4

221 2 0
                                    

MANIKA

Nakaranas na ba kayo na makarinig ng mga tinig na parang nang aakit o di kaya naman ay nanghehele sa iyo patulog? Iyong tipong melodya na hindi nakakasawang pakinggan kahit paulit ulit? Pwes ako, well haha hindi ako pero 'yong Lolo ko, oo.

Nagsimula ito nung mga elementarya pa ako at nakatira ako non sa pamamahay ni Lolo Tayong (di tunay na pangalan) sa Bohol. Si Lolo Tayong ay isang mangingisda habang taga tinda naman ng mga isda sa palengke ang kanyang asawa na si Lola Grasya (di tunay na pangalan). Simple lang naman ang bahay namin at masagana naman ang buhay kahit hirap minsan sa pera. Malapit lang din kami sa dalampasigan kaya dagat ang tambayan ko nung mga panahong iyon. Habang nagmumuni muni ako non, bigla kong narinig na sumigaw si Lolo Tayong sa loob ng kubo-kubo naming bahay. (MAY SAKIT NA PO SIYA NUNG MGA PANAHONG IYON KAYA HINDI NA NAKAKAPAGTRABAHO) utos lamang ng Lola na bantayan siya kaya agad ko ring dinaluhan si Lolo. Simula kasi nung nagkasakit siya, nagsasalita na lang siyang mag isa at minsa naman ay tulala pa. Wala rin akong magawa sa mga panahong iyon dahil bata pa ako nun tsaka nasa palengke pa si Lola Grasya, naghahanap buhay. So ayon dinalhan ko ng tubig si Lolo hanggang sa kumalma siya, hindi na rin diya nakakakita at purong puti na ang mga mata kaya kailangan nya talaga ng assisstance ko.

Lolo: Dai, dai... (tawag po sakin yan ni Lolo)
Ako: Ngano man, Lo? (Bakit po, Lo?)
Lolo: (Bumuntong hininga) Bag o ko kwaon sa ginoo, naa koy isulti nimo nga usa sa rason nganong nagka ingani ko ron. (Bago ako kunin ng diyos, may sasabihin ako sa 'yo na isa sa rason kung bakit nagkaganito ako ngayon)
Ako: Ha? Unsa mana Lo?? (Po? Ano po 'yon Lo?)

So eto, nagsmula ang pagkekwento nya nong time daw na nanghuhuli siya ng isda. Tapos nagulat siya dahil parang may napakabigat na isda siyang nahuli, dahil sa kasiyahan, agad nyang tinanaw kung anong klaseng isda ito pero napamura na lang si Lolo dahil sa nakita niyang medium sized buntot na isda at kalahating parte naman sa tao ang dibdiban na walang saplot. Medyo bata-bata pa si Lolo nung mga panahong iyon at kasal na rin siya kay Lola Grasya kaya dahil sa mangha sa manika, inuwi nya iyon at tinago mula sa asawa. Mukha itong hollywood celebrity child actress na naging manika. 'Yong tipong sobrang puti ng balat na parang walang dugo raw, maganda ang hugis ng labi at hulmang hulma ang mata, ilong at angulong mukha nito. In short maganda, parang di tunay kaya mukha talagang manika except nalang sa kabigatan nito na sobra raw ang pagkabigat, parang tutoo talaga eh. Walang emosyon ang mukha at hindi man lang daw tumutugon kaya nag assume talaga sina Lolo na ano daw manika na may bato sa looban ang nakuha ng lambat niya hahaha jusko matigas din daw kasi yung katawan maliban nalang sa malambot nitong itim na itim ma buhok. So dahil hirap sa pera nun sina Lolo at Lola tapos bukas na rin daw birthday nung anak nilang Tiyahin ko batang bata pa talaga nun ehh imbis na ibaura nila 'yong 'manika' nga daw ay ginawa nila iyong regalo para sa Tiyahin ko (na yumao na ngayon na nakakatandang kapatid ni papa ko), kaso ilang araw pa lang ang nakalipas nagkanda letse letse na ang buhay nila at sunod sunod ang malas. Hindi mawari ni Lolo nun kung bat biga bigla eh ang ganda ganda talaga nang dagat noon maraming kuha silang isda tapos bigla nalang silang minalas. Sunod sunod nga rin daw ang reklamo ng anak nila nun na tawagin nalang nating 'Rina' so eto si Rina, una niyanb nireklamo na nangangamoy talaga yung manika at sobrang bigat talaga. Minsan nga rin ay hinihika si Rina at palagi na lang binabangungot gabi gabi habang katabi ang sirenang manika. May minsan na rin na muntikan nang mamatay si Rina at minsan namam ay nagsasalita nalang mag isa, di na sumasali sa ibang mga bata na naglalaro noon sa labas.

Napaghahalataan na ni Lolo noon na simula nung dumating ang manikang iyon ay hindi na maganda ang mga nangyari sa kanila. Grabe nga raw ang sakit na dinanas ni Rina nun eh kaya ang nangyari, kinuha nga raw ni Lolo yung manika at sinilid sa sako habang natutulog si Rina dahil ayaw nitong mapalayo sa bago nitong 'kaibigan'. Madaling araw pa yun eh mga 3 or 4 daw tapos bago nya yon initsa sa dagat eh hinambalod nya iyon sa isang bato tsaka pina anod na sa dagat. Ang pinagkakataka nga lang daw ni Lolo eh may nakita siyang dugo, na parang tao tapos sobrang lansa pa nga raw. Hindi maintindihan ni Lolo ang nangyayari sa kanya basta napapansin na lang nya na palagi na lang siyang nananaginip na nasa dagat daw siya lumalangoy at desperadong hinahanap ang humeheleng tinig na umaakit sa kanyang sundin ito. Nagkasakit si Lolo, malala na at hindi siya madala nun sa ospital dahil kapos sa pera, hanggang sa nawalan siya ng paningin ngunit sobrang malakas ang pandinig, ang pang amoy naman niya ang nagkaproblema dahil palaging nagtatanong si Lolo "Bakit amoy malansa??"

SPOOKIFY STORIES COMPILATIONSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon