S C A R L E T
"You and your blood are the only ones that can quench the Vampire King's thirst, Scarlet." nakangiting sambit ni Kelly.
In order for him na bumalik sa dating lakas niya, he needs to drink my blood at ang dugo ko lang ang makakapag-alis ng pagka-uhaw niya.
"H-How am I supposed to do that? Paano niya ako makakagat kung hindi wala nga siyang kalakas-lakas ngayon.."
"We're already prepared, Scarlet." tugon naman ni Cindy sakin.
Binuksan niya ang drawer sa side table nang kama ni King, kinuha niya ang isang medyo maliit na kutsilyo. Agad na nanlaki ang mata ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Teka lang! Susugatan ko ang leeg ko?!"
Nagkatinginan silang dalawa at bahagyang natawa dahil sa tanong ko.
"Of course not! Susugatan mo lang ang kamay mo at hahayaan mong tumulo ang iyong dugo sa loob ng bibig ni King. Simple as that, Scarlet." pagsagot sakin ni Cindy habang inaabot ang kutsilyo.
Am I really going to do this? Do I really have to? Pero kung di ko naman gagawin ay baka tuluyan ng mamatay si King dahil sa uhaw niya..
Kinuha ko ang kutsilyo kay Cindy at napatitig dito.
"You have to do it now, Scarlet. Isang linggo na siyang ganyan at kailangan na talaga niya ang dugo mo." wika ni Kelly.
Napatingin ako sa kanilang dalawa at muli kong tinignan ang kutsilyong hawak ko. Huminga ako nang malalim at unti-unting nilalapit sa palad ko ang talim ng kutsilyo. Hindi ko rin mapigilan ang panginginig ng kamay ko dahil sa kaba na nararamdaman ko.
'You have to do it, Scarlet. Ayaw mo namang manatiling ganyan si King, diba? Ayaw mo rin namang mamatay siya nang dahil sa pagka-uhaw niya sa dugo mo, diba? Do it for him since he already saved you more than you could ever imagine.'
Fine! I'll do it..
Hinawakan ko nang madiin ang talim ng kutsilyo sa aking kaliwang kamay at unti-unti nang nagdurugo ito. Mabilis kong idinikit sa labi ni King ang kaliwang kamay ko at hinayaan kong tumulo ang aking dugo sa loob ng kanyang bibig.
Gumalaw-galaw siya at nakikita naming unti-unti niyang nilulunok ang mga dugo kong nasa loob ng bibig niya.
"He's moving!" natutuwang sambit ni Cindy.
Inalis ko na ang kamay ko mula sa labi ni King at binigay ko na kay Kelly ang kutsilyong may mga dugo ko pa. Si Cindy naman ay lumapit sakin at nilisan ang kamay ko. Nilagyan niya rin ng benda ang sugat ko.
Tinignan ko si King na nakapikit parin at may bahid pa nang dugo ko sa kanyang labi.
"B-Bakit hindi parin siya nagising? Sigurado ba kayong magiging okay siya pagkatapos niyang makainom ulit ng dugo ko?" tanong ko sa kanilang dalawa.
"Yes, we're very sure. Don't worry, magigising rin siya bukas na malakas na ulit." pagsagot naman ni Cindy sakin matapos niyang gamutin ang sugat ko sa palad.
Nilinisan ni Kelly ang kutsilyo na may dugo ko pa, ang nakakapagtaka lang ay bakit hindi sila na-tempt ni Cindy na tikman rin ang dugo ko? Vampire rin silang dalawa, edi dapat sabik na sabik rin sila sa amoy ng dugo ko?
"May tanong ako sainyong dalawa.."
Tinignan nila ako at tinanguan.
"Sure. Ano yung tanong mo?" nakangiting tugon ni Kelly.
![](https://img.wattpad.com/cover/187942378-288-k386664.jpg)
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...