"My sister-in-law's sister"
Binyag ng pamangkin ko nun, syempre kainan sa bahay. Ininvite yung side ng family ni ate jane na syang asawa ni kuya. Dun ko nakilala si Aya, kapatid ni ate jane. Weird nya. Wala kang mababasang emosyon sa mukha nya, pati ngiti halatang pilit. Nag usap usap lang sila tas ako nasa isang sulok lang, napansin ko lang na panay lingon lingon si Aya tas parang inis na inis. Hanggang sa nagsiuwian na mga bisita, umuwi na din pamilya ni ate jane maliban kay Aya. Tatlo nalang kami nun, ako' si ate jane at si Aya. Natulog na kasi nun mga tao sa bahay tas si kuya nalasing kaya tulog din. Yung baby nila nasa kwarto na. Bale tatlo nalang talaga kami. Nagcecellphone ako nun tas sila nag uusap lang na naririnig ko naman.
"Sandali lang aya, kuha lang ako ng kape." rinig ko yung kalabog ng paa ni ate jane papuntang kusina. Bigla namang tumabi sa kin si Aya, ngumiti sya yung pilit. Tas tiningnan nya yung gilid ko. Naa-awkward talaga ko nun kasi hindi ko naman siya kaclose.
"Mga kaibigan mo?" napatigil ako nun tas tumingin sa tinitingnan nya. Wala ng ibang Tao maliban saming dalawa dahil nasa kusina si ate jane.
"Ha? Sino?"
"Yang mga katabi mo."
Kinilabutan ako nun, kasi wala kang mababasang emosyon sa mukha nya. Halatang seryoso. Bigla syang napatango.
"Ah, akala ko bisita mo. Mga bwesita pala." pagkatapos nyang sabihin yun may kinuha syang libro sa bag nya, Hindi ko alam kung anong klasing libro ba yun pero maliit lang sya. May binanggit sya, hindi ko masasabing Latin dahil hindi naman ako marunong maglatin. Basta hindi ko sya maintindihan. Pagkatapos nyang gawin yun, nginitian nya lang ako tas umupo ulit. Naging ganun lang set up namin hanggang sa biglang napatayo si Aya. Bigla silang nagtakbuhan papuntang kwarto e ako tung walang alam edi nakitakbo din ako. Pag tingin ko dun may parang tao na hati sa may bintana. Tas yung baby umiiyak. Kinuha ko yung bata dahil na rin sa utos ni ate jane. Ampangit ng manananggal pre. Sobra. Natatakot talaga ko nun dahil first time kung makakita ng manananggal. Nakatulala lang ako nun habang pinapanood si aya na magsalita. Gamit nya ulit libro nya. Nawala yung manananggal. Nagsara na kami ng bahay nun tapos dun na rin pinatulog si Aya. Ang pinagtataka ko lang bat nya nalamang may manananggal? Walang iyak kaming narinig. Nalilito din ako nun about sa libro nya. May nangyare pang kasunod nun.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo
