A True story.
(Basahin ng maigi before you criticize mejo iba ang way ko sa pagkukuwento baka yung iba hindi maintindihan and there will be religion na maiinvolve kaya sana no bashing)
"Astral Projection"
Year 2011 when I first watched Insidious, yung mga panahong uso at mayroon pang PHP 25.00 na rate sa sinehan. Sakto napanood ko yung movie na yun noong High School days ko with that rate sa SM. With that movie nagkaroon ako ng curiousity about astral projection when I'm still teenager before... And before naman hindi ako naniniwala sa mga ganyan ganyan na related sa mga ritual practices or mga occult practices. Then one day, I don't know kung dito ko sa page nabasa yung about how to astral project in a easiest way without any ritual na gagawin pa. Dahil mahaba ang proseso ng astral projection kung hindi inborn ang astral projection sayo. Kaya lang minsan nagiging inborn sya baka kasi nasa pamilya niyo yung mga gumagawa ng ganyang klase ng ritual or yung ninuno niyo ehh merong occult practices na ginagawa kaya napapasa sya sa bloodline niyo. Yung easiest way na ginawa ko na nabasa ko is you need to listen sa music ( Sa mga di nakakaalam I wont mention it kung anong tawag sa music na yun kasi it will be risky and curiousity can kill you ) para makapag astral project ka raw. Way back 2017 because curiousity hit me so hard nag lakas loob ako na gawin yun pero walang nangyayaring astral projection pero unti unti as day goes by kakasubok ko mag astral projection nakakaramdam na ako ng vibration while nakikinig ako ng music na yun. Habang nakapikit yung mata ko sa madilim na kwarto, nakarelax at nakafocus ako sa music; pabilis ng pabilis yung vibration na nararamdaman ko sa aking buong katawan until hindi ko nakayanan yung vibration dahil nararamdaman ko na rin may humahatak sa kaluluwa ko palabas. Hindi ako makahinga noong hindi ko na perfect ang astral projection. Tinigil ko sya for a week and tell this story sa mga kasama ko sa ministry sa religious community na kinakabilangan ko. While nasa bahay kami ng ministry head namin pinatry ko itong practice na ito sa isang friend ko na alam tong proseso na ito, which is before pa lang alam niya na itong practice na to dahil itinuro ito sa kanila ng Teacher nila. Sabi niya kaya niya iperfect yung process so noong naperfect niya ang proseso. Nakikita niya kami na nakapause kaming lahat and everything is gray sa surroundings niya but suddenly he saw 3 other people na hindi namin nakikita that's why he immediately go back sa katawan niya at naghahabol siya ng hininga after doing it, he tell us what he saw or what happened; sabi ng former ministry head ko meron talagang nakatira sa kanila and because of that pinursue ko mag astral project ulit. Dahil sa curiousity na gusto ko maexperience at makita ang other dimension pinilit ko pa rin.
18th bday ng co-actor ko sa theatre I decided to do it again sa private pool na nirent nila sa bacoor cavite. Linggo ng madaling araw noong ginawa ko yun sa kwarto na nirent nila. Same thing na nangyari sa akin before hindi ko sya maperfect pinilit at pinilit ko hanggang hindi na nakayanan ng katawan ko ang sobrang lakas na vibration na naidulot nito sa akin. Nagulat ang mga kasama ko sa kwarto dahil hindi ako makahinga at hindi matigil ang panginginig ng katawan ko. Nilabas nila ako at pinakalma nila ako hanggang sa nakainom na ako ng tubig. Pinakwento nila yung nangyari and I tell them the truth not knowingly na they are Born Again Christians pinagalitan nila ako dahil kasalanan raw sa Diyos ang ginawa ko which is true at maaari akong hindi makabalik sa katawan ko which can lead to death.
After that dumiretso ako sa Church namin sa Sm Southmall and that time wala pa akong tulog and buti quarter to 6am ako nakarating sa sm southmall wala pang nag aayos sa cinema 3 dumiretso muna ako sa cinema 2 para matulog dahil kasama yun sa nirerentahan ng Church namin as time goes by nakakarinig ako ng maraming yapak sa cinema nagising ako pero walang tao dahil sobrang aga pa at wala pang mga servants sa Church namin hindi ko alam kung bakit bigla ako nag karoon ng senses na makaramdam ng bad spirit after ng ginawa ko.
Pero...
One thing I know may nabuksan akong pinto from the other side na hindi ko na sarado
After that happening maraming nangyari sa aking kababalaghan........

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo