IMPAKTO.
itago niyo na lang ako sa pangalang sheng, nag simula itong sunod sunod kong sakit simula ng napatira ako sa bahay ng boyfriend ko nung una akala namin ay simpleng lagnat lang ang ng yayare saken at akala din namin yung mga kagat na kulay itim sa paa ko ay simpleng kagat din,tumagal ng dalawang araw yung lagnat ko ng sobrang taas na kahit inuman ko ng gamot ay baliwala lang hanggang sa sinabihan ng boyfriend ko yung pinsan niya na hilutin yung likod ko,hinilot naman niya kasama paa at kamay ko pinatunog niya din yung sa likod,kinabukasan ay naging okay din ang pakiramdam ko akala namin okay nako hanggang sa isang gabe yung kamay ko naman yung sumasakit di namin pinansin akala kase namin ay ngalay or pilay hanggang sa namaga ng namaga dinako maka kilos ng maayos dinako maka hawak ng mga kung ano anong bagay bumaluktot na ang gitnang daliri ko diko na sya ma straight kase konting galaw ko lang ay sobrang sakit na hanggang sa nag pa tingin kame sa albularyo hinawakan niya lang ang kamay ko at dinasalan ang bracelet na nasa kamay sabay sabeng wag ko daw tatanggalin yon di niya sinabe samen ang nakita niya sa kamay ko kase huwebes santo yon masama daw dahil patay pa si papa G kaya inantay namin ang pag ka buhay ni papa G gumaling naman yung kamay ko nong mga panahon na yon pero bumalik ulit namaga ang tuhod ko sumakit ang kalahati ng likod ko at sobrang init ko pati mata ko ay namumula na kaya lumapit ulit kame sa albularyo kasama ang kapatid ng bf ko pati mga pinsan niya at pag hawak palang saken ng albularyo nag salita na sya na 'Ayan sya oh kasama niyo sya' sabay sabe ko sino po? sabe niya 'yung bantay mong impakto' Nagulat ako sa sinabe niya akala ko nung una ay nag bibiro lang pero di sya tumawa ako ang tumawa at sinabihan niyako ng wag kang tumawa lumapit ka saken at ikaw mismo ang dadasalan ko sa sobrang kaba ko lumapit agad ako at nag simula na syang nag dasal ng taimtim at nag salita ng wala na sya at sabay tanong saken kung ano ba daw pangalan ko yung buo at sinabe ko naman sakanya yon at tinanong ako kung san ako naka tira sabe ko sa pasay nag tanong sya kung may creek ba daw samen sabe ko Oo at dun niya na sinabe na dun daw galing ang bantay ko sumama daw saken simula pa daw bata ako naka bantay na daw yon saken kasama ko din daw yon sa pag pasok sa school simula nung bata ako kaya napatanong ako sakanya kung bantay ko sya simula pa nung bata ako bat ngayon lang ako nakaranas ng gantong pang yayare bigla nalang sinabe saken na nagalit daw saken kase hindi nako umuuwi sa bahay namin.
hanggang dito na lang muna admin madami pa akong karanasan sa bahay ng boyfriend ko shashare ko ulit yon pag may time ulit ako.

BINABASA MO ANG
SPOOKIFY STORIES COMPILATIONS
خارق للطبيعةni-copy ko lang po itong mga story sa page ng spookify sa facebook. enjoy kayo