"Pamahiin"
Isa po akong Psychology graduate kaya hindi ako nagpapaniwala sa pamahiin. Sabi ng nanay ko, yung iba daw na pamahiin ay totoo kaya wala daw masama kung maniniwala ako. So eto na nga.
Summer na kasi kaya nagdecide ako sa sala namin muna matulog kasi makapal ang pader sa kwarto ko kaya napakainit.
Sabi ng nanay ko "Wag kang humiga na katapat ng ulo mo ang pintuan at masama iyon" nagtaka naman ako kung bakit pero nung tinanong ko sya kung bakit ay basta masama daw. Pinagsawalang bahala ko na lang kasi wala naman sya maexplain kung bakit masama yun.Nakalimutan ko na yung sinabi ng nanay about dun until ika 3rd na pagtulog ko dun ay nananaginip ako ng masama palagi. Same lang yung itsura ko sa panaginip, nakahig din. Nakakita po ako ng madre na nakaputi din pero sinasaktan na po ako, inuumpog nya yung ulo ko sa sahig hanggang sa magdugo, paggising ko ay halos di ako makahinga. Ilang araw pa ang lumipas ay palaging ganoon ang aking nakikita, until last night si kamatayan na po ang nakita ko. Nakahiga pa din po ako sa panaginip tapos pilit nya pong inaabot ng kalawit nya yung ulo ko.
Iniisip ko po na sleep paralysis yun pero bakit po paulit ulit?

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo