22

113 1 0
                                    

"Kwintas"

this story is from my lola ikinuwento niya sakin ang tungkol sa kanyang naging kaibigan na engkanto.

Sabi ng lola ko nung bata pa siya, may naging kaibigan daw siyang babaeng batang engkanto. Maputi, maganda, at mapupungay daw ang mga mata nito.

Isang araw naglalaro daw si lola sa kanilang bakuran sa probinsya ng may biglang dumating na magandang bata at nakipag kausap sa kanya.

To make the story short hehe, naging magkaibigan sila, sinasamahan pa nga raw yung lola ko sa school nila hanggang sa pag uwi. Nakatira ang engkanto sa puno na malapit sa bahay ng lola ko, at sabi ni lola na sinabi raw sakanya ng engkanto na may uncle rin daw siyang nakatira sa puno na iyon.

Isang araw, inimbitahan daw ng engkanto yung lola ko sa bahay nila at sabi ng lola ko malaki raw yung bahay ng engkanto ng makita niya ito. Para daw itong palasyo at saka mayroon din daw maraming nakahandang pagkain. Ipinakilala ng engkanto ang lola ko sa uncle nito. Sabi ni lola binigyan raw siya ng uncle ng kaibigan niya ng pagkain, masasarap daw yung mga pagkain doon sabi ni lola, pero binulungan siya ng kaibigan niyang engkanto na wag raw kainin ang ibinigay dahil hindi na raw siya makakalabas at hindi ma raw siya makakauwi sa bahay ang lola ko. Kaya natakot ang lola ko at tinanggihan ang ibinigay na pagkain ng uncle ng engkanto.

Kinabukasan, sabi ng engkanto na magkita sila sa araw na yon sa alas 12 ng gabi dahil may importante daw sasabihin ang engkanto sa kanya.

And by the way, alam na pala ng mga magulang ng lola ko na nagkipag kaibigan ang lola ko sa engkanto, pinag bawalan nila ang lola ko na makipagkita sa engkanto pero matigas ang ulo ng lola ko, hindi siya nakinig.

Hindi na natulog si lola, nag antay siyang sumapit ang hating gabi. Nang sumapit na ang alas 12 may kumatok raw sa pintuan ng bahay nila at alam ng mga magulang ng lola ko na ang kumatok ay ang kaibigan na engkanto ni lola, kaya pinagbawalan si lola na lumabas dahil hatinggabi na, nag pumilit si lola pero hindi talaga siya pinayagan kaya umiyak nalang si lola hanggang sa nakatulog.

Pinaginipan raw ni lola ang engkanto sa gabi na iyon at ang sabi raw nito ay

"Nais kong magpakita sa gabi na ito dahil hindi na tayo magkikita kaibigan, aalis na kami sa lugar na ito. Alam kong hindi ka pinayagan ng mga magulang mo na lumabas pero, may iniwan ako para sayo, isang munting regalo, isa itong kwintas. Inilagay ko ang kwintas sa ilalim ng mga platito ninyo sa kusina, sana itoy iyong nakita. Ang kwintas na iyon ay simbolo ng ating pagkakaibigan. Hanggang sa muli!"

Kinabukasan nang magising si lola agad siyang tumungo sa kusina nila sa lalagyan ng mga platito nila at chineck if nandoon ba ang kwintas, laking gulat daw niya na nandoon nga ang kwintas na binigay ng engkanto sa kanya, isa daw itong magandang kwintas.

Mula noon hindi na talaga sila nagkita at nagpakita ang engkanto sa lola ko.

Ewan ko ba if ang kwintas ay na kay lola parin hindi ko na kasi na tanong at hindi na kasi kami nagkikita ni lola dahil nasa syudad kami ngayon.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon