PORTAL
Nasa isla kami ng mga kaibigan ko simula pa nung April20 hanggang ngayung April25. Walang signal dto kaya hindi ko matiyak kung meron bang messages ang mga parents ko dahil hindi ako nag paalam na may outing kami ng mga kaibigan ko.
Pumunta muna akong bus stop dahil doon ay may signal. Umupo muna ako doon at pagbukas ko ng selpon ko ay 5:27pm na. Binuksan ko ang data pero nagulat ako kung bakit ni isang messages wala akong matanggap.
Chachat ko na si mama nung may nagsalpukang track at bus. Napatayo nalang ako sa gulat at bigla itong nagliyab kaya napatakbo ako ng mabilis papuntang pulisya para ireport ang nangyari.
Habang tumatakbo ako. Bigla akong nalaglag sa malalim na hukay, pero nakaakyat ako, wala pang isang minuto.
Pagpunta ko sa pulisya ay inireport ko ang nangyari. Agad na pumunta ang mga pulis sa pinangyarihan pero wala silang nakitang track at bus. Wala ding nakakita ng nangyari. Sa isip isip ko parang may mali ngayun. Nung ini revealed yung CCTV, wala silang nakitang aksedente at napalaki ang mata nung walang ako sa CCTV na nakaupo sa bus stop pero nahagip ako ng CCTV na umalis sa malaim na hukay time is 5:29.08pm, pero nung ibackward nila ang kuha ay wala silang nakita kung paano ako napunta doon.
Nagalit sakin ang mga pulis dahil sa ginawa ko pero yung iniisip ko ay paano nawala yung track at bus. Nang may napansin akong kakaiba sa selpon ng policewoman. Date today is April20 instead of April25. Tinanong ko yung policewoman kung bakit advance ang araw sa selpon nya pero natulala ako nung sinabi nyang April20 naman talaga. Tinignan ko ang selpon ko pero April25 ang nakalagay pati sa mga date ng pictures namin magkakaibigan. Ipinakita ko yun pero sinabi nyang edited daw. Tinawagan nila yung parents ko para sunduin na ako.
Pero pag kauwi ko sa bahay pinagalitan nila ako at hindi nila pinaniwalaan ang sinabi ko, kaya lalo akong nagalit sa kanila.
April23 and pumunta kaming province para makabisita sa lola namin para din makaamoy ng sariwahang hangin. April25 nasa bahay pa kami ng lola at sabay sabay kaming nagdidinner, nang may tumawag sa mama ko....
Tinawag si mama para kausapin ako dahil nung April25 daw may nangyaring banggaan ng track at bus nung 5:27pm. Nandoon daw ako sa pinangyarihan. Nakuhaan ako sa CCTV na naka upo sa bus stop and nakita kong ginawa nya rin yung ginawa ko nung nakaraan. Napatayo siya at napatakbo papuntang pulisya pero nalalag ito sa mamalim na hukay. At hindi na muling nakaalis don. Yes, it's me. Pero ibang ako. Tinignan ko ulit yung time sa CCTV na nahulog ako, time is 5:28.23pm. 45secs ang pagitan ng nahulog ako at pagakyat ko. Nalinawan na ako...
Nung april25 ay kasama ko ang mga kaibigan ko at kaya ako walang natatanggap na message ay kasama nila ako galing sa ibang araw. nung araw narin yon ay naganap ang aksedente at nahulog ako nung April25 at bumangon ako ng April20. Kaya nung nagsumbong ako sa police ay hindi pa nagaganap ang aksedente.
Now. Naniniwala na ang parents ko sa kinuweto dahil narin sa mga kaibigan ko na ipinakita ang picture namin nung april20-25 pero kasama ko ang magulang ko nung araw na yun. Yes, magulang ko parin sila at anak nila ako from 5days earlier
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo
