Oh ano ba yung problema mo ha?! Naiinis na tanong ni papa. Ang sarap2 ng tulog ko dito, eh iniistorbo mo. Ano ba kailangan mo? Dagdag ulit ni papa. Hoy wag ka ngang umarte dyan! Anong masarap ang tulog?! Eh wala pa nga sgro dalawang minuto nung makita ka dyan ng anak mo na natutulog, eh bago lg kita nakita at kinausap non! Mangiyak ngiyak na sabi ni mama. Ano ba pinagsasabi mo ha?! Anong nakita? Anong kinausap mko? Eh kanina pako natutulog dito, kita mo yung mata ko? Namumula pa kasi sobrang antok ako. Tatlong oras na yata ako nakatulog dito, punyeta naputol pa kasi ginising mko -sabi ni papa. Kaya habang sinasbi yung ni papa hindi kami makapaniwala, bakas kasi s mga mukha ni papa yung pagkairita nang ginising namin sya at kitang kita talaga sa itsura nya na bagong gising talaga yung mga butas nga na design ng folding bed nag marka pa nga sa mga braso ni papa nahalata na matagal ngang nakahiga don. Hindi talaga ako makapaniwala kasi rinig na rinig kopa kung pano kinausap ni mama si papa pero wala akong narinig na sagot mula kay papa non. Pero halata na sa boses ni mama yung kaba that time. Kaya nung tinawag ako ni mama nacurious talaga ako kasi ang himbing agad ng tulog ni papa e wala pang sgro dalawang minuto nung kinausap sya ni mama at tinawag ako. Kaya sobra kaming natakot ni mama, ni hindi nga si mama makapaniwala na hindi pala iyon si papa ang naka usap nya. Kaya pala kakaiba yung kinilos nun kay mama. Nginitaan daw sya ito ng kakaiba yung parang abot daw tenga yung ngisi nya tapos titig2 talaga ito sakanya, na sobrang matatakot ka sa titig nya. Hindi nga daw maaninag ni mama yung ilong ni papa at mata nya kasi medyo malabo. Kaya hanggan ngayon di parin kami makapaniwala sa nangyari. Now graduate nako ng Senior High but still it was unforgettable happening in our lives, especially kay mama.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo