Unfamiliar face of a girl on the stair
So ito na po Way back Sep. 16, 2017 I think its friday , pumunta kami ni mama sa bahay ng tita ko malapit sa Laguna, so sinamahan ko si mama pumunta doon para maglinis ng bahay tutal wala din naman akong gagawin ng weekends, nakasanayan narin namin na pumunta kila tita every 2nd week of the month kase yung totoong may ari ng house umalis pumuntang Baguio (minsan lang umuwi yung may ari kaya yung mga gamit parang pinag-iwanan na ng panahon). So si mama muna at yung iba ko pang kita ang mag babantay ng house so yung bahay is 4th floor Naglilinis sila mama sa baba habang ako naman nanonood lang ng tv sa taas sa taas parang bodega siya na imbakan ng mga gamit na di na gagamitin pero muka parin siyang kwarto kasi nakaayos yung mga gamit at ang luwag. (alam naman natin na maraming lumang gamit don so natatakot na ko at this point) habang hinihintay ko sila mama matapos, kase nga tatlong floor ang nilinis nila , so around 11 pm sila natapos so umakyat na sila. Apat na kaming nasa taas. Around 12 natulog na kami
(So ayun na nga hindi pa diyan nagsisimula ang storya)
So eto na nga natulog na kami. (Syempre di naman natin maiiwasan na managhinip pero ang panaghinip na ito ay naiiba sa lahat ng panaghinip na napaghinipan ko) bigla nalang akong nanaginip na may isang babaeng duguan ang buong katawan ang nagmamakaawang humihingi ng tulong at that time hindi ko naisip na panaghinip lang to, di naman ako marunong ng Lucid Dreaming, parang totoong-totoo ang mga nangyayari, tapos gumagapang sya pababa ng hagdan na tila ba kahawig din ng hagdan na tinutuluyan namin ngayon at ang babae ay... hindi ko mamukhaan o naaninagan yung muka niya pero feeling ko non nasa bingit na siya ng kamatayan hindi na ako nag-atubiling tulungan siya "tutulungan kita dadalhin kita sa ospital" ang sabi ko sakanya.. pero sinabi lang niyang "wag na, wag mo na akong tulungan lumabas ka na ng bahay dahil kapag nakita ka niya isusunod ka nya!" pag lingon ko sa likod ko.. may isang lalaki , may hawak na baril , at yung lalaki, naka-bonnet hindi ko siya mamukhaan , unti unti siyang lumalapit sa amin anumang tangkain kong makagalaw parang naparalize ang buo kong katawan.. hanggang sa malapitan niya ako at bigla nyang tinutok sa ulo ko yung baril na hawak niya! Naiiyak na ako nagdasal ako kay lord na sana kung ito na ang huli kong buhay naway gabayan niya ang aking pamilya. Habang naka-tutok yung baril sa ulo ko na-pawing ang attensyon niya sa babae na tila bang hindi pa siya tapos sa kanya. Nilagpasan niya ako at.. binaril sa ulo yung babae. Ako naman dali-dali akong tumakbo pero kahit anong bilis ng takbo ang aking gawin hindi ako umaalis sa kinatatayuan ko binilisan ko ngunit di ko talaga magawang tumakbo ng mabilis na parang may mabigat na anuman sa paa ko, binilisan ko pa akala ko nakalabas na ako ng bahay hangang sa napalingon ako sa likuran ko para tanawin ang lalaking hindi ko mawari kung magnanakaw o mamamatay tao.. lumingon ako pero hindi ko na siya maaninag na para bang naging worth it yung pagtakbo ko, naging kampante ako na akala ko natakasan ko siya pero nagkamali ako pagtingin ko sa harapan ko nasa harap ko na siya at yung baril nakita ko nalang na nakatutok agad sa ulo ko nagmaka-awa ako sa kanya ngunit sa kasamaang palad binaril nya ko.
Nagulat na lang ako na panaghinip lang ang lahat at nakakapagtaka tumayo agad yung balahibo ko ng mapansin ko na pag gising ko nasa kusina na ko syempre kinabahan ako hinahanap na pala ako ni mama nakita na lang nila ko nakabulagta nagtaka rin sila kung bakit daw ako nandun hindi ko alam nalng ang naisagot ko ang alam ko sa taas ako natulog hanggang sinabi ng isa ko pang tita na icheck natin sa cctv kung ano talagang nangyare (consious sila sa akin wow. ) Ayun na nga nung nireview nila yung cctv nakita nila na parang may kumukontrol sa kin kase ung hagdan ni hindi man lang ako napapatid. Pag baba ko ng hagdan pa second floor dun na ko nag salita na parang may kausap at para akong nag-mamakaawa hanggang sa pababa ako ng pababa hanggang makarating ako ng kusina nakita nila ako dun nakahiga tapos ginising nila ako dun tapos nagtaka sila kung bat ganun ang nangyari sakin natatakot paren ako hanggang sa kinuwento nila tita na hindi lang pala sila ang unang tumira don may mag-asawa daw pala na nagway sa bahay na ito nagtalo daw yung lalaki tapos yung babae hanggang sa napatay ng lalaki yung asawa niya dahil sa pagseselos. Hindi lang yon nakakapagtaka din na yung bangkay ng babae nakita daw sa may hagdanan may lalo pa akong natakot dahil parang yung panaghinip ko may ipinapahiwatig na hustisya yung babae through panaghinip pero hindi ko naaninag yung muka ng lalaki sa panaghinip ko? Paano na yan?
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo
