23

85 1 0
                                    

VAMPIRE IN A CITY

Hi Admods, May nakilala akong bagong kaibigan na pinagkwentuhan ko ng storya ko. Ang sabi niya ay dito ko daw ikwento. Sana ma post ito. First of all, I just want to post this story para may mapaglabasan ako ng nararamdaman ko at malaman ang opinion niyo ukol sa usaping ito. Ang account na ito ay binigay lang ni Gwen na siya ring nagtulak sakin na magpost dito. Nagtitiwala ako sainyo sana huwag niyong ilabas ang pangalan ko.

Nag-aaral ako sa isang sikat na unibersidad sa Maynila. Sa sobrang daming estudyante dito ay ni-isa ay walang makakapansin saakin. Isa akong part-time worker sa umaga at estudyante naman sa gabi kaya naman ay gabi na ako nakakauwi. Tuwing pumapasok ako sa trabaho ay lagi kong napapansin ang isang lalaki na laging patingin-tingin saakin. Madalas ay ako rin ang pinipili niyang pag-order-an ng maiinom at minsan naman ay makakain. Noong una akala ko isang tipikal lang siyang lalaki na minamanyak na ako sa isip. Ngunit nag-iba ang pananaw ko sakanya matapos mangyari ang isang aksidente.

Year 2018, nakaraang taon. Habang naglalakad ako papasok sa School ay madalas akong mag-soundtrip. Magsasalpak ng headset at magpapatugtog ng malakas habang nagheheadbang. Hanggang sa hindi ko napansin na papatawid na pala ako sa pedestrian lane. Tandang tanda ko pa ang tunog ng pagbusina ng isang sasakyan non ngunit dahil sa gulat ay hindi ako nakagalaw. Naestatwa ako habang nakatingin sa papalapit na kotse. Hanggang sa isang iglap ay nasa harap na ako ng gate ng school namin. Hindi ko alam kung paanong nangyari yon pero iisang tao lang ang nakita ko non at yun nga ang lalaking palaging nasa restau na pinagtratrabahuhan ko.

After non, Doon ko siya kinompronta at tinanong kung bakit niya ako palaging sinusundan. Wala siyang isang diretsang sagot ngunit iniwanan niya ako ng salitang "I really hate humans" (hindi ganyan ang exact word na sinabi niya. Ganyan lang ang pagkakadeliver niya ng words at impact saakin. Hindi ko na kasi matandaan ang exact)

Pagkatapos ng aksidenteng yon ay di siya nagpakita sa akin ng ilang linggo. Balik na naman sa normal na routine ng buhay ko ang ginagawa ko. Aral, trabaho, school at restau.

November 2018, Habang nasa trabaho ako, nakita ko na naman yung lalaki. May sipsip siyang isang plastic na dugo pala ang laman (actually noong nakaraan ko lang nalaman to kasi tinanong ko sakanya)

Hanggang sa matapos ang buong taon, ganoon padin ang nangyayari saamin. Madalas siyang nasa Restau at ang palaging inoorder niya ay Nachos at Red Tea, minsan naman ay Frappe. Nasanay na akong palagi siyang nakatingin saakin tapos minsan nararamdaman ko na sinusundan niya ko.

Ngayong Year, 2019. January, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na magtanong sakanya. Hindi naman kasi ako yung tipo ng babae na maharot at madaldal tulad ni Gwen. Siya lang ang nagiisa kong kaibigan kaya hindi ko alam kung paano makisalamuha sa tao.

Birthday ng may-ari ng Restau kaya nakasara ang Restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Nandito lang kami para makikain sa ihahanda ni Madam Cora. Alam kong hindi yon alam ng lalaki kaya inantay ko siya sa may labas ng restau na may upuan na madalas niyang upuan. Hindi nga ako nagkamali kaya kinausap ko siya.

Ang una kong tinanong sakanya ay kung bakit niya ako sinusundan. Natawa lang siya non at ang sabi niya sakin ay "Wala ka na bang ibang tanong bukod pa diyan?" Kaya naman tinanong ko kung sino siya at kung ano siya. Hindi ko alam sa sarili ko pero may bumabagabag sakin tuwing nakikita ko siya. Mas mabuti ng itanong ko kung ano siya.

Ang sagot niya saakin ay isa siya 'kunong' bampira. Hindi ko alam kung matatawa ako kasi alam ko o ano. I'm not into Fantasy, Vampires, Werewolves story. At alam kong hindi sila nag-eexist.

Ito nalang muna dahil masyado nang mahaba. Gusto ko lang itanong sainyo kung ano ang masasabi niyo tungkol sakanya. Sa next part magbibigay ako ng mga ginagawa niya at mga katangian niya na hindi ko maipaliwanag.

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon