Once upon a midnight
Nangyari po ito 6 years ago. 14 palang ako nun. Masyado pang active ang 3rd eye at senses ko sa mga bagay-bagay. But this experience is most unforgetable one.
One night, natutulog na po ako nun sa kwarto ko. I always left my window open dahil summer at mainit kahit may electric fan. Walang pinto ang kwarto ko, kurtina lang, tapos pinto na agad ng bahay. Pero that night itinali ko ang kurtina kaya kitang-kita mula sa higaan ko yung pinto. Mga 2 am yun nang bigla akong magising. Di ko alam kung bakit, di naman ako nawiwi or nauuhaw. Basta bigla akong nagising. At unang nakita ko yung pinto. May nahagip kasi ang mata ko na puting dumaan. Ewan ko kung namalikmata lang ako or what. Di ako natakot pero napaisip ako dahil wala namang daan dun sa way na diniretsuhan ng white something na yun. Hindi ko nalang pinansin at nahiga ako ulit. Nagtalukbong ako ng kumot. Manerism ko lang talaga para makatulog. Pero di pa man tumatagal ng ilang minuto biglang bumigat ang pakiramdam ko. Medyo nahirapan akong huminga. Feeling ko may nakapatong sakin. I closed my eyes. At napaderetso ang higa ko. Hinawakan ko din ng sobrang higpit ang kumot ko. Pero sa gulat ko bigla nalang natanggal ang kumot sa kamay ko at napunta sa paanan ko. Hindi ako kumikilos nun at masyado mahigpit ang kapit ko para matangay ng hangin ng electric fan. Mas kumabog ang dibdib ko. Pero naglakas loob akong idilat ang ang mata ko. At dalawang pares ng matang pulang pula ang sumalubong sakin. Halos maiyak ako at sumigaw pero parang naistatwa ako.
Pumikit ako ulit. Tas biglang kumirot ang dibdib ko na parang may kumalmot or what. Pagdilat ko wala na yung nakita ko. Agad akong tumayo at sinara ang bintana at binaba yung kurtina at pilit akong natulog ulit.
Kinabukasan, di ko sinabi sa parents ko yun. At may nakita din akong sugat sa dibdib ko na parang kalmot. Hanggang ngayon, kita parin yung pilat. At hanggang ngayon di ko alam kung ano yung nakita ko.Kaya sa mga nakatalukbong diyan habang nagbabasa, baka pagtanggal niyo ng kumot makita niyo rin yun.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo