My weird bloodline
** Na coma ako ng 9+months pero parang 3 araw lang nangyari ang lahat, yun lang admins
Maraming nagsasabi na anak sila ng diyos, nakakainggit kasi anak ako ng demonyo.
Wassup mga paa itago nyo na lang ako sa pangalang ace (fave ko kasi hell u) ipinanganak ako sa manila, hindi mayaman ang aking pamilya, hindi din mahirap yung sakto lang. Siya si Athena (real name nya, cute diba) so ayun nga si mama ay may kakaibang kakayahan, kaya niyang mabasa ang nakaraan ng tao kapag nahawakan niya ito, pati past life mga pre alam niya. Simula pa lang alam ko na may kakaiba sa pamilya namin, lalong lalo na ko, kaya Kong mabasa ang isip ng tao, alam ko kung sino ang may galit sakin, alam ko kung sino ang pagkakatiwalaan ko. Nalaman ko na lang na anak ako ng demonyo eh last year kaya ako nag layas, na aksidente ako, na comatose ako, last February ako nagising. Hindi ko alam ang mga nangyari basta ang alam ko lang nakasama ko ang tunay kong ama sa impyerno, ganito ang nangyari
.
Patay na ko, wala na yung kaluluwa ko sa katawan ko. Nakita Kong umiiyak si mama at umiiling habang nakatingin sa kaluluwa ko patuloy pa din ang pag iyak niya ng biglang dumating ang tatay ko (yung demonyo) nginitian ako ni mama, pinapasama niya na ko, alam Kong nasa utak ni mama eh ibabalik din ako ng tatay ko kaya sumama na ko. Habang naglalakbay kami ng tatay ko, tinanong ko na kung siya ba talaga ang tatay ko. Ngumiti sya, Hindi siya yung demonyong nakakatakot, anyong tao sya. Nasa main entrance na kami ng impyerno, may nagbabantay sa mismong papasukan. Maraming dugo,umiiyak. Maraming humihingi ng tulong sakin, Hindi ako naaawa, animo'y isang musika sa pandinig ko ang kanilang mga iyak, ni Hindi ko sila matignan sa kanilang mata, nagagalit ako, napakasama nila, mas masahol pa sa demonyo ang pinag gagagawa nila nung nasa lupa pa. Tinawag na ko ni ama, ganun pa din ang anyo niya, tao. Pinakilala niya ang sarili niya sakin. Siya si Lucifer, anyong tao kasi Lucifer pero pag nakita mo na ang totoong anyo niya siya na si Satan. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, kaharap ko ang pinakamakasalanang anghel ang mas malala pa, tatay ko. Pero gaya ng isang anak, tanggap ko siya, kinuwento niya kung ano ba talaga ang nangyari at itinakwil siya ng diyos. Naging sakim siya, ninais niyang higitan ang diyos. Nabulag siya sa kapangyarihan, Hindi ko inaasahan na ang isang demonyong katulad niya ay lumuluha sa harapan ko. Naawa ako, pero tanggap niya ang naging parusa, masaya siya kasi nakuha niya yung kapangyarihan na inaasam niya, parehas na sila ng diyos, parehas na makapangyarihan. Ang pinagkaiba lang ay ang diyos ang sa mabuti at siya sa masama. Bigla niyang kinuwento ang nangyari kay Adam at eve, tinukso niya ito hindi dahil gusto niyang malayo sila sa diyos bagkus ay sinubok niya ang diyos kung mapapatawad ba niya si Adam and Eve, ang kaso Hindi. Ni chance na magpaliwanag ay Hindi. Tinignan niya ko sa mata at ngumisi, sinabi niya, "Hindi ako napatawad ng diyos, pati na din sina eba at adan at sa tingin nyo kayo na makasalanan Simula pa noong bata ay mapapatawad? Samatalang kaming malalapit na sa diyos ay Hindi man lang binigyan ng