2

356 2 0
                                        

"PUTING DUWENDE"

Nung isang araw po kasi nagkwentuhan kami ni mama and natopic namin yung nangyari kay papa nung sa probinsya pa kami nakatira, kasi yung bahay namin dito sa manila eh ginagawa palang nung time nayun. Taga manila naman kasi si papa tas dito din siya nagwowork. Bale paminsan minsan lang nauwi si papa dun sa probinsya ng mama ko kung saan dun din kami lumaki ng mga kapatid ko so bilang isang probinsiyana hindi na bago sakin yung makarinig ng mga kwento tungkol sa mga aswang, engkanto at kung ano pamang lamang lupa, though hindi pa ako nakakakita. May part sakin na naniniwala ako. So dun na tayo sa kwento. Mag babagong taon nun nung umuwi si papa sa bahay namin sa probinsiya. Nangyari to way back 2014. Pag nauwi dun si papa nakasanayan niya ng tumambay dun sa rest house ng Tita ko kapatid ng mama ko which is katabi lang naman ng bahay namin. Up & down na gawa sa kahoy yung bahay ng tita ko tapos purong antique yung mga gamit. Para daw maaliwalas sa pakiramdam. Madami din puno sa paligid kaya maganda talaga tumambay lalo na presko ang hangin kasi ung bahay namin sa probinsya eh malapit sa dagat. Mga bandang hapon nun nung nagpaalam si papa na lalabas lang daw siya kasi may tatawagan lang daw siya na katrabaho niya babatiin niya lang ng happy new year pero gabi na wala parin si papa, kaya nagdecide si mama na hanapin dun kila Lola tere (Di tunay na pangalan) sa bestfriend ng Lola ko. Umuwi din kasi ung mga anak nito galing manila para dun mag celebrate ng bagong taon edi may inuman dun. Mga 8pm na nun nung pinuntahan ni mama si papa dun tas naabutan niyang nagsasayawan ung mga anak ni lola tere kasama si papa tapos may hawak hawak na bote ng alak tas habang nasayaw sila dun sila natagay. Tas ayun pinauwi na ni mama si papa kasi nga lasing nadin hindi naman na nakipagmatigasan si papa kaya sumunod din naman agad kay mama. Paguwi ni mama tsaka ni papa sa bahay natulog na kaming lahat di na kami nagantay na mag bagong taon balak nalang namin nun gigising nalang kami kapag 12 na para kumain ng simpleng handa namin. Ewan ko kung bat ganun Haha. Tas yun mga bandang 11pm nagising ako na pinapagalitan ni mama si papa kasi gustong umalis ni papa gustong pumunta dun sa rest house ng tita ko. Tapos sabi ni mama bat naman daw pupunta dun si papa eh gabing gabi na. Ako naman di ko nalang pinansin kaya pumikit nalang ako para matulog ulit, kaso ang kulit kulit na talaga ni papa pati ung lola ko nagising nadin tas lumapit tinanong kung anong nangyayari tas sinabi nga ni mama na gustong lumabas ni papa. Edi ako di na ako nakatulog, bumangon na ako hanggang sa nagising nadin yung dalawang kapatid ko kasi ang ingay ni papa. Mayamaya pa bigla nalang nagiba si papa sabi bat daw siya pinipigilan. Tapos tinuturo niya kami ng mga kapatid ko tinatanong kung sino daw kami, natatakot nanun si mama kasi bakit daw ganun si papa eh tahimik lang naman un pag nalalasing natutulog lang, kaya nagtataka na kami kung bat ganun si papa nung time nayun. Sabi ng lola ko baka daw napagtripan si papa tapos nilagyan ng Drugs ung ininom ni papa dun kila lola tere, pero sabi ni mama sino naman gagawa nun eh kilala naman ni papa ung mga kainuman niya dun. O kaya naman daw baka nabati si papa dun sa bahay nila lola tere dun sa may babuyan may sapa na maliit dun sa likod ng bahay nila Lola tere madami nadaw nabati dun. Baka daw napagtripan si papa nung