" Bangungot sa Quarters "
Nagwowork ako as a Technical Support Representative sa isang BPO Company. Matagal na ko sa Closing Shift at medyo malayo ang bahay ko sa office at may oras yung byahe ng jeep samen dito sa Santa Maria Bulacan papuntang Fairview. 5:00AM (MANILA TIME) start ng shift ko so ang sistema, gabi pa lang umaalis na ko samen around 9pm para maabutan yung last trip. Dumadating ako ng office around 11pm then derecho sa sleeping quarters para matulog ulet until mga 4:30am. Ewan ko ba kung bakit may certain spots or Bed Number lang nangyayari saken na binabangungot ako usually malapit sa CR (Yung sleeping quarters sa office may CR sa loob, actually shower room sya) Isang araw bago ako matulog nag CR muna ko, habang umiihi ako parang naffeel kong may nakatingin saken from one of the shower cubicle pero paglingon ko wala naman. Deadma tuloy ako sa pagwiwi hanggang parang biglang may umungol. Kinilabutan ako sabay labas na derecho sa kama. Nakatulog na ko. Nung araw din na yun nagsimula yung series ng bangungot ko na bigla na lang akong may naririnig sa tenga ko na parang langaw tapos bigla na lamg akong hindi makakagalaw. Gising yung diwa ko kasi nagsisimula akong magdasal. Pinipilit kong pumihit o kaya idilat yung mga mata ko pero parang tumitirik lang yung mga mata ko sa pagpupumilit dumilat. Hindi na ko makagalaw pero tuloy pa din ako sa pagdadasal. Ang weird pa kasi naririnig ko yung paligid ko. Gising ako pero hindi makakilos. Parang may nakadagan saken. Habang nagdadasal ako at pinipilit kong igalaw mga paa ko biglang parang may humawak sa paa ko at hinihila ako pabagsak sa kama (double deck bed) nilalaban ko yung sarili ko na wag mahulog at pinipilit kong tignan kung sino yung humihila saken pero hindi ko talaga maigalaw ung ulo ko at maibaling yung mga mata ko. Hanggang sa biglang parang may dumagan sa dibdib ko na kulat itim lang siya. Parang anino. Lalo akong natakot at nanlaban habang nagdadasal. Sumisigaw na ko pero wala akong boses. Hanggang sa bigla na lang akong ginising ng isa sa mga maintenance sa office na naka assign sa mga nagla-logbook sa quarters kasi umuungol daw ako ng umuungol. Hindi pa dun natapos kasi araw araw ganun lagi yung bangungot ko na parang nagsisimula sa parang langaw na maririnig ko at hindi na ko makakagalaw. Wala naman akong choice kung hindi matulog sa quarters otherwise wala na kong sasakyan sa oras mismo ng shift ko. Ako lang ba yung ganito? O may mga katulad kong nakakaranas ng ganitong bangungot?

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo