ANOTHER BIRINGAN STORY
itong ikukwento ko ay hango sa kwento ng lolo ng papa ko. nangyari to hindi sa Samar kundi sa Camiguin. kaway kaway sa mga taga Camiguin. si papa ko pinanganak sa Basilan pero ang kanunu-nunuan nya ay galing pa ng Camiguin. Sabi ng papa ko madalas daw mag kwento ang tatay nya tungkol sa tatay nya. magulo ba? bale itong ikukwento ko ay kwento ng lolo ko. (sorry sa long intro). Si lolo Rado na taga Mambajao, Camiguin (di nya tunay na pangalan) daw ay may mga kaibigan na di gaya natin. paminsan-minsan daw ay sinusundo sya nito at pinapasyal sa lugar nila. bata pa lamang nung mga panahon na yon ang tatay ng papa ko. tuwing narininig nila na may sasakyan na pumaparada sa tapat ng bahay nila, alam nila na sinusundo na naman daw ng mga nilalang na to si lolo Rado. bale yung tunog lang ng sasakyan ang narininig nila pero wala naman silang nakikitang sasakyan at nangyayari yun tuwing ang lahat ng tao sa bahay ay nasa ikalawang palapag ng bahay. tuwing bababa sila, wala na doon si lolo Rado. parang nakagawian na daw nila yun. pag nakabalik na si lolo Rado, ikinukwento ni lolo Rado sa kanyang pamilya ang nangyari sa kangyang pag alis. ayon kay lolo Rado, malapalasyo daw ang lugar ng mga kaibigan nya. pag pupunta ka daw doon, maglalakad ka daw sa path na tila parang ginto. anng liwanag daw ng lugar, matataas ang mga gusali at magaganda ang mga bahay. tuwing tinatanong sy ng kanyang pamilya kung saan itong lugar na ito, ang lago lamang niyang sinasagot ay "doooooooon sa malaaaaayong malaaaaayooong lugar". tuwing pupunta daw sya doon ay hinihainan sya ng prutas na itim ang buto pero tinatanggihan nya ang bawat alok nilang pagkain. ang itsura daw ng mga taga doon ay meztisahin, matatangos ang ilong at matatangkad daw sila ngunit ang isang napansin daw ni lolo Rado ay wala silang canal sa may taas labi (nakalimutan ko ang tawag doon).
Isang araw, niregaluhan nila si lolo Rado ng kakaibang mortar and pestle. kakaiba ito dahil gawa ito sa bakal. napakabigat daw nun. ang sabi ng mga kaibigan nya ay makakatulong ito sa kanyang gawain bilang pagsasaka ang ikinabubuhay nila nung panahaon na yon. tuwing ginagamit na iyon ang gumagaan ang bagay na yon at mas napapadali ang kanyang trabaho, madali syang nakakapag ano ng mga binhi ng palay (sorry mahina ako sa agriculture, basta yun na yun). nagugulat nga raw ang ibang mga tao at mga kapitbahay dahil napakabilis ng lolo Rado ko. marami pang ikinuwento ang papa ko. di ko na maalala lahat. Pero isang gabi sabi daw ng lolo Rado ko sa mag anak nya "umakyat muna kayo sa taas", umakyat din naman sila, kasama na dun ang tatay ng papa ko. maya-maya pa ay nakarinig sila ng pagtatalo sa baba. "hindi na ako sasama sa inyo, ayaw ko ng pumunta sa lugar nyo!" ito daw yung mga kataga na narinig nila mula kay lolo Rado bago ang malakas na kalabog sa baba ng bahay kaya dali-dali silang mag anak na bumaba at doon nila nakita ang nakahandusay na katawan ni lolo Rado at wala ng malay.
Hinala nila kinuha ng mga yon ang kaluluwa ni lolo Rado at isinama na sa kanilang lugar.
yun po ang kwento ng lolo Rado ko na ikinwento saakin ng papa ko noong nasa elementary pa lang ako (29 yo na ako admin). wala pang Spookify noon malamang kaya nung nabasa ko ang mga kwento dito tungkol sa Biringan e sabi ko parang pamilyar. imposible naman na gawa-gawa lang ito ng papa ko kase pinatotohanan to ng mga tita ko dahil madalas daw itong ikwento ng kanilang tatay. nagtataka lang ako admin, kung hindi totoo ang kwento ng Biringan at hindi din totoo ang kwento ng lolo ko, bakit nagkakatugma-tugma ang mga description nila sa kwento?. katunayan nito nung misa ng libing ng lolo ko (tatay ni papa) may tatlong babae daw sa simbahan na di daw namin kamag-anak, wala din daw canal sa mau upper lip, di daw umiimik sa simbahan tapos nawala lang din. kayo na ang bahalang humusga dahil maging ako man ay nahihiwagagaan din. sabi din ng papa ko, ikinwento daw sa kanya ng tatay nya kung paano sila naka-survive nung pumutok ang Mt. Hibok-Hibok sa Mambajao, Camiguin. noong mga panahon na yon, may dalawa or tatlong anak na ang lolo ko (tatay ni papa). nakita nila kung paaano nalinlang at namatay ang mga nalunod sa lava ang ibang mga taga doon. habang nagtatakbuhan na ang mga tao, papunta sila sa isang dako kung saan sa unang tingin nila ay tuyo at safe na lugar pero nung nakarating sila ay nagulat sila dahil natabunan pala ng lava ang lugar na yon kaya maraming namatay. ang pamilya ng lolo ko ay nakaligtas at nag evacuate sila sa Basilan, doon ipinanganak si papa.
salamat kung ibabahagi nyo itong kwento ko.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo
