LASING (SPG)
Unang-una sa lahat, hindi ako nag send dito para magpasikat, may hinahanap lang ako na gusto kong mahanap, wag nyo sana ako husgahan o kahit sinong tauhan ang mababasa nyo sa kwento. Salamat
Nakatira ako sa isang probinsya dito sa Mindanao. 19 yrs old na din po ako at kaka tapos ko lang ng Senior High. Nagsimula ito noong November 11, 2018 nang magka yayaan na kaming apat na mag kaka barkada, Ako , si Mike, Ian at Chris na mag inuman sa bahay nila Mike. Nag iisang anak lang si Mike at ang mga magulang nya ay nasa abroad, sa Singapore. Kaya ang naiwan sa bahay ay si Mike at ang lola nya. Maliban sa alak, meron din kaming pulutan, alam nyo na suguro yon. 4 din sila, si Yvonne, Hazel, Maya, at si Vanessa na ang kaibigan ko na si Mike ang nag yaya sa kanila dahil kakilala ni Mike si Hazel at Maya. Excited na yung mga ugok kung tropa dahil sa magkaka yarian na naman daw sabi nila. Alas 9 na ng gabi nang sinimulan na namin ang inuman sa balcony ng bahay nila Mike, tahimik lang ako habang nag c'cp at panay ang pakikipag usap ni Ian kay Yvonne, si Yvonne ay maganda, medyo chubby na sexy, matangos ang ilong at medyo matangkad, kaya naman panay pakikipag usap ni Ian. Si Maya, Hazel at Vanessa naman ay lahat din sila magaganda at sexy at katamtaman ang tangkad. Habang nag iinuman at nag k'kwentuhan kami. Napansin ko panay titig saken si Vanessa kunwari di ko napansin at pasulyap-sulyap lang ako haha, Imagine nyo habang iniinun yung beer naka titig saken na nakaka panindig-balahibo, takte. Pano ba naman kase kakaiba ang tingin ni Vanessa. Kapansin pansin yung curve ng katawan, katamtaman ang laki sa hinaharap, maputi at may mapang akit na mukha kapag nakatitig. Lumipas ang ilang minuto naisipan kong kumuha ng ice sa ref dahil naubusan na at sumunod agad si Chris sa kusina sabay bulong sakin na " Yari saken si Maya bro laki ng dyoga hahaha" tapos pumunta sa CR. Habang tinatadtad ko ng kutsilyo yung ice naalala ko na may hilaw na mangga pala sa ref sila Mike binuksan ko uli yung ref sabay sigaw ko na "Bro kainin nalang natin yung mangga nyo dito sayang naman ikaw lang kakain". Sabi nya "Oh sige balatan mo na". Nilagay ko ang ice sa circle table kung san kami nag iinuman at bumalik sa kusina kung san babalatan ko na ang mangga. Habang nag babalat ako ng mangga napabulong ako na "Heh ! Yari karin sakin Vanessa, panay titig mo saken habang nag iinuman tayo, para kang nangangain". Ng biglang may sumagot sakin na mapang akit na boses na "Ganun ba? Napansin mo pala..." . Sa gulat ko nasugatan ko ang hintuturo ko sa kaliwa, di naman gaanong kalaki at hindi rin mashadong masakit dahil sa medyo tipsy na rin ako, tumindig lahat ng walang paa sa katawan ko ng biglang lumapit sa likod ko at naramdaman ko ang kamay ni Vanessa na unti-unting umaangat ang dalawa nyang kamay sa dibdib ko na para bang nangigigil at naramdaman ko ang mga kuko nya at ang mainit na hininga na dumadaloy sa batok ko. Humarap sya at tinanong nya saken kung malaki ba ang sugat sa kamay ko at sinabi ko na hindi naman gaano, mas nakakapanindig balahibo pa nung bigla nya hinawakan ang kamay kung san may sugat at dinilaan nya ang dugo sabay pasok sa bibig nya. Sabi nya " Hmmmm.., matagal tagal na rin..." . Bigla akong nalito sa sinabi nya at nang tinanong ko sya na "Anong ibig mong sabihin?" Sabi nya "Wala, Ganito kase lasa ng dugo ng jowa ko nuon, nung masugatan din sya sa kamay gaya mo...". Di ako makapag salita dahil ba sa mapang akit nyang tingin, oh dahil sa kamay nya na unti-unting hinihimas katawan ko pababa. Maya-maya pa ay tinawag ni Hazel si Vanessa. " Vanyy halikana dito inumin mo na to! " . At bigla nyang tinigilan ang ginagawa nya sabay sabing "Okay bessy papunta na ako" , nakatitig parin sya nang ilang segundo habang humahakbang sya papalayo at sinabing "Tumabi ka saken pagkatapos mo" ng napang akit na boses . TBH lang talaga binilisan ko ang pag babalat ng mangga sabay sabing "Jusko pooo T*nginaaaa ! First time ko na inaakit ako, buti nalang my experience na ako sa mga bagay bagay na to ! Kung hindi napa j*kol na ako !". Natatawa ako pag nag t'throwback yung sa isipan ko haha. Nang matapos ako ay dali-dali akong pumunta agad sa jam ng inuman, uminom ng beer at tumabi kay Vanessa. Dun na, partner by partner na. Katabi ko si Vanessa, si Chris katabi ni Maya, si Ian naman kay Yvonne, at si Mike naman katabi si Hazel. Alas 11 mag hahating gabie na, lahat naka inom, lahat ay lasing na maliban kay Vanessa. Napansin ko kase chill lang sya at hindi sabog kagaya nila. Naka harap ako sa kanya at yung mga binti nya naka hang lang sa kanang hita ko malapit sa alam nyo na haha. Medyo tense na tense ako dahil sa mapang akit nyang titig, kakaiba ang turing nya sakin habang nag uusap kami at di ko maalis sa isipan ko yung ginawa nya nung nandun kami sa kusina. Habang nag uusap at nag tatawanan kami ni Vanessa napansin namin na tahimik na ang paligid, pag lingon ko sa mga tropa ko ayun, nag halikan na yung mga takte ang lalandi haha. Habang naka tingin ako sa kanila biglang may naramdaman na naman akong kilabot, hinay hinay akong humarap kay Vanessa, hinalikan nya agad ako, halik na para bang naghihingalos at na may pa ungol pa. Napa dilat ako nang bigla nyang kagatin ang labi ko at nag durugo, medyo mahapdi at nalalasahan ko na ang dugo ko pero panay parin ang halik nya sakin na para bang uhaw na uhaw. Bigla ko syang tinulak at bakas sa mga labi nya ang dugo ko na para bang kumain sya ng lamang loob ng tao. "Bakit? Anong problema.." mahinhin nyang tanong habang naka ngiti saken na para bang kakilakilabot. Medyo nagtataka na ako sa kinikilos nya dahil nilalasap nya pa ang mga dugo sa gilid ng labi nya. "Hinay-hinay lang baby sobrang wild mo" sagot ko sa kanya. " Ganun ba? So sorry" sagot nya sabay ngiting nakakapang akit. Alas 12 na ng hating gabi, Di pa naubos ang alak gusto na umuwi ni Ian, syempre kasama na si Yvonne na panay ang yakap kay Ian. Si Chris naman dun sa bahay nila Mike matutulog kasama si Maya at Hazel. Ako? Gustuhin ko man umuwi di ko magawa dahil sa alam na alam ko na kapag lagpas alas 10 na ng gabi panigurado naka lock na yung gate. "Bro ikaw? San ka ba matutulog? Naunahan kana ni Chris sa kwarto ko dun ako matutulog sa kwarto nila mama at papa, dito ka nalang sa sala" Sabi ni Mike. "Wag na bro, dun nalang ako sa tambayan natin dun sa bunggalo house malapit sa dagat wala namang tao dun may higaan pa". Sagot ko kay Mike. "Oo nga no.. teka kukunin ko lang yung susi sa kwarto". Yung bunggalo house kase may kwarto at higaan dun na pag mamay-ari nila ni Mike noon malapit sa dagat. Dun kami minsan nag iinuman at natutulog. Madilim ang daanan doon, maginaw at tanging alon lang ang maririnig mo. Habang nag lalakad kami ni Vanessa papuntang dagat panay ang hawak nya sa mga balikat ko na dinidikit nya mashado sa harap nya, tipong feel na feel ko talaga gaano kalambot haha. Parang boyfriend na ang turing nya saken, may pa baby at babe pang nalalaman. Sobrang tense na talaga ko pakiramdam ko di ako tatagal neto haha. Nang makapasok na kami, agad pumunta sa kwarto at binuksan ang bintana kung san nag aagawan na kami ng halik. Madilim ang kwarto at tanging ilaw ng buwan ang nag bibigay liwanag. Nag mamadaling mag hubad ang isat'isa. Nararamdaman ko na ang mga kuko ni Vanessa sa likod ko sa twing hinihimas ko ang mga parte ng kanyang katawan at hinahalikan ang leeg nya. Ramdam ko ang bawat pangingirot nya sa likod ko pero binalewala ko dahil sa init na nararamdaman ko. Bigla nya akong itinulak sa higaan, sa sobrang lakas nya umiikot ang paningin ko dahil na rin sa lasing na ako. Nag iba ang pakiramdam ko nang bigla syang tumatawa na parang kakaiba habang gumagapang sya at ang mga kuko nya rin na para bang gagamba na gumagapang sa binti ko. Kinikilabutan na ako sa mga kinikilos nya at sobrang bilis ng kabog sa dibdib ko. "Wag ka ngang tumawa ng parang timang, nakakatakot kana ehh". Anya ko kay Vanessa. "Diba ito ang gusto nyo, yung matikman ako..." Sagot ni Vanessa sakin. "Nakakatakot kana eh" Sagot ko rin kay Vanessa. Sa isang iglap lang ay bumulaga ang mukha ni Vanessa sa mukha ko ng malapitan habang naka tutok ang isang maliit kutsilyo nya sa leeg ko na naka ngiti. Ang kaaya-aya at maganda nyang mukha napalitan nang galit na para bang nagangain ng tao. Napapansin ko na unti-unting tumutulis ang mga ngipin nya at dinilaan ang mukha ko habang nakapatong sakin. "Bakit di ka makapag salita? Natatakot kana ba?" Tanong ni Vanessa sakin. "Wwwag Vanyy, wala naman akong ginagawang masama". Sagot ko kay Vanessa habang nanginginig na sa takot. " Ganun naman talaga kayong mga lalake eh,magaling mag makaawa, magaling manloko, at magaling lang sa una.
Katawan lang ang habol sa babae, pagkatapos gamitin, lokohin, pagsamantalahan ang kahinaan at karupukan naming mga babae. Ang galing nyo.. talagang magaling." Anya naman ni Vanessa sakin habang naka ngiti at mukhang nangigigil. "Ano bang ginawa ko, ano bang nangyayari sayo Vanyy, please wag, may mga kapatid at pamilya pa ako, may pangarap pa ako sa buhay ! Pag usapan natin to Vanyy". Titig na titig ang mga mata nya sakin habang nag mamakaawa ako sa kanya. Sa kaliwa ko may nahawakan akong ashtray na balak ko sana ihampas sa kanya kung sakaling balak nya talaga akong patayin. Ihahampas ko na sana kaso bigla kong napansin na tumutulo ang luha nya at nanginginig ang mga kamay, umiyak sya at sinabing " BAKIT BA KASE ANG HINA KO?!, BAKIT BA KASE ANG RUPOK KO ! BAKIT?! " tanong ni Vanessa sakin habang humahagulhol sya ng iyak at panay ang pag patak ng mga luha nya sa aking mukha. Naawa ako sa kanya, naisip ko na baka may masamang nangyari sa kanya noon na hindi nya malilimutan. "Pwede naman natin pag usapan to, pwede nating itigil ito, kausapin mo ako, makikinig ako" Sagot ko kay Vanessa. "BAKIT?! AKALA MO MADALI LANG ANG LAHAT NANG ITO?! AKALA NYO HINDI MASAKIT ANG NARARAMDAMAN KO?! MATUTO NAMAN KAYO MAKIRAMDAM !" Sagot naman ni Vanessa sakin. Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko, binitawan ko ang hawak kong ashtray at hinawakan ang mukha nya. Kumikirot ang dibdib ko hindi dahil sa mga kuku nya kundi dahil sa mga sinabi nya at sa mga luha na nasayang nya. "Alam kong masakit ang nararamdaman mo ngayon, ramdam ko sa bawat kurot mo sa balikat ko at sa bawat patak ng mga luha mo sa mukha ko, kung ikaliligaya mo Vanyy, hindi kita pipigilan" Sagot ko sa kanya. Sa isip ko, pambababae lang ang dahilan ng pagkamatay ko kung papatayin nya ako, nakakahiya. Nanginging ang mga kamay nya at sumigaw ng malakas habang umiiyak at itinapon ang hawak na maliit na kutsilyo. Umiyak sya ng umiyak, niyakap ko sya at sinabing "Iiyak mo lang, walang makakarinig sayo, tayong dalawa lang." Niyakap nya rin ako nang nahigpit , pero hindi na tulad nang dati, ngumiti sya sakin umiiyak na para bang mala anghel ang mukha at hinalikan ko sya sa noo. Pinatahan ko sya hanggang sa makatulog sya nang nakayakap sakin. Walang nangyari sa amin ni Vanessa
, okay lang kahit sumakit puson ko sa mga panahon na yun. Nagising ako ng alas 6 na ng umaga, Iniwan ko si Vanessa dun. Pumunta ako sa bahay at naabutan ko na nagwawalis si mama sa harap ng bahay. Ang aga-aga bunganga agad ni Mama inabutan ko. Nag handa ako ng pagkain at dali-daling pumunta sa dagat upang dalhan ng agahan si Vanessa. Pag dating ko doon ay naabutan ko syang nag bibihis at mukhang aalis na. Niyaya ko syang kumain kami ng sabay. Pumayag naman sya. Pagkatapos namin kumain ay humiga agad ako, medyo lasing pa ako at inaantok ako. Tumabi sya saken at nag sorry sa ginawa nya, Tumawa lang ako at sinabing " Okay lang, lasing lang tayo". At tumawa rin sya. Nag kwento sya kung ano ang nangyari sa kanya noon, Ilang beses na daw sya niloko, at iniwan matapos ibigay ang lahat-lahat pati ang pagka babae nya, pinag tangkaan pa syang halayin ng kanyang tiyuhin. Nagkasakit ang nanay nya at di kalaunan ay namatay rin. Iniwan sya ng kanyang ama nung grade 6 palang sya at may ibang pamilya na kaya nakatira sya sa bahay ng kanyang tiyahin. Bakas sa mukha nya na ang mga pangyayari na talagang masakit sa kalooban nya. Marami pa syang ikinwento sakin at hindi ko namalayan na nakatulog ako habang nag k'kwentuhan kami ni Vanessa na naka harap at naka higa habang tinititigan ang isat'isa. Alas 10 na ng umaga gumising ako na wala kana sa aking tabi. Umalis ng hindi man lang nag paalam. Simula nun, nag lalasing nalang akong mag isa. Hindi dahil sa na trauma ako kundi dahil sa namimiss kita. Minsan napapanag-inipan kita at palagi mong sinasabi sa akin na " Wag kanang malungkot, magkikita rin tayo..." .Wala na akong balita sayo kahit si Mike di alam kung san kana napunta. Nag tanong ako sa mga kaibigan mo pero pati sila di na alam kung nasan ka. Kahit pangalan mo sa social media hindi ko na mahagilap.
BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo