Chapter 1

20.7K 466 36
                                    

S C A R L E T

Huminto ang kotseng sinasakyan ko sa isang building, agad na bumaba ang driver ko at pinagbuksan ako nang pinto. Nang makababa ako ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid.

Ang ganda dito. Ang peaceful nang buong paligid.

"Good morning, Ms. Flammia."

Napalingon ako sa babaeng biglang nagsalita sa harapan ko. Sobrang puti niya na para bang hindi siya naarawan kahit isang beses lang sa buhay niya. Maganda rin siya, ang bata niyang tignan. Parang mas fresh pa siya kaysa sakin, medyo na-conscious ako sa itsura ko ngayon.

"Good morning rin po."

Nginitian niya ako at iniabot ang kamay niya para sa isang shake hands, syempre tinanggap ko naman yung kamay niya. I don't want to be so rude, lalo na't bago palang ako dito.

"I am Mrs. Ford, the Head Mistress. I am very pleased to meet you, Ms. Flammia." formal na sambit niya habang nakangiti sakin.

Head Mistress siya dito? And take note, Misis? Damn. She looks so young.. Feeling ko nga mas mukha pa akong nanay kaysa sa kanya.

Nginitian ko rin siya at tumango nang unti.

"So am I, Ma'am."

"I would like to personally meet the only heiress of Flammia Clan, that's why sinalubong na agad kita dito."

Bigla naman akong nahiya dahil sa sinabi niya. The head mistress herself wants to meet me and sinalubong pa talaga niya ako dito mismo sa lobby, too much "feeling special" ka ngayon Scarlet ah.

I shyly smiled at her.

"You shouldn't have bother yourself, Ma'am. Nakakahiya naman po, baka naistorbo po kita sa mga paper works mo."

Bahagya naman siyang tumawa sa sinabi ko at nginitian niya ulit ako.

"It's okay, Ms. Flammia. This is a once in a lifetime to meet the only successor of the well-known clan and I don't want to miss it. But anyway, here is the key to your dorm."

Inabot niya sakin ang susi nang dorm ko kaya tinanggap ko naman ito. I wonder kung may makakasama ba ako sa dorm ko or ako lang mag-isa, it would be fun kung may kasama ako.

"Butler Bert will assist you." dagdag niya.

Agad namang may lumapit saaming isang lalake na parang nasa late 40's na.

Bahagya siyang nagbow lang siya sakin at inabot na sa kanya nang driver ko ang dalawa kong maleta. Hindi makikitaan ng kahit anong emotions si Butler Bert, he's so cold. Ganito ba mga butlers nila dito? I mean, they're not allowed to show any emotions?

"Ms. Flammia."

Pag-agaw pansin sakin ni Mrs. Ford kaya naibaling ko ulit sa kanya ang aking mga paningin.

"Uh yes?"

"I hope you'll enjoy your stay here with us. If you need anything or if you have any question, you can just go directly to my office."

Nakangiti niyang sambit, tumango ako sa mga sinabi niya at nginitian din siya.

"I'll take note of that, Ma'am."

"I'm going to leave you now, I know you need to rest. Nice meeting you again, Ms. Flammia."

Nakangiti ulit niyang sambit. She loves smiling.

Tumango ulit ako sa kanya.

"Thank you so much for your accommodations, Ma'am."

"You're always welcome. And again, welcome to Sanguis University."

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon