Kwatro Kantos
Araw ng biyernes, mga bandang alas kwatro ng hapon, niyaya ako nila Chad at Piyok na pumunta ng bayan. Pupungas pungas pa ko't di pa ko tuluyang nakakatayo sa higaan ng narinig kong iniistart na ni Piyok yung motor nya. Bungad kasi ung kwarto namin ng kapatid ko at kahoy lang bahay namin kaya rinig lahat sa labas.
"Gud apternun sleeping byuti" si Chad.
"Tara na mga 'tol, andun na si Melbin." pagmamadali ni Piyok.
"Ano bang gagawin natin dun, di pa ko nakakasaing, parating na mudra ko, bubungangaan nanaman ako nun pag naabutang wala pang sinaing" pagrereklamo ko habang palabas ako ng kwarto.
"Si cutie boy nalang muna pagsaingin mo, kailangan na natin makaalis, alam mo namang kailangan tayo ni Melbin." si Chad.
Paglabas ko ng kwarto, sinalubong agad ako ng matalas na tingin ng kapatid ko na nakaupo malapit sa lamesa.
"San ka nanaman pupunta, lagot ka talaga kay mama." pagbabanta ng kapatid ko.
"Sa bayan lang Jetjet, kaw muna bahala ha, papasalubungan nalang kita pramis." sagot ko.
Matapos namin makumbinsi si Jetjet, sumakay na kaming tatlo sa motor. Si Piyok nagmamaneho, ako tas si Chad sa dulo. Malapit na kami sa kwatro kantos ng napansin naming may mga pulis at kumpulan ng tao.
"Yok, mukhang may naaksidente, sa kabila na tayo dumaan saka para di din tayo sitahin ng mga parok." saad ko.
Di na nagsalita si Piyok, niliko na nya motor at nag ibang daan na kami. Mag aalasingko na din ng makarating kaming bayan, nakabusangot na pagmumukha ni Melbin sumalubong samin.
"Pakshet tagal nyo kanina pa ko dito." si Melbin.
"May naaksidente sa may kwatro kantos bin eh, nag iba pa kami daan." si Chad.Medyo nagulat ung reaksyon ni Melbin nun. Pero di na sya nagsalita. Deretso agad kami sa may pwesto ng nanay ni Piyok, may tindahan kasi sila sa bayan ng mga bag, damit at kung anek anek pa. Nakaupo kami sa may harap ng tindahan nila ng Inabutan kami ni Piyok ng softdrink tas biskwit.
"Di ko na alam gagawin kay tatay, lagi nalang lasing tas inaaway si nanay pagkakauwi. Ni hindi na nga nag aabot kay nanay ng panghapunan namin eh. Kaya mas gusto ko talaga wala sa bahay para iwas gulo." Si Melbin.
"Alam mo brader dapat palayasin nyo na tatay nyo haha jowk." biro ni Chad.
"Pero seryoso, pano kung umabot na sa puntong saktan na nya nanay nyo at pati kayo ng mga kapatid mo?" dugtong na tanong ni Chad.
Di agad sumagot si Melbin pero kita sa mata nya ung takot at lungkot.
"Di yun magagawa ni tatay. Kahit na nagbago na sya alam kong mahal nya parin kami." si Melbin.
Mag aalasais pasado na ng may nareceive na text si Melbin. Di ko makakalimutan ung reaksyon nya nung nabasa nya text mula sa nanay nya. Eto eksatong pagkakatext sa kanya:
"Bin anak, punta ka dito ospital naaksidente c tatay sa motor."Halos nanginginig boses nya nung sabihin nya saming kailangan nyang pumunta ng ospital.
"Si t-tatay n-naakasidente sa m-motor, kaila-ngan ko p-pumunta ng ospital, inaantay a-ako nila nanay."
Napa "Waht?!" kaming tatlo nila Piyok, pero di na kami nag aksaya ng oras. Inangkas na ni Piyok si Melbin paospital at sumunod nalang kami ni Chad. Pagdating ng ospital, nabalitaan namin sa nanay ni Melbin na di na kinaya ng tatay nya, kritikal pala ang lagay at mga ilang minuto lang matapos masugod sa ospital eh binawian na din ng buhay. Puro iyak nalang ginawa nilang mag iina nung gabing yun. Kase kahit pa sabihing lasenggo at lakwatsero tatay ni Melbin, mahal na mahal parin nila tatay nila.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo