Signs Given from my Past Life
Nang napaidlip ako sa kalagitnaan ng trabaho, break time ko nun, may hindi ako inaasahang makitang tao sa panaginip ko non. Nagpakita na siya dati pero iisang sentence lang sinasabi niya tapos gigisng na ako. Ngayon matagal siyang nag stay habang pinapakita sa akin ang isang parte ng buhay niya. Unang bahagi ng panaginip na yun ay ang lalaking napapanaginipan ko dati pero may kasama siyang isang babae, masaya silang naglalakad patungo sa hindi ko alam kung saan. Hindi ko makita masyado ang mukha nila dahil parang may shadow sa kalahati ng mukha nila, bibig lang nila nakikita ko pababa. Habang naglalakad sila, biglang may pinakita saking iba ibang pangyayari bago sila mapunta sa sitwasyon na yon. Sinuyo ng lalaki ang babae, nagkatuluyan, humingi ng basbas sa mga magulang nila at may nangyaring engagement. Pagkatapos ng mga flash of events na yon bumalik ang pinapakita sakin sa dalawa na naglalakad sa sidewalk ulit. Matagal tagal pa non bigla nanamang nagbago ang scene at gabi na nang matauhan ako sa nakikita ko. Nakita kong may tatlo o apat atang bakal na sumaksak sa katawan ng lalaki at isang kutsilyo sa leeg, ang babae naman ay may sugat sa ulo, mukhang nabaril siya. May narinig ako tumatawa sa bandang gilid kaya tiningnan ko ang tumatawa, siya lang sa lahat na nakita ko sa panaginip na yon ang may mukha. Natakot ako nang tumingin ito sakin, mata sa mata, kahit na wala akong pisikal na katawan sa pangyayaring yon. Nang palapit na siya sakin ay biglang naging puti lahat ang nakikita ko, tumayo ang lalaking may saksak at kaming dalawa nalang natira sa pangyayari. Bumata nang bumata ang itsura niya hanggang maging ka tangkad ko na siya(hula ko lang na kasing tangkad na kasi di ko matansiya). Di ko parin nakikita ang mukha niya pero may sinabi siya, nang matapos siya ay dun na natapos ang panaginip ko at nagising ako na lumuluha. Ang sinabi niya ay, "never ever choose a happy ending, protect her but never own her or she'll end up like this. Again", di ko alam kung yan talaga ang pagkakasabi niya pero yan ang main idea. Sinabi sakin ng kakilala ko na bata palang ay may chance nang makita ang past life ng isang tao pero nang bata ako wala akong nakitang ganon, ngayon lang. 17 na ako ta hindi ko alam kung past life ko ba yun o hindi. Sa tuwing tatandaan ko ang mukha nung pumatay sa panaginip ko, sasakit ang ulo ko tapos lalamigin ako. Nagtataka ako kung past life ko ba talaga yon o hindi.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo