BUHAY ANG KINUHA, BUHAY DIN ANG KAPALIT.
Hello to all the spookify readers, I'm a silent reader and an avid fan of paranormal stories. So I think, it might be best if I'll share to you also my paranormal experiences.
Sorry napa english ganun talaga ako kapag seryoso. So this is my story.
Ang pamilya ng nanay ko ay nakatira sa Romblon at ang lolo ko naman ay isang manggagamot ng mga sakit na gawa ng mga elemento at mga engkanto, kumbaga isa syang albularyo. Kilala din ang pamilya ng nanay ko dahil sa lolo ko at madami na syang napagaling. At dahil dun madami ang humahanga at naiinggit sa kanila. Nung ako ay bata pa, isang taong gulang umuwi kami sa probinsya ng mama ko dahil ang lolo ay may sakit na at gusto nya kaming makita dahil ako ang panganay na anak ng mama ko at di nya pa ko nakita ni isang beses. 1 week na kami sa Romblon at nagdecide ang mama ko na dalhin ako sa may sapa, dahil nandun naglalaba ang aking mga tiya, mga bandang alas kwatro ng hapon, biglang nagsisigaw ang panganay na anak nina lolo na kapatid ng aking nanay. Ang sabi eh "si tatay, hinahanap ka!" Sabi ng tita ko sa nanay ko kaya dali dali namang umakyat sa bundok sina mama, dahil ang bahay nila sa Romblon ay sa bundok pa. Pagkarating namin doon sa kwarto kung nasaan nakahiga ang lolo, ngumiti sya samin at hinawakan ang kamay ng nanay ko dahilan para mailagay ako ni mama sa higaan ng lolo, ng mailapag ako ni mama ay agad akong nilaro at hinawakan ng lolo ko. Habang nilalaro nya ako, merong kulay green na ahas na gumapang mula sa ilalim ng kama papunta sa paanan ng lolo, pero di kami sinaktan nilagpasan kami ng ahas at si lolo ay wala man lang ginawa, hinayaan nina mama ang ahas na yun. Ng biglang makarinig ng malakas na iyak ang mga tita ko at pati nanay ko, yun pala yung ahas ay tinuklaw ang tatlong taong gulang kong pinsan. Ng makita ng aking mga tita ang nangyari sa pinsan ko ay agad silang nagpanic di nila alam ang gagawin naghihingalo ang pinsan ko at sobrang putla, ganun din ang lolo ko, sabay sila. At bago nalagutan ng hininga ang lolo ay bigla nya daw akong binuhat at pinatawid nya ako sa kanyang katawan at saka sya nalagutan ng hininga at dun din ang pagbabalik ng normal na kulay ng pinsan kong natuklaw ng ahas. At ang araw na namatay ang lolo ay araw din ng kapanganakan ng isa ko pang pinsan.
Sa paniniwala ng aking mga tito at tita ay maaaring naiwan ni lolo ang kanyang anting-anting sa panggagamot. Matagal nila itong hinanap pero di nila nahanap. Hanggang sa lumaki ako, 7 yrs old natuto na akong manghilot at makaalam ng mga sakit, ang tatay ko naging isang manggagamot din pero kapag nagagamot sya ay sya ang laging nagkakasakit kaya ako ang resbak nya lagi, ako naman ang gumagamot sa kanya. Sa paniniwala ng mga tita at tito ko, walang anting-anting si lolo kundi isa itong abilidad sa paggagamot at ang abilidad na yun ay naipasa nya sakin. Iyon ang paniniwala nila na kahit hanggang ngayon ay pinaniwalaan ko na din.
Ang lahat ng nakwento ko dito, ay hango lang din sa kwento ng aking magulang, at mga kamag anak. May mga kwento din ako ng tungkol sa aswang pero sa susunod ko na ho ikukwento iyon. Salamat ho sa inyong pagbabasa. Pagpalain po tayo ng Panginoong Diyos. Maraming salamat din ho sa mga admin.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
Fantastiqueni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo