34

118 3 0
                                        

RAPTOURS

unwanted neighbor

Isa po ako sa mga tao na nabuksan ang third eye pero di ko eto ginusto kaya pinagdasal ko na masara at dininig naman ang dasal ko. Di na ako nakakakita ngayon pero nakakaramdam pa rin ako. Alam ko kung mayroon sa paligid o wala. Pero bago pa masara third eye ko, marami rin akong nakita at na experience na di kanais-nais. Kaya sisimulan kong ishare sa inyo ang experiences ko sa abot ng aking memorya.

First encounter ko ang di ko talaga makakalimutan. Bata pa ako nun, kalagitnaan na ng gabi, mag isa ako sa kwarto ng bigla akong nagising at di na makatulog ulit. Bigla kong napansin na may tumagos sa bintana na puting hugis tao, ang ginawa ko nagtulog-tulugan ako. Pero ang sumunod na eksena ay nagpahinto ng aking mundo sa oras na yun. Isa syang white lady, nakatayo lang sya sa taas ko habang ako ay nakahiga, nakangiti. Di ko makita ang mukha nya kasi silhouette sya pero makikita mong mayroon syang mata, ilong, bibig. 3-5 mins syang nakatayo sa taas ko. Gusto kong sumigaw, pero di ako makapagsalita, gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw. Punong-puno na ako ng pawis nun. Hanggang sa umalis sya ng kusa. Di ito ang huling beses na nagpakita sya.

Mula nuon, madalas na po akong nakakita ng kung ano-ano. Madalas ko na rin po nakikita yung white lady. Isang gabi, mga 8pm na ang oras ng naglalaro kami ng kaibigan ko sa labas ng bahay. Nang may nakita ako sa may puno ng avocado na nakalutang na puti. Kaya sumigaw ako at pinapaalis ko ang kaibigan ko kasi malapit kasi sya dun sa avocado. Pero wala naman syang nakita. Tinawag ko ang uncle ko na nasa loob ng bahay pero paglabas namin ulit, wala na ang nakalutang. Naging topic namin yun noong gabing yun at doon ko nalaman na di lang pala ako ang nakakita sa babaeng yun.

Madalas rin daw pumapasok sa mga bahay ng mga kapitbahay namin yung white lady. Yun din daw ang dahilan kung bakit hindi
tumatagal ang mga katulong namin sa bahay. Nalaman ko na dun sya nakatira or tumatambay sa avocado kasi doon ko sya lagi nakikita. Kaya ko pinamagatan ang kwento ko na unwanted neighbor kasi sa labas lang ng gate namin ang avocado. Teenager ako noong pinutol na yung puno ng avocado at mula noon, di na sya nagpakita or nagparamdam.

Pasensya na po di ko na po ikukwento ang iba ko pang karanasan tungkol sa white lady na yun. Paulit-ulit lang kasi, nagpapakita sya tapos nawawala hanggang sa nakasanayan ko na. Hayaan nyo, may mga ikikwento pa akong ibang karanasan ko pero di na tungkol dun. Pero sa ngayon, ikukwento ko muna ang naging karanasan ng isa naming katulong sa white lady na yun. Medyo horror-comedy po ang tema nito para maiba naman.

Isang gabi, maghahating gabi na nun, nang bigla syang nagising kasi sumama ang tiyan nya, alam nyo na, tawag ng kalikasan. Gusto nyang tiisin kasi takot syang bumangon pero di na raw nya matiis kasi talagang di na raw nya mapipigilan. Kaya kahit takot, dali-dali syang bumangon papunta sa CR. Ang CR po kasi ng mga katulong namin eh nasa labas ng bahay pero nasa loob lang po ng gate namin. Kaya paglabas nya, nagulat na lang sya nang nakita nya ang white lady sa dadaanan nya, nakatayo na nakalutang.

Pero tinapangan daw nya ang sarili nya at nagpatuloy sya papuntang CR kasi hirap na hirap na daw talaga sya sa pagpigil. Sinalubong daw sya nito ng nakangiti pero binaliwala na lang nya ang takot at binati pa nga ito ng magandang gabi. Laking pasalamat nya at di sya sinundan sa loob ng CR. Nang matapos na syang maglabas ng hinanakit ng tiyan nya, dun na lamang sya nakaramdam ng matinding takot, namomoblema at nakapag isip-isip kung paano kaya sya lalabas sa CR.

for your information

May nabasa po kasi akong mga comments na nagtatanong kung bakit may kababalaghan madalas sa CR. Gusto ko lang po makapagbigay alam base sa konti kong natuklasan noong nagresearch ako at base na rin sa personal experiences ko. Experts, correct me if I'm wrong. Ang mga elementong yan ay kailangan nila ng lakas para makagawa sila ng isang bagay na makakatawag pansin nating mga mortal (ex. magpakita, tumatawag, humahawak, mananakit, etc.) at ang lakas na yan ay nakukuha nila sa paligid at sa atin tao mismo.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon