Chapter 44

5.6K 171 6
                                    

This chapter is dedicated to:
user31067843

Thank you for reading and supporting my story, sweetie! 💛

— — —

T H I R D  P E R S O N

"So that means.. nalaman ng pamilya nila ang relasyon nilang dalawa?"

Tanong ni Scarlet sa kanila.

Sabay-sabay namang tumango ang mga miyembro ng High Council. Nasaksihan kasi nila kung paano itinago at ipinaglaban nila Christopher at Freia ang kanilang relasyon mula sa kanilang mga pamilya.

"Pilit na pinaglalayo at pinaghihiwalay silang dalawa ng kanilang mga pamilya. Dumating rin sa punto ang biglaang anunsyo ng arranged marriage ni Christopher na wala siyang kaalam-alam at ang mas masakit pa ay nasa family dinner siya habang kasama si Freia."

Kwento ni Ms. Dianna sa kanya.

"Pero sino yung babaeng inarranged marriage kay dad?"

"Ako.."

Nanlaki ang mga mata nila Scarlet at Lauren ng biglang sumagot si Ms. Dianna na may seryosong mukha, pati na rin ang iba pang HC ay seryoso rin.

"No way.."

Hindi makapaniwalang reaksyon ni Lauren na ngayon pa lamang nagreact kahit na kanina pa ito nakikinig. Si Scarlet naman ay tahimik parin ngunit bakas rin ang gulat sa kanyang mukha.

"Paanong nangyari yun? Anong nangyari pagkatapos nung biglaang anunsyo na yun?"

"Sobrang malapit kasi sa pamilya ko ang pamilya ng daddy mo, Scarlet. Matagal na kaming pinaglalapit ng mga magulang namin pero kahit anong gawin nila ay wala talagang spark, sadyang magkaibigan lang talaga kaming dalawa ni Christopher. Nung gabing nangyari yun, kahit naman ako ay gulat na gulat rin sa biglaang anunsyo na yun. Hiyang-hiya rin ako kila Freia at Christopher, hindi ko kasi alam kung anong ipapaliwanag sa kanilang dalawa kasi wala rin akong alam."

Mahabang paliwanag ni Ms. Dianna kay Scarlet na tahimik na nakikinig sa kanyang mga sinasabi. Hindi naman nagsalita o nagtanong si Scarlet pagkatapos magsalita ni Ms. Dianna, kaya ipinagpatuloy ni Mr. Kurt ang kwento.

"Pero dahil nga sa mahal na mahal ni Christopher ang mommy mo, humingi siya ng tulong samin na makapagtanan silang dalawa. Nakakatawa mang isipin yan, pero totoong nagtanan silang dalawa. Handang suwayin ng daddy mo ang sarili niyang pamilya para sa mommy mo, Scarlet."

Nakangiting wika ni Mr. Kurt.

Hindi maiwasang mapangiti ni Scarlet dahil sa sinabi niya, saksi ang mga miyembro ng High Council kung gaano kamahal ng daddy niya ang kanyang mommy na isang damphir.

"Bukod sa kadahilanang tutol ang parehas nilang pamilya sa kanilang relasyon, may mas malalim na dahilan sina Christopher at Freia kung bakit mas pinili nilang magtanan at takasan ang kanilang mga pamilya."

Biglang seryosong sambit ni Ms. Laura na pumukaw sa atensyon nila Lauren at Scarlet. Nawala naman ang ngiti sa labi ng dalaga, napalitan ito ng kunot na noo at curious na mga mata.

"Ano yung mas malalim nilang dahilan?"

"Naisip agad ng daddy mo na magtanan at magpakalayo nalang silang dalawa kasi gusto niyang bigyan ng tahimik na buhay si Freia, gusto niyang ilayo sa gulo ng kanilang mga pamilya at gulo ng paligid ang mommy mo kasi lubos na lubos siyang minamahal ni Christopher. Madalas na rin kasing ma-bully si Freia noong kumalat sa buong SU ang tungkol sa pagiging magka-relasyon nila. Ang noble ay para lamang sa noble, yan ang kaisipan kasi ng mga bampira noon."

Mahabang sagot ni Ms. Laura sa kanya at ipinagpatuloy ni Mr. Cedrick ang kwento.

"Wala kaming alam kung saan silang dalawa nagtatago at naninirahan, mahabang panahon muna ang lumipas bago namin sila muling nakausap at nakita. Noong panahon na yun ay ipinagbubuntis ka na ni Freia, Scarlet. Takot na takot kami para sa kalagayan ng mommy mo nung panahon na yun kasi baka malaman ng kanilang pamilya na nagbunga ang kanilang matagal na pagkawala, pagsuway at higit sa lahat ay ang kanilang pagmamahalan.

Dumating nga ang araw na kinatatakutan naming lahat, ang araw na nalaman ng parehong pamilya nila na nagdadalang-tao si Freia. Lubos na pinarusahan si Christopher sa harap ng kanyang buong pamilya, kulang nalang ay patayin na siya ng sarili niyang pamilya. Habang si Freia naman ay ikinulong ng kanyang pamilya sa isang selda na ang mga bintana at pinto ay napupuno ng mga lason na pwedeng pumatay sa kanya."

Malungkot na pagpapatuloy ni Mr. Cedrick habang inaalala ang sobrang hirap na pinagdaanan ng dalawang kaibigan nila sa mga kamay ng sarili nilang mga pamilya. Habang si Scarlet naman ay nakakaramdam rin ng matinding lungkot dahil sa dinanas ng mommy at daddy niya dahil sa pagmamahal nila sa isa't-isa.

Isa pang dahilan ng kanya lungkot na nararamdaman ay parang dahil sa kanya kaya kailangang maparusahan ang kanyang mga magulang noong panahon na yun.

"D-Dahil sakin kaya sila nakaranas ng matinding parusa noon. Ibig sabihin malas ako sa buhay nila na dapat hindi nalang dumating pa sa kanilang dalawa."

Tulala ngunit malungkot na sambit niya.

"Scarlet, don't think like that. Sigurado akong hindi ganyan ang iniisip ng parents mo noong panahon na dumating ka sa buhay nilang dalawa, I am definitely sure na sobrang saya nila. A baby is a gift and a blessing from above, that's means you are the greatest gift they ever had."

Sinserong sambit ni Lauren sa kanya.

"Maniwala ka man o hindi, sobrang saya nilang dalawa noong binalita nila saamin na nagdadalang-tao si Freia."

Nakangiting sambit rin ni Mr. Kurt sa kanya.

Kahit na magagandang salita na ang naririnig ni Scarlet mula sa kanila ay hindi parin niya maiwasang sisihin sa kanyang sarili ang matinding paghihirap na dinanas ng mga magulang niya. May nabubuo ring inis at galit sa kanyang puso dahil sa mga pamilya ng mommy at daddy niya. Hindi lubos na maintindihan kung bakit kaya ng mga ito na saktan at parusahan ang sarili nilang kapamilya. Hindi ba pwedeng kalimutan nalang nila ang pagkakaiba nilang lahat at maging masaya nalang para sa dalawa?

"Ngunit hindi dun natapos ang paghihirap nilang dalawa, Scarlet."

Natigil siya sa kanyang malalim na pag-iisip ng biglang magsalita si Ms. Laura na may seryosong mga mukha. Dumaloy ang kaba at takot sa buo niyang katawan dahil sa pagiging seryoso ng ginang.

"A-Ano pa ang mga paghihirap na dinanas nila?"

"Bago ka ipanganak ni Freia, sinumpa ka nang mga nakakatanda sa parehas nilang pamilya."

"Sinumpa ako? Ano yung sinumpa sakin?"

Hindi makapaniwalang tanong niya kay Ms. Laura na tinugunan lamang nito ng tango.

"Bampira naman ang mga magulan mo ngunit ipinanganak ka bilang isang mortal, yan ay dahil sa sumpa na binigay nila sayo. Diba gusto mong malaman kung bakit mortal ka naman noong ipinanganak ka hanggang ngayon na dalaga ka na?"

"O-Oo. Ano ba kasi yung sumpa nila sakin?"

"Ang sumpa na binigay nila sayo habang nasa sinapupunan ka pa ng iyong ina ay hinding-hindi ka magiging isang ganap na bampira hangga't hindi dumarating ang panahon ng pulang buwan."

Seryosong tugon ni Mr. Cedrick sa kanya.

— — —

Author's Note:

Hello sweeties!

New update for everyone! 🤩 Sobra akong natutuwa dahil sainyo kaya naisipan kong mag-update agad ngayon. Also, thank you so much for your endless support and love to this story. Kahit na walang exact date yung updates ko, pero matiyaga parin kayong naghihintay. Thank you talaga and I love you all, sweeties! 🥺💛

Don't forget to vote, comment for a new chapter dedication and share this story to your friends!

Thank you so much, sweeties!

Love lots! 💛

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon