Magandang araw po...tawagin nyo na lang akong Mommy G.
Gusto kong maglahad ng kwento experience ko nung maliit pa ako,masyado kase akong gala noong araw,elementary ako grade 3,pang hapon ang pasok ko,ugali kong magpahuli ng uwian sa school,kase ayaw kong makipagsiksikano,5:30uwian namin at madalas ako cleaner ,masipag kc ako tumulong sa school maglinis ng classroom kahit hindi schedule ng linis ko. One time,inutusan ako ng teacher ko na magtapon ng basura sa dulo ng kahabaan ng school namin,tambakan ng basura dun malapit sa krek,tapos may balon pa na tinabunan na din ng basura,may kasama akong nagtapon kaklase kong lalake,medyo umuulan nun,at pakiramdam ko mag aala sais na ng gabi...sa pader sa may tambakan ng basura,may nakita akong babae na nakatayo,nakakadena ang paa,nakalutang sa hangin...kitang kita ko na nakalutang sya,nakaputing damit na medyo madungis na parang maputik,mahaba ang buhok at nakayuko...curious ako,at gusto kong lapitan kahit medyo malayo sya,malapit na sa tambakan ng basura...naitapon ko n lng basura sa balon,pero hindi pa rin naaalis yung tingin ko dun sa babae, at bigla akong kinalabit ng kaklase ko...'"tara na,uwi na tayo,maggagabi na",parang bigla akong nagulat,at paglingon ko sa pader wala na yung babae...hindi mawala sa isip ko...dala ko hanggan sa pagtulog,paggising ko,kinuwento ko sa nanay ko,baka daw white lady nakita ko,kase may kwento ang school namin bago tinayuan ng eskwelahan,sabi ng nanay ko,may ni rape dw na babae dun,nakakadena kamay at paa,nang matagpuan,tinabunan ng basura,kalunos lunos daw sinapit ng babae,sa kwento pa lng natakot na ko,hala parang ayaw ko na magpahuli ng uwian kc kinuwento nila sakin...sabi ng nanay ko,bukas daw third eye ko kaya nakita ko yun...the next day,nilagnat ako hindi na makapasok sa school,siguro almost one week ako may lagnat,trangkaso na ciguro kakaisip dun sa white lady na nakita ko,hindi dw naalis lagnat ko,kaya pina albularyo ako,nakita sa tawas,babaeng nakaputi,at gusto akong kunin...natakot nanay ko,nag insenso at nag atang ng pagkain,pinagdasal pa nila yung white lady na sana wag na magpakita sakin...so nangyare nga yun...kala ko hindi na nga magpapakita.
Dumating ako ng grade six,girl scout ako,sabi ng teachers namin meron kaming camping sa eskwelahan namin,magbaon ng lahat na gagamitin,magdala ng flashlight,firstkit...ang saya kase camping yun,sa second floor ang room namin...sa dulo kami,na matatanaw pa rin yung tambakan ng basura...eto na bigla na naman sumagi sa isip ko yung white lady na nakita ko nung grade 3,sabi ko sa mga clasmates ko na scouts rin,wag tayo pupunta dun sa tambakan ng basura kase andun yung white lady na nakita ko,natakot sila,alam din pala nila ang kwento tungkol dun,yung iba hindi naniniwala. Sabi ng teacher namin,matulog na kayo,around 11pm na ,kanya kanya kaming ayos ng higaan,yung iba sa desk natulog,iba sa sahig,hindi ako nakatulog agad,nakakaramdam kase ako ng takot start nang maalala ko uli yung white lady...may narinig akong kadena na naglalakad sa hallway ng school sa labas ng room namin,palagay ko,parang ang lapit nya...hindi ako bumabangon kahit gising ang diwa ko kase baka makita ko na naman sya,pinakikiramdaman ko lang,hangan sa sumigaw yung isang boy scout 'yung babae,yung babae nasa pinto,tinatawag ako',nagising lahat ,pati teacher ko,pero nakahiga sya nakapikit,nakaturo sa pinto,umiiyak,sigaw nya white lady,ginising sya ng teacher ko at pinahimasmasan,buti na lang hindi sya sinapian. Natakot kaming lahat nang ikinuwento nya yung babaeng nakakadena yung paa,duguan daw yung mukha,halos di makita ang mata,pinabalik kami ng teacher sa pagtulog,6am ng umaga nag uwian na ang mga nagcamping...
Ngayon,bago na yung school namin,renelovate,4th floor na,at yung tambakan ng basura,ginawa na rin classroom...pero may mga time talaga,na nagpaparamdam pa din daw yung white lady sa school namin,kahit nabendisyunan na yung eskwelahan ,may mga nagkekwento pa rin ,na may white lady daw dun. Mula nang ma experience ko to,naniwala na ko na totoo palang may white lady...end of story,thank you po.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo