This chapter is dedicated to:
shedmharThank you for reading and supporting my story, sweetie! 💛
— — — —
T H I R D P E R S O N
Pagkatapos ng masinsinang pag-uusap nilang dalawa ni Lauren ay nagpahinga at natulog na si Scarlet. Simula kasi ng ikulang siya ng mga tauhan ni Monica ay hindi na siya nakatulog pa ng maayos. Maraming gumugulo sa isip simula nung araw na yun, katulad na lamang kung kamusta na ba si King pati na rin ang miyembro Royalties at ang mga estudyante na nag-aaral sa SU. Iniisip din niya na baka pinapahirapan ni Monica ang mga ito, baka pinaparusahan o baka naman ay isa-isa ng pinapatay.
Nung panahon na iyon ay marami na siyang iniisip, mas lalong dumami ang mga iniisip niya dahil sa nalalaman niya na sikreto ng kanyang mga magulang. Kulang nalang ay mabaliw na siya sa sobrang dami ng kanyang iniisip.
Nang makalabas si Lauren sa kwarto ni Scarlet ay dumiretso siya sa isang kwarto na opisina ni Mr. Cedrick. Naabutan niyang tahimik ang lahat ng HC at lahat ay parang malalalim ang mga iniisip.
"How's Scarlet? Did she cried a lot?"
Nag-aalalang tanong ni Ms. Laura.
"She's already sleeping. And yes, she cried a lot. I guess the mixed emotions just build-up inside her heart and it already flows out because she can't hold them anymore. Masyado na rin siyang stressed dahil sa currently na nangyayari sa SU at dumagdag pa yung mga nalaman niya tungkol sa parents niya."
Mahabang tugon ni Lauren.
Umupo siya sa tabi ni Ms. Laura at tinignan isa-isa ang kanyang mga kasama na kanina pa tahimik.
"Ano ba talagang nangyayari ngayon sa loob ng university, Lauren? Bakit umabot sa ganitong punto?"
Kunot-noong tanong ni Mr. Kurt sa kanya. Marahil ay ito ang kanina pang iniisip ng nakatatanda.
"Nagsimula lang naman ang lahat nung biglang bumalik si Monica. Sobrang ayos lang naman ng lahat bago siya bumalik ulit at gustong-gusto bawiin ang pwesto kay Scarlet."
Tugon ni Lauren sa kanila.
"Just like what we said earlier, she will never be the permanent queen kasi ilang siglo na ang nakakalipas simula nung itinakda si Scarlet bilang reyna ng mga Royalties. Alam na alam na niya yun, pinagkasunduan na namin yun bago pa siya mapunta sa pwesto na yun."
Sambit ni Mr. Cedrick na halatang naiinis at nai-stress na sa nangyayaring kaguluhan na ginagawa ni Monica.
Tinapik naman ni Mr. Kurt ang ginoo sa kanyang balikat.
"Chill down, Cedrick. Masyado kang stressed, tuluyan ng kukulubot yang mga balat mo. Sige ka."
Natatawang sambit nito habang patuloy na tinatapik-tapik ang balikat ni Mr. Cedrick.
"Kurt, can you please be serious right now? The university is currently facing a ruckus and kahit isang plano ay wala pa tayong nabubuo."
"I am serious, Laura babe. I just want everyone to chill down kasi masyado kayong stressed, I know na may plano na dyan si King. Hindi naman niya siguro hahayaan na tuluyang masira ang SU."
Inis na sambit at saway ni Ms. Laura na nakangiti namang tinugunan ni Mr. Kurt.
Napapailing na lamang si Lauren dahil sa kakulitan ni Mr. Kurt, para kasing hindi nito sineseryoso ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit sadyang ganitong tao lang talaga ang ginoo na ito, masyado siyang happy-go-lucky na para bang walang iniisip na problema.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...