mga engkanto dun lalo na maputi si papa lapitin daw kasi ng engkanto ung mapuputi. Yun yung sabi ni lola ko. Hindi parin tumitigil si papa magpumilit na lumabas kaya hinarangan namin ng Sofa ung Pintuan namin sa Sala tsaka ung pintuan sa may kusina. Tapos nagmadali na kaming pumunta ng Lola ko kila lola marsya (Di tunay na pangalan) isa sa pinaka magaling na albularyo dun sa Baryo namin para papuntahin sa bahay at malaman kung ano nangyayari kay papa. Bago kami umalis sa bahay namin sinabihan ng Lola ko si mama na wag papalabasin si papa kahit anong mangyari. Kaya bago kami umalis Nilock namin ng lola ko ung Gate ng bahay namin na nakaharap sa dagat tapos ung gate sa gilid na nakaharap sa Rest House ng Tita ko. Hindi naman kalayuan ung bahay nila lola marsya kaya nakarating kami kaagad. Pumayag naman agad to na pumunta sa bahay. Pagdating namin sa bahay naabutan namin sa sala na pinapainon ni mama ng gamot si papa pero ayaw ni papa. Hindi nadin normal ung boses ni papa kasi pambabae na ung boses niya na sobrang liit. "Ayoko ng gamot ilayo mo sakin yan" pinigilan nadin si mama nung albularyo nung makita nito na pinapainom ni mama ng gamot si papa. "Wag ayaw nila sa gamot, nagagalit sila" sabi ng albularyo. Kung ano ano nadin sinasabi ni papa pero nananatiling pambabae parin ang boses. Kesyo sino daw yung tao sa ilalim ng Double deck namin. Pagtingin naman namin ung insenso lang naman ung andun. Dun na ako nagsimulang matakot . lalo na nung sinabi ni papa na "Dun sa Malaking bahay may binaril dun sa may Puno ng niyog nakadapa pupuntahan ko" dun kasi sa Rest house ng tita ko may binaril dun apat taon na ang nakarararaan. Pero wala si papa nung panahon na nangyari yun. "Maraming dugo sa ulo humihingi ng tulong" Patuloy na sinasabi ni papa habang boses babae parin . Dito na nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan. Mayamaya pa pinahawak ni mama kay papa ung Santo na maliit kay papa nagtanong nga si papa kung ano daw un sinabini mama si mama mary yan. Hinawakan naman ni papa tapos dinasalan na ng albularyo si papa sa ulo, habang hawak hawak ni papa ung Santo na maliit. Mayamaya pa bigla nalang nagsalita si papa ng "Hay uuwi nako sa bahay ko bahala na kayo diyan" Pagtapos nun bigla nalang nawalan ng malay si Papa nabitawan niya din ung Santo na maliit na pinahawak sakanya ni mama tapos nabasag. Sabi ng albularyo nakabalik nadaw si papa duwende daw yung sumapi kay papa pero buti nalang Puting duwende lang daw hindi itim mabait daw kasi ung sumapi kay papa. Antayin langdaw namin mga ilang minuto magising si papa. Tapos pakainin daw kasi napagod daw si papa maglakbay. Mayamaya pa nagkaron nadin ng malay si papa. Tapos tama nga sinabi ng albularyo na gutom si papa , kasi paggising ni papa. Sabi niya "Gutom na gutom nako tapos may napanaginipan pa ako parang totoo kasi pagod na pagod ako, anong oras naba? Kain na tayo" Hindi na muna namin pinagkwento si papa ng panaginip niya kumain na muna kami since 12 nadin naman. Saktong nagpuputukan na sa labas. Kinabukasan kinwento namin kay papa yung nangyari kaya daw pala ganun ung panaginip niya parang totoo talaga. Nakarating daw siya sa lugar ng maliliit na tao tapos maraming nagluluto. Ang saya saya daw. Tapos pinapakain daw siya ng Itim na kanin. Sabi ng lola ko buti hindi kinain ni papa kasi hindi nadaw makakabalik si papa once na nakain niya na yung itim na kanin.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon