tito
Dec 2014 namatay ung tito ko, ang last findings ng doctor ay Nalagyan daw ng tubig ang baga ( something pulmonary po pasensya na po di ako sure ) so un na nga po halos 2 weeks syang binurol at kami kaming magkakamag anak ang nagbabantay sakanya, that time 4Th yr highschool ako nun at pag Dec ay bakasyon naman kaya nakakapaglamay kame magdamag. Ung mga naunang araw naman ng lamay okay naman lahat hanggang sa pang 3 days. Nagtataka ko kase nung tinignan ko ung mukha ng tito ko sa kabaong ay merong kutong gumagapang sa mukha nya , mga ilan ilan din . ( dipo ako sure kung normal lang ba un? ) tinanong ko ung lola ko kung bat ganun pero di naman sya nasagot. Hanggang sa time habang naglalamay kame nagkwento ung isang tita ko, kinulam daw si tito ng katrabaho nya kaya daw ganun.
Yung tito kase ay construction worker at nadistino sila sa maynila. Tinanung daw si tito ng katrabaho nya kung naniniwala ba daw sya sa kulam, ang sabi ng tito ko "Hindi, kalokohan lang yan! " sabay tawa daw. After nun nagsimula ng magkasakit si tito, humina na si tito. Sobrang payat nya, konting kilos lang nya ay napapagod na sya. Hirap din syang makatulog sa gabe. Hanggang isang beses sinugod sya sa hospital ng tita ko kase binangungot sya, hindi daw sya magising at purong ungol lang daw ng ungol na parang iyak lang daw ang ginawa ng tito ko. Sa hospital, nagising sya pero parang wala na sya sa sarili. Sinisigawan nya ung tita ko na "hayup ka hayup ka! " , umiiyak nalang ung tita ko. Di narin sya nakakakilala kahit sino wala syang kilala. Nagwawala din sya sa hospital, sumisigaw sya ng "Ayoko dito! Ialis nyo ko dito! Ayoko dito! ". Iniinjectionan nalang sya para kumalma at sabi ng doctor sa tita ko dahil nalang daw sa mental si tito kase nababaliw nadaw. So wala ng nagawa si tita tsaka ung lola kundi sumunod sa doctor kase ayaw narin sila tanggapin sa hospital nayun. Dinala si tito sa mental pag dating dun sa mental hospital nagsisigaw nanaman si tito " HINDI AKO BALIW! HINDI AKO BALIW!" Hanggang sa dumating ang doctor .
Kinakausap sya ng doctor dun, tinitest sya kung may mental disorders ba talaga sya. Pero nagulat ung tita ko dahil sabi ng doctor normal naman daw lahat at walang sakit si tito. Nakakausap din sya ng doctor ng normal. So un po pinauwi na sila kase okay naman si tito. Habang pauwi tahimik lang daw si tito.
Pag dating nila sa bahay ok naman lahat, hindi na sya nagwawala. Nakakausap narin sya ng maayos. Pero bagsak na ang katawan nya, di na sya nakakalakad ng walang alalay. Napagdesisyonan ng lola ko na dalhin sya sa albularyo, pagdating dun sabi ng albularyo may taong sobrang galit daw sakanya. Di naman namen matukoy kase ung tito ko mabaet un at friendly. Hanggang sa naopen nya nga ung tinanung sya nung kasamahan nya kung naniniwala ba daw sya sa kulam. Un lang ung pinagsuspetyahan nya. Siguro daw ay sinampulan daw si tito nito ng kulam.
Ff. Hinanap nila un pero di nila makita. Umuwi nadaw ng province.
So yun na nga, nagpatuloy si tito na labanan nya ung sakit nya na di pa namen matukoy nun. Hanggang isang gabe kinausap ni tito si lola. Sabi nya kay lola "Nay dito ka lang, wag ka umalis " naiyak nalang si lola nun. Hinintay nya makatulog si tito bago sya umalis .
Kinabukasan, may nagpunta sa bahay namen at ang sabi wala nadaw si tito. So un pumunta kame sakanila at nag iyakan na kame. Dinala na sya sa punenarya.
Ff. Libing na ni tito, di ako nakapunta dun kase may lakad ako. Pero sabi sakin ng pinsan ko e nag kaproblema daw dahil di kasya ung kabaong dun sa hinukayan dahil medyo matangkad ang tito. Umalog din daw ang kabaong nito at sa paniniwala ay di magandang mangitain sabi ng matatanda. Labag na labag daw talaga sa tito ko ang pagkamatay nito.
Hanggang ngayon di parin matukoy kung ano ba talaga ang sanhi ng pagkamatay nya. Pero naka move on naman kame lahat at pinag pasa Diyos nalang namen.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormaleni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo