Lalaki Sa Tabi Ni Papa
First time ko po mag-share dito hindi ko alam kung nakakatakot ba ito o ano pero sana magustuhan ninyo.
Nangyari ito ngayon lang April 2020 may bible study po sa bahay namin every Friday. Born-again po kasi lola ko kaya ganun na rin kami iminulat ni mama hanggang sa nahatak na rin si papa at kami ng kapatid ko. Si papa last year lang sumali sa study namin pero kami ng kapatid ko since 2010 sa born-again na kami pinagsimba, pinag-serve at kung anu-ano pa. Si mama since born-again ang nanay niya dalaga pa lang siya eh born-again na, by faith lang po kami Christian pero sa papers Catholic kaming lahat. Ang gawain po namin ay prayer, kumustahan, basa ng bible tapos kwentuhan minsan may food trip pa at kantahan.
Simulan na natin.
Si papa nung 2nd week of April napansin namin na wala sa sarili, parang hindi sya si papa, mabilis mapagod at pagdating ng gabi laging nilalagnat tapos kinabukasan parang walang nangyari kaya nakakapasok pa rin siya sa trabaho. Dalawang linggong sunod-sunod na ganun siya biniro ko nga siya isang beses sabi ko dun na siya sa trabaho tumira para di siya lagnatin kasi pag nasa bahay siya nilalagnat siya.
Syempre dahil Covid era ngayon natatakot siya magpa-check up hindi dahil sa takot ma-isolate kundi dahil baka mamaya imbes na wala siyang Covid eh lalong magkaroon siya. Kasi diba malay mo mahawa siya sa biyahe o sa ospital kapag nagpa-check up siya. Kaya nilaban namin sa biogesic, royal, sky flakes at dasal yung sakit ni papa tutal gumagaling naman siya sa umaga eh nakakapasok pa nga.
Nung 2nd week ng May nagkwento si mama kay papa sabi niya mag-ingat daw binangungot daw siya. Sa panaginip ni mama patay daw si papa pero di niya napanaginipan kung paano, basta patay lang daw si papa nasa kabaong. Takot na takot si mama nun kaya gusto na nila magpatingin sa doktor pumayag na rin si papa pero hindi natuloy kasi ayaw ng lola ko baka daw di na pauwiin si papa ipa-isolate daw lalo pang ma-leche. Kaya ang ginawa namin dinoble ingat at alaga namin si papa para gumaling na siya kasi pabalik-balik pa rin sakit niya. This time may oras na wala siyang sakit sa gabi tapos minsan meron ganun.
Hanggang sa limang araw pagkatapos managinip ni mama naalala ko Thursday yun eh. Natutulog si papa sa kwarto tapos si mama nagce-cellphone tanghali 'to, maya-maya biglang umungol si papa tas ginising siya ni mama inuga siya. Pagkagising ni papa pulang-pula yung mukha niya hanggang leeg sabi niya "nakadagan sa'kin yung demonyo sinasakal niya ko tapos may isang nakahawak sa dalawang kamay ko, yung isa naman nakahawak sa paa ko para di ako makagalaw. Kukunin daw nila ako tas nakangisi silang tatlo sa'kin mahaba yung sungay tapos may kurba parang sa toro ganun." Tapos sabay sila nag-pray ni mama nun.
Fast forward tayo sa Friday night kinabukasan after ng kay papa. Bago kami magsimula nagkwento muna sina mama't papa una yung bangungot ni mama pangalawa yung bangungot ni papa.
Ang seating arrangement namin is nakaupo kaming lahat sa sahig sa may hagdan si papa, sa left niya ako, sa left ko si lola, sa harap niya si mama, katabi ni mama yung kapatid ko so magkatapat kami. Since sa hagdan nakapwesto si papa pader yung katabi niya sa kanan maliit na space (na aso lang namin ang kasya at nakahiga siya dun mahimbing na natutulog)
Edi pinag-pray namin si papa malakas una isa-isa kami tapos si lola yung closing natigil kaming lahat kasi yung mga aso namin (dalawa po aso namin isa katabi ni papa yung isa nakatali sa likod ng kapatid ko) ay biglang nagwala as in tumahol sila na akala mo ay may kalaban nakatayo pa mga balahibo at galit na galit. Eh yung mga aso namin sobrang bait at tahimik pwede nga kami pasukin ng magnanakaw sa sobrang bait at tahimik nila eh. Kaya nagtaka kami saka nasa kalagitnaan si lola ng pagdarasal. Tapos yung mata nila iisang direksyon ang tinitignan which is yung gilid ni papa (sa pagitan naming dalawa) edi napatingin kaming mga tao kung saan sila nakatingin. Nagulat kami kitang-kita naming lahat maliban kay papa may kulay black na hugis lalaki na tila lumabas sa katawan ni papa. Kinilabutan ako nun kasi sa pagitan namin ni papa siya nakapwesto at kitang-kita ko siya although black lang siya parang anino pero imposibleng si papa dahil nakaupo kaming lahat sa sahig eh yung lalaki parang nakatayo dahil mataas samin. Pagkatapos nun hindi ko na nakita pero yung lola ko natawa sabi niya bumaba na siya nabulabog ata sa prayer natin at sa mga aso. Simula nung gabing yun tuluyan ng gumaling si papa 'di na siya nilalagnat sa gabi.
Wala pong may third eye samin pero malalakas po ang pakiramdam namin lalo na si mama at si lola. Si mama pag nanaginip yan ng masama lalo na pag aksidente o patay sa pamilya namin nagkakatotoo.
Prayer is the most powerful weapon in all kinds of challenges, no matter what kind of battle it is.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Paranormalni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo