Gintong Barko
Noong college days nya pa ito nangyari, 39 years old na siya ngayon. Hindi po ako 100% sure na mapopost itong story dahil sa messenger lang ako nagsend pero aasa pa rin ako. Maraming salamat kung maisakatuparan.
Bakasyon noon at napagpasyahan ng magkakabarkada na magsleep over sa lugar ng kanilang kaibigan sa probinsya. Sa Iloilo po ito nangyari sa first district. Pagdating nila sa bahay ng kanilang kaibigan ay agad silang nag-ayos ng kanilang mga gamit. Kanya-kanyang trip na sila pagkatapos. Napag-utusan din ang pamangkin ng kaibigan ni tita na umakyat ng niyog para sa mga bisita. Fresh buko juice kumbaga. Yung ibang kaibigan naman ay pumunta sa bukid para magpahangin at tuklasin ang ibang mga bagay na wala sa syudad tulad ng magpakain sa mga baka at kambing. Alas singko na nang sila'y nakauwi at nagpahangin sa balkonahe. Nagkwentuhan sila at nabanggit ng kaibigan na may dagat malapit sa kanilang bahay. Kaso may dadaanan ka pang palayan at puno nang mga kawayan bago makarating. Napagpasyahan ng lahat na mag night swimming. Kanya-kanya na silang bihis at nagtungo doon. Mga 20 minutes lang naman ang lalakarin. Pagdating doon ay nag-aagaw na ang takipsilim at gabi. Nagsihubad na silang lahat at sumulong sa tubig. Kwentuhan, tawanan at sabuyan sila nang tubig. Yung iba naman ay nagsihubad na nang kanilang bra at inihahagis pa sa ere sabay tawanan. Yung tita ko ay napalingon sa lawak ng dagat sa kanyang likod ng may makita siyang barko. Barko dahil sa marami daw itong ilaw at mukhang malaki sa malayo. Sinabi niya iyon sa mga kaibigan niya at isinawalang bahala nalang nila dahil nagsasaya sila. Akala kasi nila ay napadaan lang ito. Wala pang 5 minutes at laking gulat ng tita ko paglingon niya dahil ang barko ay papalapit na sa kanila. Mga 10 meters nalang daw. Natulala ang tita ko dahil ang barko ay gawa daw sa gold na kumikinang pa dahil sa mga ilaw. Napakalaki daw nito at may nakita din siyang mga gold bars na karga nito. Napansin ng magkakaibigan na walang kibo si tita, ng tingnan nila ang kinaroroonan ng mata ni tita ay nagulat silang lahat at nagsigawan. Napakalapit na nang barko at handa silang sagasaan. Hinila nila si tita at nagsitakbuhan kahit walang mga tsinelas at yung iba ay wala pang bra. Iyak sila nang iyak pagdating sa bahay. Pagkabukas din ay nagsiuwian silang lahat.
Bumabalik din naman silang magkakabarkada sa lugar ng kanilang kaibigan ngunit hindi na sila ulit lumangoy sa dagat. Nagkaphobia na ata.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Übernatürlichesni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo