin na may mga elemento nga sa bahay nila, pero hindi ko masyadong pinapansin yung mga kwento niyang ganun kasi nga hindi ako naniniwala.
Habang naguusap kami, bigla siyang natulala, tapos ako naman tinatawag ko pangalan niya. Tumingin siya sakin , akala ko normal lang pero di na siya nagsasalita . Hangang sa tumayo siya tapos tinatawag ko parin siya tapos pinapaupo ko. Nang makaupo siya at napatitig ako sa mata niya, kinilabutan ako. Yung reflection ko sa mata niya ay nakabaligtad ako. Pero pinagsawalang bahala ko yun hanggang sa parang bumalik siya sa katinuan at tinatanong ako kung ano daw ang nangyari. Sinabi ko sa kanya kung bakit baligtad yung reflection ko sa mata niya, hindi niya rin ako masagot.

Pangalawa, ito yung pangyayaring nakombinse niya ako na may nangyayaring kababalaghan sa kanya.

Nasa kwarto kami nun ng mama at papa niya, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Again bigla siyang natulala tapos kinakausap ko na naman siya pero hindi siya nagsasalita. Sa kwarto ng mama at papa niya meron doong painting na parang bukirin, maganda ang painting na yun may mga bulaklak. Tinuturo niya yun tapos bigla siyang nagsalita " ate sama ka sakin, dun tayo oh (turo sa painting) masaya don promise. Walang kaguluhan don" yung boses niya naging bata na parang nnghihingi ng candy. Sabi ko wag kang magbiro ng ganyan hindi nakakatuwa. " hindi ako nagbibiro ate, maganda don. Sariwang hangin, magandang mga bulaklak ." tapos hinawakan niya ko sa kamay ko na sobrang higpit.

Ang boyfriend ko ay may bracelet na rosary at pilit niyang tinatanggal yun dahil mainit daw s kamay niya at nakakapaso. Kaya ang ginawa ko pinasuot ko sa kanya yung bracelet ko na rosary din. Kitang kita ko kung pano umusok yung wrist ng boyfriend ko kung san yung dalawang bracelet na rosary nakalagay. Hail Mary ako ng Hail Mary habang umuusok yung wrist niya.

Madami pang mga nangyari na kababalaghan sa boyfriend ko. Pero sa ngayon eto na muna.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon