T H I R D P E R S O N
Mabilis na kumalat sa buong SU ang ginawang pagsurpresa ni King kay Scarlet. Maraming mga babaeng students ang naiinggit at nagseselos kay Scarlet kasi ang tagal-tagal nilang nagpapapansin sa hari ngunit hindi sila mapansin-pansin, pero ang isang transferee na katulad ni Scarlet ay walang ka-effort effort na nakuha ang buong atensyon ni King.
Marami rin namang mga lalakeng students ang nadismaya kasi mabilis na naging in a relationship si Scarlet. Hindi man halata, pero marami ring nagkakagusto sa kanya dahil sa pagiging astig niyang babae. Hindi nga lang nila magawang lapitan kasi nahihiya sila o di kaya'y kasa-kasama siya ni King.
"Hindi ako makapaniwala na ang nag-iisang great and mighty Maximus Ethan Dietrich ay gagawa nang ganung ka-cheesy na surpresa. Ang nagawa nga naman ng pag-ibig sa isang bato at malamig na puso nang ating hari."
Natatawang sambit ni Kelly habang umiiling-iling pa.
"I can't even imagine that you can do such sweet and romantic surprise, King."
Nakangisi namang sambit ni Dustin.
"I can do everything as long as it is for Scarlet."
Tugon naman ni King habang pinagmamasdan si Scarlet mula sa table nito kasama ang kanyang dalawang kaibigan na sina Briella at Andrea.
"Aish, can you guys stop talking about that surprise thingy?! I can't even swallow my food because of it."
Naiinis na sambit ni Lauren habang hawak-hawak ang kanyang tinidor.
Hindi talaga siya sumama kanina sa surprise na ginawa ni King dahil sa sobrang naiinis siya na bakit kailangan pa talagang surpresahin ni King si Scarlet ng ganun ka-romantic.
"Stop being so bitter, Lauren. You should have helped us preparing for King's surprise."
Sambit ni Dustin kay Lauren.
Inirapan lamang siya nang dalaga at muling nagpatuloy sa kinakain nito.
"Boi, hindi siya bitter. Brokenhearted yan si Lauren kasi taken na ang long-time crush niyang si King."
Pang-aasar naman ni Kelly kay Lauren habang nakangisi.
"Pwede bang manahimik ka nalang, surot? Ang dami mong daldal eh, bakla ka talaga."
Biglang sumbit ni Cindy na may pang-aasar pa kay Kelly.
Itinuro naman siya ni Kelly gamit ang kanyang tinidor.
"At ito naman ang mukha nang naiinggit kasi walang nagsu-suprise sa kanya nang ganun, kaya siya nalang ang gumagawa sa paraan ng gayuma. BWAHAHA!"
Pang-aasar ni Kelly kay Cindy.
Masamang tingin ang binigay ni Cindy sa kanya, ibinato niya kay Kelly ang hawak niyang tinidor at sakto namang sumapul ito sa mukha nang binata.
"Ano ba, kuto?! Masakit yun ah! Pati naman itong pogi kong mukha papatulan mo?! Napakasama nang ugali mo!"
"Hoy, surot! Ako pa talaga ang masama ang ugali?! Ikaw nga 'tong nang-aasar! Tsaka para sabihin ko sayo, hindi ka pogi! Mukha kang paa!"
"Kung mukha akong paa, mukha ka namang pwet!"
"W-What?! Ang kapal ng kalyo mo sa mukha!"
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...