tiyansa na magpaliwanag. Hindi ko alam ang sasabihin ko, gulong gulo ang utak ko, naniniwala ako sa diyos buong buhay ko. ngunit tama si ama, silang malalapit sa diyos ay Hindi binigyan ng pagkakataon para makapag paliwanag samantalang tayong makakasalanan ay kanyang mapapatawad. Tumayo si ama, at inilahad ang kanyang kamay. Kasabay nito ang pagbabago ng kanyang anyo, ang kinakatakutan ng mga demonyo, si satanas. Doon ko naranasan ang matakot, yung tipong Hindi mo alam kung kakayanin mo pang mabuhay pagkakita mo sa kanya, Hindi ko alam ang mga sumunod na nangyari, ang alam ko na lang ay katulad ko na siya ng anyo, isa na din akong demonyo katulad niya. Habang kasama ko si ama at nililibot ang impyerno, Hindi ko maiwasang mamangha hindi dahil sa ganda nito kundi dahil sa mga iyak ng mga taong makasalanan. Tinanong ko kay ama kung totoo bang nasa lupa pa lang ang makasalanan ay sinusunog na ang kaluluwa niya sa impyerno, ang simpleng sagot niya "Hindi" dahil kung sinusunog na ang kaluluwa mo sa impyerno, naghihirap ka na eh Hindi ganon ang pamamalakad sa impyerno, kailangan mong pagdusahan ang kasalanan mo sa oras na mamatay ka. Tinanong ko na din kay ama kung may mga demonyo din ba sa lupa, sagot niya "oo". Anong ginagawa nila don? Binabantayan ang makasalanan, kung magbabago ba o hindi. Dinala ako ni ama sa lawa ng dugo. Mas lalong lumakas ang pag iyak ng papalapit na kami dito, kumukulo ang dugo at maraming tao ang naghihirap, maraming humihingi ng tulong. Sinabi ni ama na sila daw ang may mabababang kasalanan sa lupa, Hindi ko maintindihan kung bakit pati ang mga may mabababaw na kasalanan ay kailangan ding parusahan, naalala ko ang sinabi ni ama kanina. Sila nga Hindi binigyan ng pagkakataon para magpaliwanag sa nagawa nila samantalagang napakalapit nila sa diyos. Hindi na ko nagtataka kung pati ang mga walang kasalanang sanggol ay naghihirap din sa lawa ng dugo, dala dala nila ang kasalanan nila eba at adan. Sumunod naming pinuntahan ang mga demonyong pinapahirapan ang mga nagpakamatay, naka kadena sila at nakapako sa krus Habang sinusunog. Hindi takot ang laman ng kanilang mga iyak kundi ang kalungkutan. Akala nila'y kapag tinapos nila ang kanilang buhay ay Hindi na sila maghihirap, mas mahirap ang dinaranas nila dito sa impyerno, dito ako nakaramdam ng awa. Oo, makasalanan sila at pinatay nila ang kanilang sarili dahil sa kalungkutan pero Hindi na nila naranasan ang maging masaya maghihirap pa sila dito sa impyerno. Alam ni ama ang nararanasan kong kalungkutan ngayon, Hindi din naman masisisi ni ama ang Diyos dahil kasalanan iyon. Dumiretso kami ni ama sa kaharian niya, katulad din daw ito ng sa langit, ang pinagkaiba lang saya ang mararanasan mo don at dito paghihirap at kalungkutan. Tumuloy na ko, maraming kwarto ngunit halos lahat ay nakakandado. Bumalik na din kami sa aming anyo. Kumain at syempre nagpahinga. Pagkagising ko ay nakita ko si ama na pinagmamasdan ang kaniyang kaharian, pinili naming bumalik sa lupa pero ako, Hindi pa ko makakabalik sa katawan ko, hindi pa pwede. Kaya ang anyo ko, ito isang maginoong lalaki si ama naman ay isang lalaking mayaman na nasa edad 40 at nakasuot ng casual cloth parehas kami ganun din ang suot ko, naka all black si ama Habang ako naman naka puting longsleeve at black na coat. Pinuntahan namin si mama at pinaliwanag nila ang mga nangyari at kung bakit ako ang anak nila. Nasa anyong tao si ama ng magkakilala sila, may karangyaan ang ama ko samantalang si mama ay sakto lang. Naging sila at ako ang naging bunga ng pagmamahalan nila, pero Hindi pwedeng manirahan si ama sa lupa kaya bumalik si ama sa impyerno.Hindi na bago sa pamilya ni mama ang makahalubilo ang ibang nilalang. Halos buong pamilya ni mama ay may karanasan sa ibat ibang nilalang. Si mama may kakayahan makita ang past life samantalang ang mga magulang naman niya ay kayang makabasa ng isip ng tao at kayang makapag hypnotized. Iniwan kami ni ama at bumalik siya sa impyerno kaya kami na lang ni mama ang magkasama. Hindi na din umibig ulit si mama kasi ayaw niyang maging miserable ang buhay nung taong iibigin niya. Naiintindihan ko na si mama kung bakit niya itinago, ayaw niyang makita akong iba ang tingin ko sa sarili ko. Ipinaliwanag na din ni ama ang mga kakayahan ko, yung mga Hindi ko pa alam na kaya ko palang gawin. Kaya Kong makapagpalabas ng apoy sa hintuturo, sinabi din ni ama na malapit ako sa mga anghel kaya Hindi ako napapahamak, sinabi din ni ama na kaya ako na aksidente eh kailangan ko ng malaman at maintindihan ang lahat dahil kung papatagalin pa nila ay baka maging sakim ako sa kapangyarihan. Naiintindihan ko naman na, pinaliwanag ko na din ni ama na kaya Kong ipakita ang anyong demonyo ko kung gugustuhin ko, pero sa mga taong gusto ko lang pagpakitaan, halimbawa gusto Kong ipakita sa isa Kong kaibigan kung Anong itsura ko pag demonyo ako, siya lang makakakita non. Hindi ko maintindihan ang mga sumunod na nangyari, nagdasal si ama at may bumabang anghel Hindi ko maintindiha dahil para bang tumigil ang oras at kami lang ni amat ina ang gumagalaw at nakakakita sa kanya. Pinakilala ako ni ama ngunit Hindi pinakilala ng anghel kung sino siya. Kilala din siya ni mama pero ayaw nilang sabihin sakin, Hindi ko mabasa ang nasa isip ni mama at ang nasa isip ng anghel na yon pero pag si ama naman ang binabasahan ko ay sumasakit lang ang ulo ko. Umalis na ang anghel at nagpaalam na din kami ni ama, na babalik sa impyerno dahil may bibisita daw ngayong araw. Nagpaalam na din si mama na babalik sa hospital para bantayan ako. Nakabalik na kami sa impyerno ngunit Hindi ko alam kung bakit natatakot ako at natutuwa sa sumalubong samin ni ama. May kung Anong hiwaga sa kanya, nung nagpakilala siya doon ko lang nalaman na siya pala ang diyos. Hindi ko alam kung bakit ako gulong gulo, dahil ba ang pagkakaalam ko ay ang nasa bible ay magka away sila? Hindi ko alam ang nangyayari, ang alam ko lang ay makapangyarihan siya at takot na takot ang mga demonyo sa kanya. Hindi na siya pumasok sa loob ng impyerno at nginitian na lang ako at umalis. Ang sabi na lang ni ama na kailangan ko na daw bumalik sa katawan ko. Niyakap ako ni ama, at nagpaalam na sa isat isa. Marami pa Kong katanungan sa aking isipan, maaari naman daw akong bumalik Kahit anong oras o siya na ang pupunta sa akin.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo