This chapter is dedicated to all my sweeties! Thank you for reading and supporting this story! Kayo ang inspiration ko kaya nagdesisyon akong ipagpatuloy ang pagsusulat nang story na 'to. 💛
— — —
T H I R D P E R S O N
Agad na tinungo ni Christopher ang mansyon ng mga High Council. Ngayon nalang ulit niya makikita ang kanyang anak na dalaga simula ng muli itong bumalik sa university, ni hindi rin siya nito tinatawagan o binabalitaan lamang sa mga kaganapan sa buhay kaya walang kaalam-alam si Christopher sa mga nangyari at nangyayari ngayon.
Pagkadating niya sa mansyon ay agad siyang sinalubong ng isang katiwala at ginabayan patungo sa veranda kung nasaan ngayon ang mga High Council. Agad naman siyang nakita ni Mr. Kurt, kinawayan siya nito at kanya naman itong sinuklian ng isang ngiti.
"Long time no see, Christopher!"
Masayang pagbati nang ginoo sa kanya bago siya nito hagkan.
"Kamusta ka, Kurt?"
"I'm doing great!"
Pangangamusta nang dalawang ginoo sa isa't-isa.
Binalingan naman nang tingin ang iba pang High Council na nakatingin sa kanya habang nakangiti.
"How are you, High Council?"
Nakangiting tanong ni Christopher sa kanilang lahat.
"I'm glad that I finally see you again, Christopher. It was such a long time since the last time we saw each other."
"I focused myself in handling my company and to my only daughter."
"Yeah, nakikita ko nga. Unti-unti na kasing kumukulubot ang iyong buong mukha."
"Alam naman nating dalawa kung sino ang mas mukha nang matanda."
Pag-uusap at pag-aasaran nila Christopher at Mr. Cedrick sa isa't-isa.
"Christopher! Oh my goodness, ang pogi mo parin."
Nakangiting wika ni Ms. Laura habang papalapit sa kanya. Ginawaran naman siya nito nang isang halik sa pisngi.
"Matagal ko nang alam yan, Lauren."
Nakangisi namang tugon ni Christopher sa kanya.
Bumaling naman ang tingin niya kay Ms. Dianna na tahimik lamang silang tinitignan, nagkatinginan silang dalawa at tumango sa isa't-isa.
"Long time no see, Dianna."
Nakangiting pagbati sa ginang, tinanguan siya nito at binigyan nang isang tipid na ngiti.
Sunod na tinignan niya ay si Lauren na nakatingin rin sa kanya. Hindi kasi niya inaakala na makikita niya ngayon ang ama ni Scarlet, hindi niya rin inaakala na makisig parin ang pangangatawan nito kahit napakatanda na. Oo nga't bampira ito, pero mukha parin itong binata na parang kasing-edad lamang nila. Hindi halata na may asawa't-anak na ito.
"Nice meeting you, young lady."
Nakangiting pagbati sa kanya ni Christopher.
"It's my pleasure to finally meet the queen's father. My name is Lauren Mendoza, the duchess of Sanguis University's Royalties. Nice meeting you, Mr. Christopher."
Pormal at magalang na pagbati ni Lauren sa kanya. Napangiti naman si Christopher sa pagiging pormal niya.
"Nice meeting you too, Lauren. You don't need to be too formal, just call me Mr. Chris or Chris whatever."
BINABASA MO ANG
Owned by the Vampire King
Vampire"No one is allowed to kiss you, hug you, touch you and stares at you except me, Scarlet Celine Flammia. I own you, and that means you are my property. You are mine. Only mine." Maximus Ethan Dietrich said with his deep, husky but very authoritative...