43

21 2 0
                                    


Pagpaparamdam

Magandang araw mga ka-Spookify! Hindi ko alam kung matatakot kayo o ewan sa aking kwento ngunit nahihiwagaan lamang ako sa mga nangyayari sa akin. Sana makapagbigay din kayo ng mga advice sa akin at gusto ko ring marinig ang mga opinyon niyo tungkol dito.

Hi! Tawagin niyo na lamang ako sa pangalang Eli Luna, not my real name. I'm only 17 years old pero marami na akong mga kababalaghang naranasan. Isa sa mga nakakatakot na naranasan ko ay nangyari lamang noong isang taon. Bago ako operahan dahil sa sakit ko ay nakakaramdam na ako ng kakaiba sa bahay namin. Pumunta ako sa bahay ng kaibigan ko dahil gusto ko namang gumala bago ako putulan ng paa at mag-enjoy enjoy muna dahil that time medyo depress ako kaya hinahayaan ako ng mga magulang ko na umalis at gumala ako kasama ang mga kaibigan ko. Hindi ko namalayan ang oras at inabot na ako ng gabi. Hinatid naman ako ng bestfriend ko at ng Mama niya palabas ng bahay nila hanggang gate at mag-isa na akong naglakad pauwi ng bahay dahil kanina pa nakauwi ang iba ko pang mga kaibigan. Nagpaiwan lamang ako dahil sobrang nag-eenjoy pa ako.

That time habang naglalakad ako ay kabang-kaba na ako dahil gabing-gabi na at paniguradong hinahanap na ako nila Mama. Naka-power off kasi ang cellphone ko kaya kabang-kaba talaga ako. Dire-diretso ako sa bahay at nilagpasan ang bahay ng lola ko. Pagkapasok ko ay sobrang dilim at walang tao kahit medyo natatakot ay dire-diretso akong naupo dahil sa pagod at hinihingal na rin ako. Sobrang tahimik at dilim ng bahay. Sa kusina ako dumaan dahil bukas ang pinto roon at dumiretso sa sala para maupo kaya sarado ang front door namin kaya namanbsobra talagang dilim. Gusto ko sanang buksan iyo ngunit hindi ko magawa dahil sobrang kinakabahan ako at natatakot. Pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula sa kusina namin o kaya sa may bandang CR. Dahan-dahan akong humiga sa sofa namin dahil sobrang natatakot na ako. Hindi ko kayang tumakbo dahil sa takot. Nakatingin lamang ako sa direksyon ng aming kusina at pilit na inaaninag ang kung sinuman na nakatitig sa akin. Lahat naman ata tayo ay nakaka-sense kung may nakatitig man sa atin, hindi ba? I was having goosebumps right at that moment. Ngunit naibsan ng kahit kaunti man lang ang aking takot ng marinig ko ang kapatid ko at ang Mama ko sa bahay ng Lola ko na nagtatawanan. Sabi ko sa sarili ko ay ilang minuto na lang ay uuwi ang dalawa rito sa bahay namin. Mag-antay ako ng mahigit limang o sampung minuto sa kanila ngunit hindi sila dumating. Tumakbo ako papuntang kusina namin para dumaan muli sa pinto roon dahil mas natatakot ako na bukas ang ang front door namin dahil baka kapag tumalikod lang ako ng ilang segundo at muling lumingon sa may kusina ay may kung ano ng nasa harapan ko. Nagdasal na lang ako that time habang tumatakbo papuntang pintuan at successful na nakalabas. Pumunta ako sa bahay ng Lola ko at tinanong kung saan pumunta sila Mama at ang sabi ay kakaalis lang daw at hinahanap ako. Dalawa kasing bahay ang pintuan ko that time. At ayun na nga, ng makabalik si Mama at ang kapatid ko sa bahay nila Lola ay nagkita na kami ngunit hindi ko sinabi sa kanila kung anong weird na pakiramdam ang naramdaman ko sa bahay namin. Pagkatapos noon ay wala na akong naramdaman pang kahit ano until one month after my operation.

Umaga iyon mga 10:00 ata ng umaga. Nakahiga ako sa lapag dahil naroon ang kutson ko. Hindi ko kasi naiuunat ang aking katawan kapag sa Sofa o Folding bed ako nakahiga at hindi pa ako nakakaakyat ng hagdan that time at kung tutulungan man ako ng ibang tao para umakyat ay mahihirapan lang din sila. So ayun na nga, ang kasama ko lamang sa bahay ay ang kasambahay namin dahil May pasok sa school ang kapatid ko at May trabaho rin ang mga magulang ko. Nag-fafacebook lang ako that time at nakikipag-chat at kamustahan sa mga kaibigan at kaklase kong hindi nakakadalaw o nakakabisita sa akin. Habang tahimik akong gumagamit ng cellphone ay naglalaba naman ang kasambahay namin sa harap ng front door namin dahil kapag May kailangan ako ay madali ko lamang sa kanyang masasabi dahil hindi ko pa naigalaw ng maayos ang katawan ko that time. Hindi ko kayang gumalaw ng maayos sumigaw, magsalita ng malakas o maglakad ng mag-isa na walang umaalalay kaya kailangan talagang palagi akong May kaharap o kasama para umalalay. So ayun na nga, nakahiga ako sa makapal na kutson ko sa lapag at nakita ko sa gilid ng mga mata ko o sa aking peripheral vision ko na may nakaputing dumaan sa aking uluhan. Sa una ay hindi ko na lamang iyon pinansin dahil sabi ko ay baka si Ate May, not her real name too, lang iyon. Pero makalipas ang sampung minuto ay wala akong marinig na ingay sa likod ko o wala man lang gumagalaw. Hindi na rin muling dumaan si Ate May kaya lumingon ako sa likod ko at nakitang walang tao roon. Kinilabutan ako dahil doon. Hindi ko alam kung guni-guning ko lang ba iyon pero alam ko sa sarili ko na May nakita akong dumaan na nakaputi. Tumahimik na lamang ako at pinabayaan iyon kahit natakot ako ng kaunti. Hindi ko iyon ikweninto sa kahit na sino dahil baka nagkamali lamang ako. After that wala na ulit akong naramdaman.

Then five months later again. Lumala 'yung sakit ko kahit na okay na ako after ng operation ko ay lumala 'yung sakit ko. As in. Sobrang nanghina ako at sobrang bigat ng katawan ko, mula ata hair strands ko masakit hanggang talampakan ko eh. At dahil alam ni Mama na ayaw ko ng magpagamot sa mga faith healer o mga albularyo dahil para ata akong na-trauma. (HAHAHAHAHA May nangyari kasing kababalaghan na naman that time sa faith healer pero next time ko na lang ikekwento 'yun. HAHAHAHAHA) Sekreto akong ipinagamot ni Mama sa Albularyo gamit ang damit ko ata at picture ko. Nagulat na lang ako ng May ipinasuot sa aking panguntra si Mama at nag-eensenso kami every six pm noon for ten days ata iyon? Sa una, nagalit ako dahil bakit niya ako pinagamit sa isa na namang faith healer ng wala akong kaalam-alam. Sabi ni Mama, ang sabi raw ng Faith Healer ay mga kapre raw sa bahay namin, sa may CR. Bigla kong naalala 'yung nakakatakot na naramdaman ko noon mag-isa lang ako sa bahay at nararamdamang may nakatitig sa akin. Feeling ko iyon iyong nakatitig sa akin at nakamasid sa akin that time. Feeling ko iyong kapreng iyon nakatitig sa akin noong gabing mag-isa lamang ako sa bahay at sobrang dilim. Ayaw daw akong pakawalan ng kapreng iyon at palagi akong binabantayan. Hindi ako sure pero parang sinabi ni Mama na pinagkaka-interesan ako ng nilalang na iyon.

Ano sa tingin niyo? Ano sa tingin niyo ang mga nasa bahay namin? Ano sa tingin niyo ang mga kababalaghang nararanasan ko? By the way, naaalala ko noon na itong pinagkakatirikan ng bahay namin ay dating sagingan. At minsan na rin nakakita rito ng Kapre ang Tita ko. Hindi ko alam kung iisa lang bang nilalang ang nakita ng Tita ko at nagpaparamdam sa akin. Ano sa tingin niyo? Please, pag-advice naman though hindi na naman nagpaparamdam dahil sa aking panguntra at matibay na pananalig sa Diyos.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon