S C A R L E T
Sobrang lambot naman ng hinihigaan ko! Ang sarap-sarap talaga matulog kapag ganito kalambot ang kama mo!
Nag-unat unat ako habang nakahiga parin ngunit bigla akong nakaramdam ng unting kirot sa gilid ng leeg ko, kinapa ko ito at bigla kong naimulat ang mga mata ko dahil sa naalala kong pangyayari kagabi.
Mabilis akong umupo at tumayo mula sa masarap na pagkakahiga ko sa kama, tumakbo ako papasok ng bathroom at tinignan ang aking leeg.
'T-Totoo pala talaga ang lahat ng nalaman ko kagabi? Pati na rin ang p-pagkagat sakin ni King sa aking leeg..'
May dalawang hindi kalakihan na parang butas sa gilid ng aking leeg, namumula-mula pa ang mga ito.
'Pero paano ako nakauwi dito sa condo ko kagabi? Sa pagkakaalala ko ay nawalan ako nang malay.. paniguradong si King ang naghatid sakin dito, p-pero paano niya nalaman kung ano at saan ang unit ko?'
Napapailing na lamang ako sa aking mga iniisip.
"Scarlet, ang dapat mong isipin ngayon ay paano mo maitatago ang dalawang kagat na nandyan sa leeg mo! Baka isipin nung mga makakita niyan ay hickey ang mga yan, marami pa namang judger sa paligid."
Sambit ko sa aking sarili.
Lumabas na ako nang bathroom at muling humiga sa malambot kong kama. Kinuha ko ang aking unan at niyakap ito.
"Tinatamad pa akong bumalik sa SU! Nahihiya pa akong harapin at kausapin si King dahil sa pagkagat niya sa leeg ko, pati na rin y-yung ano.. yung p-pag-inom niya nang d-dugo ko. Aish! B-Bakit ka kasi pumayag na gawin niya yun sayo, Scarlet?!"
Sambit ko sa aking sarili habang yakap-yakap parin ang aking unan.
'Ginusto mo rin naman yun, self! Wag kang ano dyan!'
I mentally rolled my eyes dahil sa sinasabi nang inner self-being ko.
"Basta! Hindi na lang muna ako babalik sa SU, idadahilan ko nalang na may mga urgent and important activities akong kailangang gawin dito for a week. P-Pero parang sobrang tagal ko namang mawawala? One week talaga?"
Muli kong kausap sa aking sarili.
'Makakaya mo bang hindi makita si King, ha? Kaya mo bang tiisin na di siya makita for a week?'
Muli ring sumbat sakin ng inner self-being ko.
"Sinabi niya rin naman sakin na bibigyan niya ako nang time and space to process everything na nalaman ko, so I guess okay lang na mawala ako for a week?"
Sagot ko rin mismo sa aking sarili.
Siguro kung may nakakakita man sakin ngayon, iisipin nilang nababaliw na ako kasi kausap ko ang sarili ko.
Muli akong umupo at kinuha ang phone ko na nasa side table nitong kama. I dialed my dad's secretary, siya nalang ang uutusan kong magsabi sa Head Mistress ng SU na I would not be able to come back today because of some urgent and important activities-kuno that I need to do for a week.
After a few minutes of ringing, she already answered my call. Maybe she's a bit busy or maybe she's busy finishing the task dad gave to her or whatever.
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...