9

116 0 0
                                    

TIKBALANG IS REAL

describe ko lang tinitirahan namin nung time na yun kasi nangungupahan lang kami. Apartment type siya na hanggang 3rd floor. Tapos likod namin ilog at may puno ng Sampaloc. Unang dating palang namin ang dami ng mga kwento kwento tungkol sa lugar na yun. Kesyo may nakita daw white lady, babaeng nakabigti sa puno at kung anu ano pa. At yun na nga. March kami lumipat doon pero hindi ako madalas lumabas ng bahay kaya May lang siya nangyari. Birthday ng kaibigan ko at sa 3rd floor naisipan magcelebrate since malaki yung space doon. Gabi sila nagcelebrate kasi inuman ganun tsaka videoke. Akyat baba ako kasi chinecheck ko mga kapatid ko since sa first floor kami nakatira atsaka may isang anak na ako. After nun, kinaumagahan hindi na ako makatayo, nanghihina ako at walang ganang kumain at uminom ng tubig. Pero suka ako ng suka ng kulay yellow na mapait kahit wala akong kainin. Tuwing natutulog daw ako palagi akong umuungol na parang nahihirapan sabi ng asawa ko. Kaya naninibago siya since hindi naman ako naghihilik or what. Nagdadasal ako lagi at lagi akong nahawak sa nazareno kasi sabi nila effective daw yon. Pangatlong araw, dinalaw ako ng biyenan ko, baka daw nalamigan or nabinat ako kasi gabi na lumabas pa ako tapos hinilot ako sa tiyan mga ganun tapos bawal electric fan tapos pinainom pa ako ng biogesic. 5th day at hindi padin ako nagiging okay sabi ng kaibigan ko na nag birthday nun magpatawas ako kasi sobrang payat ko na at ibang iba na daw itsura ko. At pumunta nga kami sa magtatawas. Sabi ni Nanang nagustuhan ako ng tikbalang na naninirahan sa puno ng Sampaloc sa likod bahay namin. Nung pinatak patak niya nga yung kandila itsura talaga ng kabayo/tikbalang nakita mismo ng byenan ko. Tapos dinasalan ako ng latin ba yun tapos nilagyan ako ng langis. Pagdilat ko after magdasal ni Nanang biglang umalwan pakiramdam ko. Sabi din ni Nanang mahilig sila sa kulot tapos mahaba pa buhok ko nun at red pa kulay. Diba? Hahaha. At suot ko pa nun nakashort at sando lang kasi kami kami lang naman eh. Kaya daw natipuhan ako ng tikbalang na yon. At every hapon daw kaya mas nanghihina ako hanggang gabi kasi dinadala kaluluwa ko sa lugar nila. Tapos pagkauwi namin para lang akong nag inarte ng ilang araw kasi okay na ako agad. Simula non, di na ako naakyat doon masyado. And lumipat nadin kami kaya di na nasundan. At lagi na akong nag TABI TABI PO pag may puno mga ganun. Nainsipire ako na isend to kasi nabasa ko yung kay KEVIN ELEVEN. Totoo pong experience ko to. Isesend ko pa pic ng buhok ko dati ahahahahahha! Di talaga ako naniniwala sa mga ganyan dati. First time din na nangyari sakin yun.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon