12

170 1 0
                                    

Past and Future

Nag simula ito nong 9 yrs old ako. Grade 4 ako nun sa Province ng Nueva Ecija. Mag hapon klase dun, 2 sessions, 7am to 11am tapos balik kame sa school ng 12pm to 4pm. So ayun na nga. 4pm uwian na. Nag lalaro muna kame bago umuwi. Napag tripan namen mag spirit of the glass sa likod ng room. Talahiban kasi yung likod ng room namen tapos may mga garden. Ganun kasi probinsya. Bara - bara lang ung spirit of the glass namen tapos plastik cup pa ung gamit namen. Muntanga dba. Hahaha. Ung board ginawa lang din namen.. papel lang sya na may abcd...... yes and no choices... sempre ako naman sumama din sa kanila makipag takutan. And the session started. Nung una nag tatawanan pa kame. Anjan yung mga tanung na
"may espiritu ba kameng ksama dito"
"Anu pangalan mo"
"naririnig mo ba kame" etc.
Sempre gumagalaw yung baso!
kaso alam namen na may isa samen na ginagalaw yun, haha! Oh dba, sempre mga bata kame, parang tinakot lang namen yung sarili namen hahahah! Hanggang sa na naubusan na kame ng tanung dun sa kinemeng espiritu na kausap namen which is ang totoo, wala naman talaga.

So bumitaw lahat sa plastick cup. Maya maya humangin ng malakas, papunta ung panig ng hangin saken. Ang kinagulat ko, gumalaw yung baso pasalungat sa hangin, eh dba dapat matutumba yun kasi plastik cup lang naman, yung papel legit naman na hindi liliparin kasi may mga bato ung gilid nun. Nakita namen lahat ung baso at nag taka, tangina! Nag unahan kame sa pag takbo at pag kuha nga mga bag. Nadapa pako nung malapit na kame sa gate ng school. Kaya nagas gas yung baba ko sa semento. Sakit bes. Simula nun hindi na namen inulit yun at hindi narin kame napunta sa likod ng room unless mag gagarden kame. Haha

Next
Bakasyon na.
Every March, end ng school yr..
Lola ko lang kasi nag aalaga sameng tatlong magkakapatid. Panganay ako.
Si papa at mama nasa Manila, nag tatrabaho pero sinasama nila kame sa Manila tuwing bakasyon.
Si papa, security Guard. Si mama naman, Care giver.
So ganto minsan ang set up kapag sabado.
Dala ako ni papa sa opisina, si mama naman, dala nya si Lala sa bahay na pinag tatrabahuan nya

at si Niko naiiwan sa bahay nainuupahan namen sa mandaluyong ksama si Nanay (lola namen, Mama sya ni Papa ko).
At nasa opisina na nga kame ni papa. Mejo creepy sa labas ng office. May elevator at sa kanang side, may hallway na mahaba, pag binaybay mo yun, may mga pintuan kang madadaanan, at sa loob nun may mga station/PC ng Call center agents. Since sabado, dim light lang ung mga ilaw na nakabukas dun at walang empleyado kaya naiisama ako ni papa.
Wala akong ginawa dun kundi mag laro ng upuan na may gulong, papaandarin, sasakyan ko sya at papaabutin ko yun haggang dulo ng hallway, pabalik. Tapos manunuod ng TV sa cartoon network kapag hindi nag rerecord si papa ng basketball. Minsan pag lalaruan ko yung telepono saka ung kalendaryo na dipindot.
Habang nanunuod ako nun ng TV, tulog si papa sa Sofa. (Saturday shift be like.. hayahay ang lolo mo kasi walang boss) namatay yung TV pero naka red light yung power indicator. so ibig sabihin pinatay sya gamit yung remote, hinanap ko yung remote, nakita ko yun ilalim ng tv, pinindot ko para mag turn on, kaso hindi gumana, yun pala, remote para sa dvd yung nakuha ko, After 5 mins, nahanap ko ung remote sa drawer na lagayan ng magazine at baril, gumana naman ung remote... shet, napaisip ako, sino nag patay ng tv gamit ung remote kung nasa loob yun ng drawer.
So ayun na nga
Maya maya, lumipat sa ibang channel.
TAKE NOTE! Yung dalawang remote nasa desk, si papa tulog, ako lang yung andun at wala ng ibang tao o empleyado.
Pota baliw yung tv, nag video mode, lumipat ng ibang channel tas namamatay, ginising ko si papa, kaso hindi ako pinapansin. Antok ang lolo mo. Tinanggal ko nalang sa saksakan yung TV, kasi sabi ko baka nag loloko yung cable.. haha
Nag laro nalang ako ng digulong na upuan, simula elevator papuntang dulo ng hallway pabalik. maya maya, pag lagpas ko sa printing area, tumunog yung xerox machine at may lumabas na papel, (sana naimagine nyo ung tunog tapos dim light lang yung hallway at walang tao)
Taena! Trip yata ako nung mga multo dun!
maya maya, ang ate mo, natakot ng tuluyan, naupo nalang ako sa tabi ni papa at inantay syang magising. Hindi ko narin binuksan yun tv kasi baka pag bukas ko may iba na kong mapanuod haha.
5pm na nagising si Papa, at dumating na din yung karilyebo nya sa Shift.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon