Chapter 33

6.3K 168 34
                                    

S C A R L E T

Nagulat ang lahat dahil sa sinabi ni Dustin kay King. Habang ang miyembro naman ng mga High Council ay kumunot ang mga noo.

"Paanong nakapasok ang mga Sanguine at Nosferatu sa SU, Maximus?" kunot-noong tanong ni Mr. Cedrick.

"We don't really know why all of a sudden they keep on showing up every 6:30 PM." simpleng tugon ni King.

"Hinahanap pa namin kung saan sila nagtatago sa loob mismo nang Sanguis University, imposible kasing galing sila sa labas ng university." sambit rin ni Kelly.

"You have to find a solution about this ruckus as soon as possible, Maximus. Kawawa ang mga mortal na nag-aaral sa loob ng university." sambit ni Mr. Kurt.

Tama si Mr. Kurt, kawawa kaming mga mortal na nasa loob ng Sanguis University. Pero paano naman mahahanapan agad ng solusyon yan kung ngayon palang ay nagkakalat na ang mga Sanguine at Nosferatu sa loob ng university.

"Please excuse me, I would like to go to the bathroom." pag-excuse ko sa kanilang lahat.

"I'll go with you." sambit ni King.

Tatayo na sana siya nang pigilan siya ni Ms. Laura sa pagtayo.

"I'll go with her, King. Just sit here and discuss a solution about the ruckus in SU right now." wika sa kanya ni Ms. Laura. Ako naman ang tinignan niya at nginitian. "Let's go, Scarlet."

Nauna siyang maglakad habang ako naman ay nakasundo lang sa kanya. Nag-aalinlangan pa nga ako kung susunod ba ako sa kanya kasi natatakot talaga ako sa kanya. She's very intimidating.

Lumiko kami sa isang hallway at huminto sa tapat ng pintuan. Binuksan niya ang pinto at bumungad samin ang malinis na comfort room.

"Here's the comfort room, Scarlet."

Nauna siyang pumasok kaya sumunod nalang rin ako sa loob.

Hindi naman talaga ako iihi or magbabawas, I just wanted to vent out my worriness. What if pagbalik namin dun sa SU patay na pala ang lahat? What if patay na rin ang lahat ng mortal na nag-aaral dun? Ano nalang ang gagawin namin? Lalo na ako.. isa lang rin naman akong mortal na mahina, walang magagawa at hindi kayang ipagtanggol ang sarili ko. Bakit ba kasi biglaang dumami ang mga naglalabasan na mga Sanguine at Nosferatu? Isa-isa lang naman sila dati kada gabi ah?

"A penny for your thoughts, Scarlet." sambit ni Ms. Laura na nakatingin sakin habang nakasandal siya sa pader.

Tinignan ko siya at nandito parin sa loob ko ang nararamdaman pagka-intimidate dahil sa aura niya. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit pumayag ako na siya nalang ang sumama sakin dito.

"I'm just.. scared and worried kung ano na bang nangyayari ngayon sa SU. I want to help them kaso I don't know what to do since isa lang naman akong mortal na mahina na hindi kayang ipagtanggol at proteksyonan ang sarili, so paano ko rin maliligtas yung mga students na nandun sa loob ng university? Kung dati natatakot ako sa mga bampira, pero ngayon parang mas gusto ko nalang maging bampira para makatulong ako sa kanila." problemado at malungkot kong tugon sa kanya.

Lumapit siya sa sink at tinignan ako mula sa salamin.

"Naiintindihan ko kung gaano mo kagustong tulungan sila, pero ang magagawa mo nalang ngayon is to keep yourself safe. In that way, mababawasan yung pag-aalala nila kasi alam nilang safe ka." sagot naman niya sakin.

Pero gusto ko talagang makatulong sa mga kasama kong Royalties, feeling ko kasi lagi nalang ako pabigat. Lagi nalang nila akong nililigtas sa kapahamakan, I should also learn how to help them. Ayokong lagi nalang akong walang gagawin.

Owned by the Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon