PROSISYON SA GABI
Isa po akong katoliko,madalas po sumasama ako kay lola pagsumisimba sya.October po non hindi ko matandaan tuwing lingo alas 3 ng umaga ay umaalis ang lola ko para dumalo sa prosisyon,hindi ako sumasama kase lagi akong puyat haha.Madalas nga hindi ko nalang namamalayan ako lang tao sa bahay bag alas 3 ng umaga kase minsan sumasa si mama kay lola.3 lang kase kami sa bahay dahil yung dalawa kong kapatid may kanya-kanya ng pamilya na saka matagal tagal narin bago maghiwalay ang mama at papa ko.So balik tayo,nang nagising ako als siete ng umaga kakauwi lang ni lola tapos ni mama.
Ako:Uy ma bat nyo ko iniwan kanina?sabi ko gisingin nyo ko
Lola:Wag kana kase magpuyat!
Mama: Malay kobang sasama ka.Kumain kana dyan.
Ako: Isama nyo nalang ako pag sumimba kayo ulit.
Bisaya yun ha? tinagalog kolang.Nag proprosisyon kase muna bago masimula ang mesa.Nong sumapit nanaman ang ikalawag linggo alam kong dadalo nanaman si mama saka si lola mamayang als 3 ng umaga kaya natullog ako agad.Hidi sanay sina mama na gisingin ako kaya ako nalang yung mag aadjust.Sa totoo lang kase natatakot din ako mag isa sa bahay pag umaalis sila tuwing als 3.At ito na nga ang aking kinatatakutan.Nagising ako 3:20 anak ng pating iniwan nanaman ako!Sakto narinig ko yung prosisyon.Nakaka tense kase yung tunog non e ewan ko kong anong uri ng mga instrumento yun.Basta masakit sa tenga.Nainis ako at gusto kong mag wala.Yung tila ba parang pinaasa lang ako haha.anak ng ating.Makalipas lang ang ilang minuto narinig kong papalayo na nga ang tunog na iyon at tapos na dumaan kaya nagpasya akong pumunta sa kubeta namin at juminggil syempre.Paglabas ko ng kubeta bigla akong napatigil sa paglalakad papauntang higaan ng makarinig ako ng nag nagsasalita ewan ko kong anong pinagsasabi pota nanginig ako sa takot tinignan ko yung maliit na butas ng bintana namin may nakita akong Maraming naglalakad,naka suot na belo yung mga babae at naka suot naman ng tuxedo yung mga lalaki.Actually matatanda sila.Tinignan ko ito hanggang sa direksyon ng pupuntahan nila habang naririnig ko na parang may sabaysabay silang binibigkas na latin words.Natakot ako ng sobra wala akong magawa.At yung nakakatakot biglang naapakan ko yung stenless na pinggan na lalagyan namin ng baygon sa ilalim ng bintana namin.Ng bigla itong tumunog ng malakas.At sumilip ulit ako sa bintana lahat ay nakatitig sila sakin at napahinto ang kanilang prosisyon.Sa una nagtaka "huh?hindi ba tapos na ang prosisyon kanina!?"Dali dali kong sinarhan yung bintana at linock ang pinto.Humiga ako at tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko.Umiyak na ako sa takot ng biglang may kumatok sa pinto at naririnig kong may binibigkas syang latin na diko maintindihan at kumakalabog ang pinto na para bang lahata sila ay tinutulak ito hanggang mabuksan nila ito.Nang mabuksan ang pinto tumago ako sa gilid ng pinto ng kwarto ko at kitang kita mismo ng potanginang mata ko isa silang maligno na potangina hanggang ngayon diko makalimutan ang mga mukha nila.Mas kinilabutan pa ako ng nag linyahan sila papasok deretso sa kusena namin.Halos umiyak na talaga ako sa kaba.Hanggang sa lumipas ang ilang minuto wala an akong narinig na kung ano man.Nakatulog nalang ako sa gilid hanggang sa dumating si mama at lola.at nagtaka kung bakit naka bukas ang pinto at mga bintana namin.hindi ko pa ito kwenento sa kanila.Pero simula non hindi nako nagpaiwan sa bahay hayup.hindi narin ako nagpuyat haha.
Sa mga maniniwala o hindi dyan.Bahala na kayong humusga basta hindi ko makakalimutan ang nangyare sakin hanggang ngayun natatakot parin ako.
ps(LALAKE PO AKO)

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Übernatürlichesni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo